Chapter 4

23.1K 414 7
                                    


"HOY!!" Tumatakbo parin ako kahit hindi ko na alam kung saan ako papunta. Hindi ko na rin narinig yung boses niya kaya huminto na ko, hingal na hingal ako at tagaktak yung pawis ko ng biglang may nagabot ng panyo sakin.

"Um.. are you okay?" Napatingala ako sakanya at napanganga ako sa sobrang ganda niya. Mukha siyang living barbie gosh.

"Ah. Oo salamat" kinuha ko naman yung panyo niya at pinunas sa tumutulo kong pawis.

"May nangyare ba sayong masama?" Yung boses niya parang anghel.

"Wala naman may humabol lang saking panget na monster" natawa naman siya sa sinabi ko at inaya niya ko pumuntang canteen kaso tinanggahin ko naman dahil baka pagtinginan nanaman ako ng mga tao dun. Feeling close din siya no? Joke ang ganda niya kaya isa rin siguro siya sa mga sikat dito sa school.

Dahil ayoko sa canteen inaya niya ko sa isang coffee shop malapit dito sa school namin. Mukhang mamahalin nga dahil ang sososyal naman mga tao dito sa loob, ngayon palang kasi ako nakapunta dito kahit lagi ko tong nadadaan . Hindi ko rin naman afford yung mga bilihin dito .

" Ang sarap naman nito , salamat ah" natawa naman siya sa sinabi ko, sa tuwing tumatawa tuloy siya lalo siyang gumaganda, hindi na ko nagtataka kung bakit lahat ng lalake dito nakatingin sakanya.

"I'm Zoey Williams" inabot naman niya yung kamay niya at tinanggap ko naman "So.. friends?" Nahihiya pa atang tanong niya. Dapat nga ako pa ang mahiya sakanya dahil walang wala ako kapag magkadikit kami mukha lang akong yaya niya.

"Serina pala. Oo magkaibigan na tayo" ngitian ko naman siya ininom ko na yung kapeng hanggang ngayon hindi ko pa ubos. Ninanam-nam ko pa kasi dahil minsan lang to no.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman, ang bait mo kaya nilibre mo pa ko, next time babawi ako sayo"

"No need, libre ko talaga yan sayo kasi sinamahan mo ko tsaka pwede bang humingin ng favor?" Tumingin naman ako sakanya,

"Anong favor? Sana kaya kong gawin"

"Transferee kasi ako tsaka hindi ko pa alam yung pasikot sikot pwede mo ba akong iguide?" Nakangiti padin siya, hindi ba sumasakit panga nito.

"Ayun lang ba? Oo naman no"

"Omygosh thank you Serina" tumango tango na lang ako.

Pagkatapos namin uminom nagpaalam na kami sa isat-isa. For the first time in forever may kumausap sakin non no. Achievement din dahil ilag sakin yung mga feeling magaganda sa university akala mo naman ang peperfect nila.

Himala at hindi ako hinintay ni mama dito sa labas ng gate namin, palagi niya kasi akong hinihintay dito diba nga overprotective yun. Pumasok ako sa loob at nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito!!" Inis na sabi ko, pano naman niya nalaman yung bahay ko.

"Hi Serena" Nakangiting sabi niya, magpopronounce na lang ng pangalan ko mali pa.

"Ma! Anong ginagawa niyan dito?!" Nagdadabog naman akong nilapag yung hawak kong bag. Siya naman ay feel at home na nakaupo sa sofa namin habang nanonood. Si mama naman nasa kusina at nagluluto ng kung ano.

"Serina! Hindi ganyan yung tinuro ko sayo kapag may bisita tayo" Bwisita hindi bisita!

"Feel na feel mo naman yung bahay namin, bakit ka ba nandito? Tsaka pano mo nalaman yung bahay ko?" Sunod sunod na tanong mahina lang dahil baka marinig ni mama at pagalitan ako.

"Serena. I know everything. Kaya wag kana magtaka" Argh! Bwisit. Umakyat naman ako sa taas at nagpalit ng damit narinig ko pa yung tawa niya na parang nangiinis.

Nawalan na ko ng gana kaso tinawag ako ni mama na maghahapunan na at sabay sabay na daw kami kumain.

Umupo naman ako kaharap siya, as if naman tatabi ako sakanya no! Feeling nya. Ang sama ng tingin ko sakanya pero siya halatang pang-asar yung ngiti.

"Tita ang sarap ng luto mo" Pati mama ko nakikipagclose niya.

"Salamat, alam mo bang paborito yan ni Serina. Sa susunod na dadalaw ka eh dadamihan ko pa" napatingin naman ako kay mama.

"Ma naman! Hindi na siya dadalaw dito ngayon lang to" inis na sabi ko.

"Ganon po ba tita maraming salamat po"

"Travis pagpasensyahan mo na yang anak ko, wala pa kasing dumadalaw dyan simula ng magdalaga at hindi siguro sanay. Nililigawan mo ba yung anak ko? Papayagan naman kita. Sayo ang boto ko" muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni mama. Akala ko ba ayaw niya pa ko magboyfriend grabe parang bumoboto lang siya sa mga candidate ng pilipinas. Eto namang Travis na to tawa ng tawa sa sinabi ni Mama.

Nakakainis bakit ba ang tagal niyang umalis naaalibadbadran na ko sa mukha niya pano kanina pa siya tingin ng tingin sakin.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam naman na siya kay mama na uuwi na.

"Travis, sana ikaw yung pinakaunang magiging nobyo ng anak ko tuwang tuwa talaga ako ayong bata ka" seriously? Ano bang pinakain nitong Travis kay mama. Syempre ito namang Travis ngiting ngiti sarap niyang suntokin kung wala lang si mama. Tsaka hindi ko siya papatulan no. Never!

"Maraming salamat po tita mauuna na po ako" paalam niya

"Serina anak, Ihatid mo si Travis at delikado na dyan sa daan baka mapahamak napakagwapo pa naman niya" Nahulog na nga talaga si mama kay Travis.

"Ma naman! Pano kung ako yung mapahamak tsaka matanda napo siya para ihatid pa" pagmamaktol ko

"Wala naman magtatangk-"

"Oo na po" ganon ba ko kapanget grabe tong nanay ko. Kainis "Tara na ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Sumunod naman siya sakin.

"Ang ganda pala ng nanay mo" sabi niya habang naglalakad kami

"Hoy! Type mo ba yung nanay ko?" Sigaw ko sakanya

"No. Nagtataka lang ako kasi hindi ka naman ganon ka ganda tapos yung nanay mo maladyosa" susuntukin ko na talaga to.

"Ewan ko sayo! Magsama kayo ni Xander parehas kayong mayabang kala mo naman gwapo" iniwan ko naman siyang nakatayo doon. Argh badtrip. May sinabi pa siya kaso hindi ko na narinig dahil malayo na rin ang distansya namin sa isat isa.

Magsama sila ni Xander!

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon