"Pwede po bang mag apply? Nakasulat kasi dun sa labas na naghahanap kayo ng empleyado" napatingin ang babaeng may makapal na pulang lipstick sa labas."Wala na yan. Sa iba ka nalang mag apply" walang ganang sagot niya kaya nginitian ko na lang siya at umalis na. Napangiwi ako ng makalabas ako ng shop na iyon. Maghahapon na at gutom na rin ako wala parin akong nahahanap na trabaho. Pang sampung beses na akong sumubok pero pareparehas lang ang sinasabi nila. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng umalis sa harap ng tindahan.
Naginit nanaman ang sulok ng mata ko ng makita ko ang malking building sa harap ko. Tandang tanda ko pa ito dahil dito ako dinala ni Xander noon. Kung saan niya sinabi lahat ng kasinungalingan niya. Nakakainis bakit ba ako naniwala sa lalaking yun. Kung sa umpisa alam ko ng babaero siya sikat na sikat nga siya sa paaralan namin bilang isang king of campus halos na nga ata ng babaeng estudyante doon naging kasintahan niya pa. Bwisit! Matatanggap niya kaya ang magiging anak namin? Gusto ko siyang makausap.
Naglakad ako patungo sa loob. Nakalimutan ko naman kung saan ang floor ng unit niya.
"Ano.. Ma'am pwede po bang magtanong?" tumango lang ang babae habang nakatingin parin sa computer na nasa harap niya mukhag busy kasi siya kakapindot doon at hindi na inabala ang pagtingin niya sakin.
"Ano pong floor at unit ni Xander?" pagkasabi ko noon ay tumingin na siya sakin. Napataas naman ang kilay niya.
"Kaano ano ka ni Mr. Alexander Green?"
"Ah. Kaibigan niya ako" kinakabahan naman ako sa tingin niya dahil parang mangangain na siya. May kinuha naman siyang telepono at agad nilayo ang telepono sakin. Nilibot ko naman ang mata ko at ngayon ko lang napansin na sobrang ganda dito sa loob. Sobrang yaman nga ni Xander dahil kayang kaya niyang bumili ng unit sa gantong kagandang condominium.
"Wala si Mr. Green" walang ganang sabi niya at tumingin ulit sa screen ng computer na nasa harap niya.
"Ganon ba. Salamat" lumabas na lang ako ng building at napabuntong hininga na lang. Mas mabuti pang maghanap na lang muna ako ng trabaho. Nabawasan na rin ang pera ko at hindi ko alam kung saan na ako kukuha ngayon. Halos lahat ng pinupuntahan ko hindi pa daw sila tumatanggap. Paskong pasko pero napakamalas ng araw ko.
"Nandito ako sa baba ng condominium."
"I'll wait here. Okay. I love you babe"
Napatingin ako sa babaeng di kalayuan sakin. Natatandaan ko ang boses niya at ang mapulang labi niya. Siya yung babaeng nakita ko kasama si Xander. Iniwas ko na lang ang tingin ko saka naglakad palayo. Sa tono nagsasalita niya siguradong mahal na mahal niya si Xander. May kung ano namang tumusok sa dibdib ko. Sa tuwing naalala ko lang si Xander ganito lagi ang nararamdaman ko.
"Finally" napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakangiti ito at pawis na pawis habang may hawak na mineral water.
"Sinusundan mo ko?" tanong ko sakanya umiling naman agad siya saka inabot sakin ang bote ng mineral water. Agad ko namang kinuha yun dahil uhaw na uhaw na rin ako simula pa kanina.
"Kain na tayo. Baka gutom na si baby" agad nanlaki ang mata ko at muntik ko ng mabuga ang iniinom kong tubig.
"A-anong sabi mo?" utal na sabi ko.
"Your baby is hungry diba? Pati ang mommy niya mukhang gutom na rin. Kapag pumanget si baby ikaw ang sisisihin ko" bigla na lang tumulo ng namumuo tubig sa mata ko. Hindi ko magalaw ang kamay ko dahil sa panginginig. Ayokong makita niya akong umiiyak pero ito ako ngayon umiiyak nanaman.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?