Chapter 8

16.4K 339 5
                                    


Naglalakad ako sa hallway ng building namin. Late na ba ko at walang mga tao dito. Tumingin naman ako sa relos ko at 8 am na pa--

"WAAAAHHH! late na nga ko!" Patakbo akong pumunta sa room namin. Sobrang kabado naman ako ng nasa harap na ko ng pinto dahil alam kong nagkaklase na sila. Tumingin naman ako sa salamin ng pinto at saktong nakatingin din si Xander sakin. Ngumisi pa ito at halatang natatawa pa.

Bigla naman siyang nagtaas ng kamay at napatingin yung prof namin sakanya. Aish! Nakakainis ka!! Napangiwi na lang ako sa ginagawa niya.

Tinuro naman niya ko na nakatayo at napatingin naman ang prof namin sakin. Ang sama pa ng tingin nito sakin at nagpatuloy sa tinuturo niya. Paniguradong may parusa nanaman ako nito mamaya. Napatingin agad ako kay Xander na tawa ng tawa.

Isang oras ako halos na nakatayo sa harap ng room namin ng biglang lumabas yung prof namin.

"Magkita tayo sa office ko" nakayuko ako ng sambitin niya ito.

"Opo" mabilis naman itong umalis. Saka naman dumating ang mahilig manggulo ng buhay ko.

"Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?" Tawa naman ito ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka umalis. Wala akong mapapala sa isang yun kundi ang init ng ulo lang.

Naglalakad naman ako papuntang office ng prof namin ng makita ko si Zoey.

"Serina, Tara punta tayo sa cafeteria" alok nito.

"Pasensya kana. May kailangan kasi akong gawin" pagpapaliwanag ko

"Ganun ba? Okay mag iingat ka ah" tumango naman ako at ngumiti. Ngumiti rin ito sakin at umalis na.

Pumasok naman ako sa office ng prof namin. Nandun naman siya at nag aayos ng mga papel.

"So bakit ka late Miss Salazar" tanong nito sakin ng hindi tumitingin. Nakatayo lang ako sa harap niya kahit na may upuan naman.

Bakit nga ba ko late? Hindi naman pwedeng idahilan ko yung pusang muntikan ng mamatay dahil nasa gitna ito ng kalsada. Hays ayun nga ang dahilan.

"Nakita ko pong muntikan ng mamatay ang pusa na nasa gitna ng kalsada. Pasensya na po" Napataas naman ito ng kilay.
"Okay. Isa ka sa mga matatalinong estudyante sa school na to" napangiti naman ako ng bahagya pero tumingin ito sakin kaya agad akong sumeryoso.

"Gusto kong itutor mo ang pamangkin ko. Sinabi ko na rin na pumunta na siya ng library at hintayin ka. Okay you may go now" sambit nito. Wala naman na kong nasabi at tumango na lang.

Hays nagugutom na ko. Papunta na ko sa library ngayon para itutor daw ang pamangkin ni Sir. Pumasok na ko sa loob tsaka hinanap ang tinutukoy ni Sir. Oo nga pala hindi ko alam kung sino aish!

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon