Chapter 28

14K 290 14
                                    

Maayos ang naging unang araw ko sa trabaho. Sobrang daldal ni Celia kaya hindi ako naboboring tuwing konti lang ang customer dito sa shop. Isang linggo na akong nagtatrabaho dito. Napagalam kong Jiro pala ang pangalan nung kasamahan naming lalaki. Kung anong kinadaldal ni Celia siya namang kinatahimik ni Jiro. Bago palang pala siya kaya nahihiya daw siyang makipagusap noon kay Celia dahil babae pa ito. Mabait din ang manager namin na si Ma'am Victoria. Mukha lang siyang masungit dahil sa make up niya. Lumipat na rin ako ng bahay. Maliit lang ito at pwede lang talaga sa isang tao. Mabuti nga ay pinayagan ako ng landlady na sa katapusan pa ng buwan ako makakapagbayad dahil wala pa naman akong sahod. Si Travis madalas at dito na nakatambay. Akala nga ni Celia ay boyfriend ko daw si Travis. Palagi daw kasi akong dinadalaw. Puro pangaasar naman ang nakuha ko kay Celia. At kilig na kilig pa kay Travis dahil sobrang gwapo daw nito.

"1 slice of caramel cake. And coffee too"

"Ayun lang ba Sir?" Napaangat ang ulo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko pati ang paa ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Maging siya ay hindi rin inaalis ang tingin sakin. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at konti na lang ay sasabog na. May parte sa puso ko na sa masaya ako na nakita ko ulit at merong parte na parang tinitusok ang puso ko dahil sa lahat ng kasinungaling niya sa akin. Gusto ko siyang sigawan pero walang lumalabas na salita kahit isa sa akin. Gusto kong sabihin kung bakit hindi siya nagpakita ng napakatagal at pinaasa lang ako sa wala. Sobrang sakit ng puso ko ng makita siya ulit sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Naginit ang sulok ng mata ko at nagbabadya nanamang tumulo ang mga ito. Nakakainis wag kayong tutulo!

"Ano na bes, nakakita lang ng pogi hindi na makagalaw?" narinig ko lahat ng ingay sa palagid ng marinig ko ang boses ni Celia. Agad akong nataranta at kinuha ang order ni Xander.

"A-ah sorry po" bahagya akong napayuko sa harap ni Xander. Hindi ko na ulit tinignan ang mukha niya. Kinuha ko na ang cup ng paglalagyan ng kape. Hindi ko nalalagay ng husto ay agad kong napindot ang button kaya tumama sa kamay ko ang sobrang init na kape.

"Aray. Shit" sambit ko kaya agad kong napansin si Celia na palapit sakin. Nabitawan ko rin ang cup na hawak ko sa sahig dahil sa sobrang init ng kape na tumama sa kamay ko.

"Jusko. Serina ano bang nangyayari sayo? Nasaktan ka ba?" Alalang tanong ni Celia kaya umiling lang ako. Feeling strong ganon.

"Wala to. Pasensya na" sambit ko.

"Osya. Maghugas ka muna at mukhang namumula ang kamay mo. Ako na akong bahala dito" sambit ni Celia kaya tumango ako sakanya. Napatingin naman ako kay Xander na nakatingin din sa kin na parang gulat sa nangyari. Hindi ko alam kung awa ba ang nakikita ko sakanya o kung ano lang.

Mabilis akong dumeretso sa banyo at agad na hinugasan ang kamay kong sobrang pula. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na tumutulo sa kamay ko. Unti unting bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ng magtama ang mga mata namin. Walang wala itong sakit ng kamay ko sa sakit ng puso ko ng makita ko siya. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Sobrang sakit na konti nalang ay hindi ko na kakayanin.

Napatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga luha ko. Para silang naguunahan sa pagtulo. Pinunasan ko ang pisngi ko at naghilamos baka mahalata pa ni Celia na umiyak ako dahil sa mainit na kape. Lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Celia habang may kausap na customer. Kinuha niya naman order nito at dinala sa mesa nila. Muling bumalik si Celia sa counter at nakita ko.

"Bruha ka. Ano bang nangyari sayo kanina. Diba sanay ka naman na dun. Kamusta na ang kamay mo?"

"Okay na to." Nilibot ng mata ko ang buong shop ng mapansing walang Xander. Agad kumirot ang puso ko na umaasang san nandito pa siya.

"Ikaw ha! Kilala mo ba yung pogi kanina? Kung magtitigan kasi kayo para kayong nasa isang teleserye lalong lalo na nung nataranta ka sa pagkuha ng kape at ng makita ko ang reaksyon ni Pogi kanina. Gulat na gulat siya konti nalang ay gusto niya ng pumasok dito at tulungan ka. Pero dahil bawal nanatili lang siya doon na nakatayo at walang nagawa. Magkakilala ba kayo?" Kilig na kilig na sambit ni Celia na may halong pagtataka. May kung anong naramdaman ang puso ko ng ikwento ni Celia yung kanina. Edi nakita niya pa ng patititigan namin ni Xander. Aish nakakahiya.

"Hindi ko siya kilala. May naalala lang kasi ako sakanya. Kahawig niya yung lalaking manloloko , paasa. At yung mahilig mangiwan na lalaki doon sa school na pinapasukan ko. Akala ko kasi siya" pagsisinungaling ko kay Celia. Agad naman siyang tumango tango at naniwala sa sinabi ko.

Bumalik naman kami sa trabaho at umaasang babalik din si Xander dito. Pero mukhang malabo na dahil maggagabi na rin. Hindi ko man lang siya nakausap kahit sandali. Kung pupuntahan ko siya sa condo niya paniguradong sasabihin nanman ng babae doon ay wala siya. Hindi ko alam kung wala ba talaga siya doon o ayaw niya talaga akong makita pa.

"Serina!" napalingon ako patibag mga customer sa lakas ng sigaw ni Travis. Kahit kailan talaga hindi nahihiya ang bwisit na to. Agad naman siyang lumapit sa counter at umorder ng kape.

"Napagod ka ba? Magkape muna tayo hayaan mo muna si Celia diyan" agad naman napatingin si Celia sakanya.

"Hoy, Travis! Porket pogi ka aabusuhin mo na ang pagiging mahinang babae ko sayo. Hindi na kita crush no! Mas pogi pa sayo si Jiro!" sa lakas ng boses ni Celia ay agad na napalingon samin si Jiro na nagpupunas ng mga table. Agad namang namula ang mukha ni Jiro na kitang kita namin dahil sa liwanag ba naman ng shop na to. Agad siyang nagiwas ng tingin at inayos ang suot niyang sumbrero.

"Bakit kasi di ka pa umamin kay Jiro na crush mo siya?" Tumatawang sambit ni Travis si Celia naman ay halatang namumula din. Hindi ko alam kung sa inis ba o sa kilig niya.

"Hindi ko siya crush! Wag kang ano!" sabay irap niya kay Travis at agad namang tumawa si Travis. Tumingin naman agad si Travis sakin.

"Kanina kapa tahimik ah? May problema ba?" tanong niya kaya bumalik nanaman ang nangyari kanina. Bwisit naaalala ko nanaman si Xander. Ano ba umalis ka nga sa isip ko! Nakakainis kana!

"Wala. Pagod lang siguro. Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Hihintayin nalang kitang matapos. Tsaka wala rin naman akong gagawin sa bahay kung uuwi agad ako" sambit niya at agad na humigop ng kape. "Tsaka sabay na tayong umuwi. Delikado na sa daan tuwing gabi" kung makapagsalita talaga to si Travis ay parang siya ang nanay ko. Namimiss ko na talaga si Mama. Galit na galit pa sa kin yun at hindi niya pa ako mapapatawad kaya mas mabuting wag na muna akong magpakita sakanya.

"Pumunta si Xander dito" napayuko kong sabi. Nagbabadya nanaman ang mga luha kong ito. Basta talaga si Xander ang naaalala ko. Lagi na lang akong umiiyak.

"Anong ginawa niya dito?" seryosong sambit ni Travis. Alam kong galit din siya kay Xander kaya siya nagkakaganyan.

"Umorder. Umalis din siya agad. Wala naman siyang ibang sinabi. Hindi rin naman masisikmurang makita ulit ang pagmumukha niya" pagsisinungaling ko kay Travis sa huling sinabi ko. Ang totoo niyan ang gustong gusto ko na makita ang mukha niya. Kaya gulat na gulat ako ng makita siya kanina. Sobrang saya ko lang.

"Buti na lang hindi ko siya naabutan. Kundi nabugbog ko na siya dito" inis na sambit ni Travis.

Sinasabi man ng isip ko na galit ako sakanya. Pero magkaiba naman sila ng sinasaad ng puso ko. Mahal ko parin siya.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon