Madaling araw na pero wala akong takot habang tinatahak ang madilim na kalyeng to. Tumila na nga ang ulan pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Kinapa ko ang bulsa ko at dinukot doon ang pera na five hundred pesos saan naman ako dadalhin ng limang daang piso. Napangiwi na lang ako habang sinisipa ang lata ng softdrinks na yupi na. Mabuti na lang at walang nagtatakang mangholdap sakin dito dahil wala rin siyang mapapala sakin. Ni cellphone nga ay wala ako. Tanging mga damit ko lang ang nandito pati ang mga kagamitan ko sa eskwelahan."Fvck miss hindi ka ba tatabi?!" Napatingin ako sa sasakyang nasa harap ko. Sinangga ko naman agad ang kamay ko upang hindi masilaw sa ilaw ng sasakyan niya. Naningkit ang mata ko habang minamasdan ang lalaki roon sa loob ng sasakyan hindi ko ito gaano makita dahil sa nakakasilaw na sasakyan niya. Dumungaw naman siya at biglang nanlaki ang mata niya.
"Serina! Anong ginagawa mo dito?!" Bigla siyang bumaba ng kotse at humarap sakin. "Bakit ang daming mong dala?" Muling tanong ni Travis. "Ah, shit tara sa kotse" hinila niya naman ako at dinala sa kotse niya. Saan naman galing tong lalaking ito at madaling araw na bumabyahe parin siya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong niya ng makapasok na siya sa kotse at agad na pinaandar ito. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko na lang siya magdrive. Ewan ko ba sa tuwing may problema ako lagi nagtatagpo ang landas namin. Hindi ko naman sinagot ang tanong niya dahil antok na antok na ako. Nakatingin lang ako sa mga gusaling nadadaanan namin.
"Nagpaulan ka ba? Bakit ka naglalakad magisa. Alam mo namang delikado lalo na ngayon. Lagi mo na lang ako pinagaalala" napatingin agad ako sakanya na nakatingin lang din sakin.
"Saan tayo pupunta?" Walang emosyon na tanong ko sakanya.
"Doon muna tayo sa apartment ko" nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi niya. "Wala akong gagawin sayong masama. Don't worry" tumango tango lang ako sakanya at nagdrive na siya. Pinikit ko na lang ang mata ko dahil pagod na pagod na talaga ang buong katawan pati ang puso ko.
Minulat ko ang mata ko at tumama agad sakin ang sikat ng araw. Nilibot ko ang paningin ko at agad akong napabangon saka tinignan ang suot ko. Natrauma na siguro ako sa nangyari noon.
"Sa wakas gising ka na" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa pinto habang humihigop ng kape. Kinusot ko naman ang mata ko. At napansing si Travis pala yon. Bigla naman siyang lumapit sakin at mabilis na hinigop ang natitirang kape niya sa tasa.
"Anong ginagawa mo sa gitna ng kalsada sa oras na yon?" Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sakin. Napatingin naman ako sa usot ko at ang dumi dumi na nga non. Gutom na gutom pa ko.
"Pwede bang maligo muna? 24hrs na akong hindi naliligo" nakangiwing sabi ko sakanya kaya agad naman siyang tumango tango. Mabilis kong kinuha ang bag ko at kumuha ng komportableng damit. Paglabas ko ng banyo ay may naamoy agad na pagkain. Ilang oras na akong hindi kumakain at tanging tinapay lang ang huli kong kinain. Nagmamadali akong lumabas habang pinupunasan ko pa ang basa kong buhok. Nagugutom na talaga ako. Nakarating ako sa kusina niyang maliit at agad akong napatingin sa box na nakapatong sa mesa. Nagningning agad ng mata ko ng malamang box iyon ng pizza. Agad akong umupo at takam na takam na nakatingin doon. Narinig ko namang tumawa si Travis kaya napalingon ako sakanya ng may nagtatakang mukha.
"Hindi mo na kailangan magpaalam. Pwede mo ng kainin yan" natatawang sabi niya kaya tumango tango naman ako at kumuha agad ng isang slice. May nilapag naman siya sa mesa pero hindi ko naman yon pinansin dahil sa pizza na nasa harap ko.
"Bakit kahit anong gawin mo ang cute mo parin" napatingin ako kay Travis habang kagatkagat pa ang pizza.
"Wag mo nga kong niloloko. Baka gusto mong ikaw ang kainin ko" nanlaki naman ang mata at biglang hinawakan ang dibdib niya na parang natatakot. "Mukha kang gago wag mo ng uulitin yan" natatawang sabi ko.
"Double meaning ba yun?" Nakangising sabi niya saka kumuha rin ng isang slice ng pizza.
"Huh?"
"Yung huling sinabi mo" sabi niya habang ngumunguya. Inalala ko naman ang sinabi ko. Yung huling sinabi ko. Ano ba yun...
"Ang bastos mo!" Sigaw ko sakanya habang nakaturo sakanya ang hawak kong tinidor.
"Ikaw ang nagsabi. Ako pa ang naging bastos. Wow" nakangising sabi niya at kumain na din ng pizza. Kumain na lang ako ng kumain at hindi na pinansin si Travis.
"Naglayas ka ba? Kanina pa kita tinatanong hindi mo man lang masagot. May problema ka ba?" napatingin na ako kay Travis at nagiinit nanaman ang sulok ng mata ko. Nagbabadya nanaman bumagsak ang mga luha ko. Nakakainis.
"Mahabang kwento" tanging nasabi ko na lang saka tinuon ang pansin ko sa tv niya na nakabukas. Hindi naman ganon kalaki ang apartment niya at saktong sakto lang para sa isang tao. Magkano kaya ang renta niya dito. Mukhang mamahalin kasi at maganda pa ang lugar. Puro buildings.
"Kaibigan mo ako Serina. Alam kong may problema ka o wala." Muling sabi niya.
"Pinalayas ako ni Mama. Okay na ba?" Pagkasabi ko nun ay biglang nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala.
"Saan ka na ngayon titira? May mga kamaganak ka pa bang iba?" tanong niya kaya umiling iling lang ako. Ayoko ng tignan pa siya dahil baka bumagsak na nga ang kanina ko pa pinipigilang luha.
"Dito ka muna tumira habang wala ka pang matutuluyan."
"Hindi pwede yun Travis. Kaibigan kita pero ayoko naman abusin ang pagiging mabait mo sakin. Aalis din ako mamaya maghahanap ako ng trabaho. Tapos magrerenta ako ng murang bahay. Kailangan kong maging independent lalo na at ako na lang ang bubuhay sa sarili ko. Ayoko rin sanang malaman to ni Zoey pero alam kong malalaman niya rin to. Pero sana wag mo munang sabihin. Baka magaalala pa ang isang yun" sambit ko saka ko siya nginitian.
"Pero kung kailangan mo ng tulong ko. Nandito lang ako lagi 24/7 hehehe" biro niya kaya tumawa na lang ako at pinagbabato siya ng unan sa sofa niya.
"Oo nga pala. Bakit nandito ka pa. Paskong pasko baka hinahanap ka na ng pamilya mo"
"Kasama ko naman sila kagabi kaya walang problema. Tsaka hindi kita hahayaang magisa dito. Baka hindi ko pa mapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayong masama" kung siguro sa ibang babae ay kikiligin na ito kapag sinabi sakanila ang sinasabi ni Travis ngayon pero para sakin ay pangkaibigan lang ito. Wala akong nararamdaman kay Travis kahit kaonti dahil matalik na magkaibigan na kami. Lagi siyang nandyan sa tabi ko at lagi niya akong pinapasaya tuwing malungkot ako. Pero hindi ko nilagyan ng meaning yun dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Alam ko rin na may nararamdaman siya sakin pero pinaparamdaman ko sakanya na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. Ayoko ng mawalan pa ng taong mahalaga sakin. Baka hindi ko na kayanin kapag nagkataon.
"Oo nga pala. Tinext ako ni Zoey na sa Japan daw sila magpapasko at magbabagong taon. Nandun pala kasi ang trabaho ng mama niya kaya silang dalawa ng dad niya ang pumunta doon. Pinapasabi niya sayo dahil wala ka nga daw cellphone at hindi na siya nakapunta kagabi sainyo" mabuti na rin dahil baka nakita niya pa ang nangyari kagabi. Siguro ay maghihintay muna ako ng konting panahon para kausapin si Mama.
"Aalis muna ako Travis. Maghahanap na ako ng trabaho. Kailangan may titirhan na ako bago pa lumubog ng araw." Sambit ko sakanya saka kinuha ang kakaonti kong kagamitan.
"Magiingat ka ha? Mukhang uulan pa naman ngayon. May bagyo yata kaya ganon" sabi ni Travis kaya tumango tango naman ako.
"Salamat Travis" nakangiting sabi ko sakanya kaya nginitian niya din ako.
Lumabas na ako ng apartment ni Travis at muli pa siyang sumilip sa pintuan para magpaalam lang. Baliw talaga ang lalaking yun. Siguradong makakahanap agad siya ng babaeng para sakanya talaga.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?