As usual. Maaga nanaman akong papasok, nakaligo at nagsuot na ko ng damit syempre baduy parin. Kailan ba umayos yung pananamit ko.Bumaba na ko para kumain napansin ko namang wala si mama . Asan naman kaya yun? Napakaaga naman para umalis siya, nagpunta lang siguro sa grocery. May nakahanda namang pagkain kaya nilapang ko agad dahil gutom na rin ako , nagiwan naman ako ng note at dinikit sa ref. Para makita niya agad.
Sana naman wala na yung mga chismosa sa school at wag na ko pag-usapan. Ganon ba talaga kapag sikat ka lahat ng atensyon ng tao nasayo, para sakin ayoko ng ganon dahil maiistorbo lang ang buhay ko. Mas maganda na tong walang nakakakilala sakin kung meron man ay mga naging classmates ko lang.
Hindi ko namalayang nasa school na ko. Mabuti naman wala ng masyadong nakatingin sakin hindi katulad kahapon meron din naman kaso ayoko na lang sila pansinin. masasayang lang yung oras ko sakanila no.
"Pare, ang ganda nung transferee"
"Liligawan ko agad yun"Sino nanaman kaya yung transferee na yun, marami naman kasing nagtatransfer dito dahil maganda ang palakad nila sa school. Papunta palang ako sa locker ko may nagkukumpulan na malapit sa locker sections. Mga chismosa talaga.
"Serina!" Kay Zoey yung boses na yun halata naman dahil napaka hinhin at mala anghel na boses niya. Nagsitinginan naman sakin yung ibang estudyante. Si Zoey pala ang transferee na tinutukoy nila. Grabe sikat na agad siya at hindi na ko magtataka kung maraming magkakagusto sakanya dito.
"Ah.. bakit?"
"You're so Beautiful" tomboy ba to o bulag?, hinila ko naman na siya papunta dun sa locker ko.
"Bulag ka ba? Anong beautiful? Ako? Duh wala ngang kaganda ganda sakin eh" sumimangot naman sa sa sinabi ko. May nasabi ba akong masama?
"Wag ka ngang ganyan sa sarili mo, maganda ka naman talaga wala nga lang talaga sa uso yung style mo pero alam mo nababago naman yan eh hindi katulad ng ibang babae dito. Ginawa na lahat lahat hindi parin gumanda" sabay tingin sa mga babae na nasa hallway. Yeah halos nga ata sakanila niretoke.
"Saan ba yung unang class mo para mahatid na kita?" Sinabi naman niya lahat sakin at alam ko naman din. Habang naglalakad naman kami panay ng tingin nila kay Zoey, at nagmukha nga akong yaya niya. Hindi naman na ko nagtataka at sasanayin ko na ang sarili ko.
"Nandito na ta-" omygosh kaklase niya si Xander. Kapag nakita ako nito siguradong hindi na ko makakauwing buhay. Chos. "Ah. Hehe una na ko Zoey ah, baka kasi malate na ko, osige bye" mukhang nagtaka naman siya sa kinilos ko kasi medyo nakatago ako.
"Ah. Ganon ba see you later " tumango na lang ako at tumakbo na. Buti naman at hindi niya ko napansin.
Natapos na yung isang class. kaya nagmuni-muni muna ako dahil nakakaboring sa kwartong to.
"Serina right?" Napalingon naman ako sa nagsalita.
Tumango lang ako."Kaibigan mo ba si Zoey?" At ano namang kailangan niya kay zoey?
"Oo bakit?" Ngumiti naman siya.
"Pwede mo ba akong ilakad sakanya"
"NO!"
"Sige naman please, matagal ko na kasi siyang crush" Anong pake ko?
"Alien ka ba? Hindi mo ba naintindihan yung salitang NO?"
"Sige na please ilakad mo ko sakanya gagawin ko lahat"
"Maglakad ka magisa mo, o kaya tumakbo ka pa no padin ang sagot ko" umalis na ko sa harap niya.
"Ang damot mo na ang panget mo pa" paglingon nakangisi siya.
"Anong sabi mo?!" Inis na sabi ko. Alam ko namang panget ako pero kailangan pa ba ipagsigawan?
"Panget!" Dahil sa inis ko nilapitan ko siya at sinuntok. Ouch tigas pala nung mukha nun. Napahawak naman siya sa labi niyang dumudugo.
"Bagay lang sa-"
"ANONG NANGYAYARE DITO?" Sigaw nung prof namin. Nalintikan na.
"Kasalanan to ng lalaking yun eh bwisit" nandito ako ngayon sa gym. Naduty tuloy ako ng isang araw nakakainis. Badtrip.
"Gago siya" sabay sipa ko dun sa bola.
"Sinong gago?" Napalingon naman ako sa nagsalita.
"Hindi ikaw yun wag kang feeling!" Doble doble na yung pagkakabadtrip ko sana naman wag na niya dagdagan pa. "Tsaka bakit ka ba nandito? Stalker kita no? Sinusundan mo ko? May gusto ka ba sakin?" Lumabas na lang sa bibig ko lahat ng yan. Ano ba tong sinasabi ko, lumapit naman siya sakin palapit pa siya ng palapit hanggang sa macorner na niya ko.
"Pano kung sabihin kung oo?" Napalunok naman ako. Ano ba tong ginagawa ko?
"U-umalis ka nga d-dyan!" Nakangisi lang siya habang palapit ng palapit pa sa mukha ko. Napapikit na lang ako at ramdam ko na yung hininga niya.
"HAHAHAHAHAHAHHHAHAHAHAHAHA" Napadilat ako ng mata ng makita ko siyang tawa ng tawa habang hawak yung tyan nya.
"Bwisit ka!" Binato ko naman sakanya yung bolang hawak ko. At agad naman niyang nasalo
"Naniwala ka naman sa sinabi ko. Haha ako magkakagusto sayo? Ew ang panget mo kaya" tawa parin siya ng tawa.
"Ang yabang mo Xander Green!" Dahil sa inis ko lumabas na ko ng gym. Wala na ba silang sasabihin kungi panget ako? Tao rin naman ako nasasaktan. Napakamanhid nila.
Porket mamayaman sila ganon na nila ko tratuhin. Habang naglalakad ako naramdaman kong may tumulo umuulan ba? Hindi ko yun luha tsaka hindi ko naman yun iiyakan
"Umiiyak ka ba?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Inirapan ko lang siya tapos umalis na ko.
"Huy, umiyak ka no?" Pangungulit niya bakit ba ang kulit nitong Travis na to.
"Anong pakialam mo? Sino ka ba? Bakit kaba dumating sa buhay ko? Pwede ba layuan mo na ko" Nagpatuloy na ko sa paglalakad mabuti naman at hindi na niya ko sinundan.
Sa wakas natapos na lahat ng duty ko para makauwi agad ako.
"Anak may problema ba?" Tumingin naman ako kay mama.
"Ah wala po mama, pagod lang siguro" ngumiti naman ako kahit halatang pilit lang. Mabuti naman hindi na rin nagtanong si mama sakin hindi pa naman ako sanay na nagsisinungaling sakanya. May pumasok naman agad sa isip ko para magtanong kay mama
"Mama ano pong itsura ni Papa?" Simula nung nagkaroon ako ng isip hindi man lang ako kinukwentuhan ni mama tungkol kay papa siguro binaon na niya talaga sa limot lahat. Tumabi naman sakin si mama at hinawakan yung kamay ko.
"Um.. Gwapo ang papa mo tsaka mabait siya kamukhang kamukha mo siya" so kaya pala sabi nung travis na hindi kami magkamukha ni mama kasi si papa ang kamukha ko. Eh bakit ang panget ko? Gwapo naman daw si Papa. Hayst!
"Nung kami pa ng papa mo, lahat ginagawa niya para sumaya lang ako. Kaso mapagbiro ang tadhana" ngumiti ng pilit si mama. Halatang malungkot siya sana pala hindi na lang ako nagtanong. Ayoko kasing nakikita siyang malungkot.
"Ah sige po mama, matutulog na po ako um.. magpahinga na rin po kayo" ngitian ako ni mama at umakyat na ko sa kwarto ko.
Ano kayang feeling kapag buo ang pamilya
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?