Chapter 33

15.9K 328 6
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napakunot ang noo ko ng may marinig akong naguusap sa baba. Sobrang tahimik kasi kaya ang mga boses na lang nila ang naririnig ko.

Nasa hagdan palang ako at agad nanlaki ang mata ko dahil nandito ang papa ni Zoey. Napalingon naman silang dalawa sakin at nakita ko ang ekspresyon ni Mama. Gulat din ata siya kung bakit nandito ang papa ni Zoey. Kilala niya kaya ang papa ni Zoey? Bakit siya nandito.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" magalang kong tanong at agad na umupo sa tabi ni mama. Siguro ay hindi pa siya gaano katagal dito.

"Kilala mo naman na ako, Serina diba?" Sambit niya kaya tumango ako. Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko ang papa ni Zoey. May kinuha siya sa bag niya at inibot sakin ang maliit ng picture. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang lalaking nasa picture.

"Bakit niyo po pinapakita sakin ang picture niyo?" Sambit ko ngunit ngumiti lang siya. Parehas na parehas sa ngiti ng lalaki nasa picture. Bigla naman hinawakan ni mama ang kamay ko. Mukhang naghihintay din siya ng sagot sa papa ni Zoey.

"Nagkakamali ka, Serina. Ang lalaking nasa litratong yan ay ang papa mo. Si Samuel ang kakambal ko." Parang huminto ang mundo ko ng sabihin iyon ng papa ni Zoey. Napako lang ang atensyon ko sa hawak kong litrato. Natuluan na ng tubig ang litratong hawak ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tuluyan na nagbagsakan. "Noong una kitang nakita sa school niyo iba na agad ang naramdaman ko sayo. Siguro dahil kakambal ko si Samuel at anak ka niya. Nalaman ko na lang na kaibigan ka pala ni Zoey ang anak ko. Palagi ka niyang kinukwento sakin. Naalala mo ba yung sinasabi ni Zoey sayo? Parehas tayong may nunal sa mata parehas ng sa papa mo. Parehas din kaming may nunal. Nagtaka rin ako noon pero inisip ko na baka nagkataon lang. Kwinento rin sakin ni Zoey na wala ka ng ama." Saglit siyang napatigil. Napatingin ako sakanya at kamukhang kamukha niya sa papa. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil parang nakikita ko na papa ko. Naririnig ko na rin ang mahihinang hikbi ni mama.

"Serina, patawarin mo ako dahil ngayon ko lang sinabi sayo to. Madami kasi akong inasikaso at naghanap hanap pa ako ng impormasyon kung ikaw ba talaga ang anak ni Samuel. At totoo ngang ikaw. Parehas kayo ng blood type. At nalaman ko rin na si Rina ang mama mo." Sambit niya. Patuloy parin ang pagbagsak ng luha ko.

"Wala po kayong kasalanan" utal utal na sabi ko. Nakatingin lang ako sakanya ng biglang may tumulong luha sa mata niya. Pero agad niya rin pinunasan. Tumingin siya kay mama na umiiyak na rin.

"Rina, hindi niya kasalanan kung bakit niya kayo iniwan. Kasalanan ng mga magulang namin. Dinala si Samuel sa Amerika ng sabihin niya samin na nabuntis niya ang girlfriend niya. Hindi nila alam na may girlfriend si kuya. Tanging kaming dalawa lang ang may alam nun. Nagalit ang mga magulang namin kay Samuel. Pupuntahan ka pa dapat niya pero binugbog siya ng mga tauhan ni Papa. kaya nanghina na siya noon. Awang awa ako kay Samuel pero wala akong nagawa sinabihan ako ng ama namin na wag akong makielam. Sobrang sakit sa loob ko ng makita ang nanghihinang ang kapatid ko. At kakambal ko pa. Wala ng nagawa si Samuel noon kundi ang sumama sa amerika. Araw araw kong kausap si Samuel noon at araw araw din siyang umiiyak. Sinabi niya sa akin na puntahan daw kita at sabihin ang totoo pero binantaan ako ni Papa. Natakot ako, Rina. Kaya hindi ko agad nasabi sayo." muling sambit ng papa ni Zoey. Kaya agad na napahagulgol si Mama.

Sa tagal ng panahon at ngayon nga lang nalaman ang dahilan. Alam kong sobrang sakit sa parte iyon ni Mama.

"Ibig sabihin, nasa amerika pa si Samuel?" pilit nagsalita si mama kahit hirap na hirap na siya sa sitwasyon. Napatingin din ako sa papa ni Zoey pero agad siyang umiling. Tumulo nanaman ang luha niya pero hindi niya na iyon pinunasan at pinabayaan na lamang na tumulo.

"Wala na si Samuel" parang dinurog ang puso ko ng sabihin niya iyon. Ang hikbi ni mama kanina ay naging palahaw na. Natulala na lang ako sa sinabi ni Tito. Parang hindi nagpumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Hindi. Hindi yon totoo. Buhay pa si Papa.

"Nakaraang taon ng mangyari ang aksidente. Tumakas si Samuel sa tinitirhan niya. Banatau sarado siya sa mga tauhan ni Papa pero nagawa niyang tumakas dahil hindi na niya daw kaya ang impyernong iyon. Tumakas si Samuel pero may nakakita sakanyang tauhan. Hinabol siya nito hanggang makarating sila sa kalsada. Walang tigil sa pagtakbo si Samuel noon. Gustong gusto niya ng umuwi dito sa pilipinas kaya mas pinili niyang tumakas. Gustong gusto niya na kayong makita at magpalinawag dahil sa ginawa niya. Pero mapaglaro ang tadhana. Patawid si Samuel noon sa kabilang kalsada ng hindi niya mapansin ang padaan na truck. Nasagaan si Samuel. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na hospital. Pero wala na daw itong buhay. Masakit saming lahat ang nangyari."


"T-tito, buhay pa si Papa diba? Sabihin niyo sakin na buhay pa siya. Wag kayong magsinungaling. Parang awa niyo na. Buhay pa siya diba?" Pangungulit ko kay Tito lumapit na rin ako sakanya. "Buhay pa si Papa! Tito wag ka naman magbiro. T-tito.." Agad naman suyang umiling sa sinabi ko. Napayuko na lamang ako sa harap niya. Ayokong maniwala pero nasa harap ko na ang katotoohanan, na wala na talaga si Papa. Parang ulan ang pagbuhos ng luha ko. Naramdaman ko na lang ang paghaplos ni Tito sa buhok ko.

"Papa.." sambit ko ng paulit ulit. Ilan sandali rin ako pwestong iyon.

"Gusto kong dalhin kayo sa puntod ni Samuel. Alam kong magiging masaya na siya kapag nalaman niyang pumunta na kayo doon. Kayo na lang ang hinihintay niya, Serina."

Tulala ako habang nasa kotse ni Tito. Nasa passenger seat ako at si mama ay nasa likod. Nakatingin lang siya sa mga gusaling nadadaanan namin. Medyo malayo-layo pala ang pinaglibingan kay Papa. Kaya puro puno na lang ang karaniwang nakikita ko. Hapon na rin. Dahil ang tagal namin sa bahay kanina. Bigla naman huminto ang kotse kaya napatingin ako kay Tito Sandro.



"Nandito na tayo" sambit niya. At bumaba sa kotse. Bumaba na rin ako at inalalayan si Mama sa pagbaba. Magkahawak kami ng kamay habang papasok sa sementeryo. Kulay gold pa ang gate nito at halatang mayayaman lang ang mga nakalibing dito. Nakapasok na kami sa loob at sobrang ganda dito. Parang paraiso dahil puro bulaklak ang nasa paligid. Nakasunod lang kami kay Tito agad sitang huminto sa lapidang nasa harap niya. Agad rin kaming lumapit at nakasulat dito ang pangalan ni Papa.

Samuel Williams
1979 – 2016
In Loving Memories

Siguro masaya na ngayon si Papa. Ngayon na alam na namin ang dahilan. Hindi ko man lang siya nakita kahit isang beses. Nandyan naman si Tito Sandro at kamukha kamukha niya si Papa. Okay na yun kaysa naman wala akong ideya kung ano ang itsura niya. Ngayon alam ko nang gwapo nga si Papa.

"Maraming salamat pa, mahal na mahal kita. Bantayan mo kami ni Mama ha?. Tsaka tignan mo may apo kana. Hindi mo man lang kami nakita ng magiging apo mo. Masaya na kami papa." sambit ko habang hawak hawak ang lapida ni Papa.

Matagal tagal din kami sa sementeryo dahil ang dami kong kwinento kay Papa. Pati si Mama ay marami siyang kwinento simula noong baby palang ako at gaano daw ako kakulit. Napatawa naman kami ni Tito.

Nagpasya na kaming umalis. Inayos ko muna ang bulaklak na dala ko kanina.

"Babalik ulit ako. I love you, Daddy"

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon