Chapter 17

13.6K 254 2
                                    


Magkakasama kami nila Zoey at Travis habang nasa field.

"Hoy! Travis sali ka samin?" Lumapit naman ang isang lalaki sa amin na may hawak na bola. Kaibigan siguro siya ni Travis.

"Sige!" Excited na sabi ni Travis saka nagtatatakbong umalis.

"Did you like him?" Tama ba ang narinig ko? Napalingon naman ako kay Zoey na may pangdidiri sa mukha. Ew. Travis is not my style.

"Kahit maging color green pa si Majinbu ay hindi ko magugustuhan si Travis" Sambit ko kaya agad na natawa si Zoey.

"I'm just asking. You're always with him kaya akala ko nililigawan ka niya" kung may iniinom lang talaga ako ngayon ay nabuga ko na ito. Nandidiri naman ako sa topic namin.

"Kaibigan ko lang si Travis. Napakakulit niya at lokoloko ang isang yon kaya malabong magustuhan ko" sabi ko na lang tsaka tumingin kila Travis at mga kaibigan niya na naglalaro. Travis is kind. Lokoloko lang ang isang yon pero nagkasundo naman kami. Dalawang beses na niya akong nakitang umiiyak tsaka siya pala ang unang beses na nagtanong kung pwede ko siyang maging kaibigan pero tinanggihan ko dahil baka isa lang din siya sa mga sikat sa school namin na bubullyhin lang ako at pagtitripan pero iba siya. napatingin ulit ako kila Travis at nanlaki ang mata ko na may paparating na na bola papunta sa direksyon namin.

"Omyghad okay ka lang Serina?" Umiikot ang paningin ko habang tinatapik ni Zoey ang pisngi ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sakin.

                            ~*~

Dinilat ko ang mata ko at nakita ang puting kisame. Omyghad late na ako. Anong oras na ba? Napahawak ako sa ulo ko ng may mahawakan akong malambot.

"Wag ka munang gumalaw baka sumakit pa ang ulo mo" Napatingin ako sa lalaking nasa sofa. Si Xander.

"Bakit ka nandito? Class hour pa natin. Bumalik kana sa room niyo" Sambit ko tsaka umupo. Tinignan niya lang ako.

"Tanga kasi ng bola hindi umilag" sambit niya. Nangiinis nanaman ba siya. Ouch ang sakit nitong ulo ko ah. Parang pinukpok ng kung ano ang ulo ko. Oo nga pala nasa field kami nun tapos yung bola tumama sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Wika niya ulit kaya tumango na ako. Masakit lang naman ang ulo ko.

"Halika" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sabay bato ng unan sakanya.

"Ang bastos mo! Malabas ka na nga dito!" Sigaw ko sakanya. Buti na lang walang tao.

"Aray! Ano bang bastos dun? Pinapapunta lang kita dito para kumain" sambit niya at agad na ngumisi na parang nagets na ang sinabi ko. "Siguro pinagnanasaan mo ako no? Aamin amin din pag may time" Wika niya ulit kaya naginit ang tenga ko.

"In your dreams. Wala ngang kanasa nasa sa katawan mo" Sigaw ko sakanya at agad naman siyang tumawa. Biglang tumunog ang tyan ko. Kanina pa siguro ako natutulog dito at gutom na ako.

"May binili akong pagkain. Kumain ka muna. Tingin ko ay matatapos na rin ang class mo. Tsaka excuse ka pala sinabi na ng mga friends mo sa prof mo" Paliwanag niya. May good side rin naman siguro siya kasi may binili pa siyang pagkain para sa akin. Kumuha siya ng plato at kutsara sa kusina ng clinic. Ano to bahay niya at wala man lang paalam.

"Alam ko na ang iniisip mo. Tita ko ang nurse dito kaya pinapayagan niya akong gumamit ng mga ito. Ano magtatanong ka pa?" Inirapan ko lang siya at tumingin na lang sa pagkain na nakalapag sa mesa.

"Ito yung kakainin mo hindi yan" Sabay abot niya sa akin ng malunggay soup. Anong sa tingin niya may lagnat ako. Masakit lang ang ulo ko pero wala akong sakit.

"Trip mo ba talaga akong pagtripan?" Wika ko habang hinihigop ang soup na binigay niya. Akala ko nga ibibigay niya sakin ang fried chicken hindi naman pala. Paasa!

"Oo" Sabay kagat niya sa chicken na hawak niya. Napatingin naman ako dito at napalunok. Napahinto rin siya sa pagkagat at napatingin sa akin. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

"Ang panget mo talaga hahaha!" Tawa niya parin. Sinamaan ko nanaman siya ng tingin.

"Go to hell!" Sigaw ko sakanya. Nakakainis na talaga ang lalaking ito at konti na lang ay mababaliw na ako.

"Sabihin mo kasing gusto mo nito at bibigyan naman kita. Para kang batang hamog sa itsura mo kanina." Sabay tawa parin niya. Bigla naman niyang inabot sakin ang isang fried chicken kaya kinuha ko agad.

"You're funny" Sabi niya at hindi ko na lang siya pinansin at busy parin sa pagkain. Food is life. Naubos ko na ang kinakain ko at kanina pa pala tapos tong Xander na to.

"Serinaa!" Napatingin ako sa pinto ng clinic ng makita si Travis.

"Tapos na ba ang klase mo?" Tanong ko sakanya tumango tango naman siya. Umupo na rin siya kasama namin.

"Hindi ka parin pala umaalis" Wika ni Travis habang nakatingin kay Xander. Hindi niya naman sinagot si Travis at bigla na lang umalis sa kinauupuan niya at lumabas ng clinic. Anyare dun?

"May dala pa naman akong pagkain kaso tapos na pala kayo. Sayang" sambit ni Travis.

"Nandito pa pala kayo. Tara na!" Napalingon naman kaming dalawa ni Travis kay Zoey.

Lumabas na nga kami ng clinic. Medyo masakit na lang ang ulo ko.

"Sorry pala kanina natamaan ka pa ng bola" wika ni Travis.

"Okay lang yun"

Magkakasama kaming tatlo at hinihintay ang sundo ni Zoey. Bigla namang may huminto na kotse sa harap namin. Nagulat ako makita ang lalaking nakabangga ko noon. Ang papa ni Zoey.

"Dad!" Wika ni Zoey. Tsaka ay nginitian ang ama. May parte sa akin na naiingit pero hindi dapat. Siguro nga ay hindi na talaga magpapakita sa amin si Papa. Napatingin naman ako sa matanda at sakto ay nagtama ang mata namin. Napansin kong nagulat din sa mga mata niya kaya agad itong tumingin kay Zoey. Ang weird talaga ng Papa niya.

"Sige. Mauuna na ako. Hoy! Travis ingatan mo yan si Serina ah. Lagot ka sakin kapag may nangyaring masama sakanya. Lulunurin talaga kita sa pacific ocean" banta ni Zoey kay Travis. At tuluyan ng umalis ang kotse nila. Naglakad naman na kami ni Travis pauwi. As usual kasama ko nanaman nga siya.

"Dapat hindi mo kinakausap yon si Xander. Kilala mo naman siguro siya at mahilig manloko yun ng babae at iiwan niya na lang sa ere" wika ni Travis.

"Wala akong balak magpaloko dun isa pa hindi ko siya gusto" Sambit ko sakanya.

"Talaga ba? Noong makita ko kasi kayo kanina sa clinic grabe siya kung makatingin sayo. Alam kong may gusto sayo si Xander, Serina. Lalaki ako at nararamdaman ko yun. Tsaka noong natamaan ka ng bola nandun pala siya at bigla ka na lang binuhat at dinala sa clinic. Two hours kang natulog at nandun parin siya. Siguro ay hinintay ka niyang magising. Kaya layuan mo na lang siya" Wala na akong nasabi kay Travis sa haba ng sinabi niya. Naglakad na lang kami na hindi na naguusap.

Nakarating ako sa bahay at nakaupo lang sa sofa si Mama at nanonood ng boys over flower. Pang eight times na na sigurong naulit yan.

"Nandito na po ako" napalingon naman siya sakin.

"Susmaryosep kang bata ka. Anonv nangyari diyan sa ulo mo" Here comes my OA mother. Gasgas lang naman ang sugat ko sa ulo at ang OA din ng naglakad ng benda sa ulo ko.

Thankful parin ako sa bumato ng bola sakin kasi ang daming hinanda ni mamang pagkain. Mabubusog nanaman ako nito. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na agad ako para pumunta sa kwarto. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Napatingin lang ako sa kisame.

Alam kong may gusto sayo si Xander

Alam kong may gusto sayo si Xander

Alam kong may gusto sayo si Xander...

Napasabunot ako sa buhok ko. Mababaliw na ko kapag inisip ko pa ang sinabi ni Travis. Waaah! Kinikilabutan ako. Nakakadiri.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon