Chapter 20

14.5K 286 4
                                    

Nakatitig lang ako sa kisame mula pa kaninang umaga. Magaalas dose na ng tanghali at nakahilata parin ako sa kama.

"Anak kanina ka pa nakahiga diyan. Magnaghahanap sayo sa ibaba" napabalikwas agad ako sa sinabi ni Mama.

"Susunod po ako" tumango naman si Mama saka sinara ang pinto. Nagpalit lang ako ng damit at inayos ang magulo kong buhok. Dali dali naman akong bumaba at nadatnan si Travis.

"Serina" nginitian ko lang siya at umupo sa isang upuan.

"Bakit ka naparito?" Tanong ko sakanya.

"Nagaalala lang ako. Kahapon ay hindi kita mahagilap sa school pagkatapos nating kumain. Dumaan ako dito kagabi at sabi ng mama ay basang basa ka raw ng makauwi. May problema ka ba Serina?" Nakatingin lang sakin si Travis at iniwas ko naman ang tingin ko. Ayoko na ulit alalahanin ang nangyari kahapon.

"Umulan kasi kahapon. Tsaka maagang natapos yung class ko kaya umuwi na ako agad at nakalimutan ko pang magdala ng payong" pagsisinungaling ko sakanya. Alalang alala rin si Maa ng umuwi ako pero nagsinungaling din ako sakanya. Ayokong nakikita si Mama na nagaalala sakin.

"Siguro ka bang okay ka lang?" Tumango tango naman ako at ngumiti. Mabuti naman at naniwala na siya sa sinabi ko.

"Mama pwede po ba kaming lumabas ni Travis?" Sambit ko kaya napatingin si Mama samin.

"Ganon ba. Osige magingat kayo" tumango naman ako kay Mama at lumabas na kami ni Travis.

Naglalakad kami ni Travis ng may makita kaming nagtitinda ng ice cream. Kahapon ko pa gustong kumain ng ice cream pero wala akong nadaanan na convenience store. Hinila ko naman agad si Travis palapit sa nagtitinda ng sorbetes.

"Sigurado ka bang malinis yan" napatingin naman ako kay Travis ay sinamaan siya ng tingin. "Okay, Fine" natawa naman ako ng bahagya. Nag suggest pa siya na doon na lang kami kumain ng ice cream sa dati naming pinuntahan pero tumanggi ako dahil baka maalala ko pa yung nangyari doon.

"Masarap diba?" Tanong ko kay Travis na nakalima na at ayaw na ata paalisin si Manong. Tumango tango naman siya bilang sagot dahil kumakain siya ng ice cream.

"May alam akong park dito. Tara namimiss ko na kasi ang lugar na iyon" hinila ko naman siya agad malapit lang naman ang park dito at mabilis kaming nakarating. Umupo naman kami ng may makakita kaming swing. Bumili lang ako ng lollipop na kinakain ng mga bata dito. Siguro nga ay iniisip nilang isip bata ako.

"Ang saya nila no?" Napatingin ako sa buong pamilya na naglalaro at nagkakatuwaan di ka layuan sa amin.

"Bakit hindi ka ba masaya sa pamilya mo?" Tanong ni Travis napangiti naman ako ng mapait at nakatingin parin sa pamilyang iyon.

"Masaya pero may kulang parin" Sabi ko na lamang. "Hindi ko nakita ang papa ko ni kahit picture niya ay wala. Iniwan kami ni Papa ng malaman niyang buntis si Mama at siya ang ama nito. Pinalaki ako ni Mama na siya lang magisa at walang tulong ng kahit sino. Tinakwil na siya ng mga kamaganak niya lalo na ng mga lolo at lola ko. Masakit para sakin na nasasaktan si Mama. Lahat na ata ng trabaho pinasukan ni Mama para lamang may pangtustos kami sa araw araw. Minsan naiinggit ako sa mga pamilya na buo at masaya. Minsan iniisip ko ano bang pakiramdam na may tatay ka? Kasi ako hindi ko naramdaman" Bumuhos na nga ang luha ko na kanina ko pa pinapigilan. Halo halong emosyon ang nararamdama ko ngayon pero iisa lang ang nasisiguro ko. Nasasaktan ako.

Napatingin ako Travis at agad na inabot sakin ang panyo.

"Kaya ikaw hangga't nandyan pa ang mga magulang mo ipadama mo na sa kanila na mahal mo sila. Hindi natin hawak ang mga buhay natin. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala. Kung kailan sila mananatili satin. Maswerte ka kasi nandyan pa ang mga magulang mo at kumpleto pa kayo. Masaya akong kasama ko pa si Mama at hindi niya ako sinusukuan" wika ko at agad na napatingin kay pwesto ni Travis ng mapansing wala na siya doon. Argh! Sayang ang pagsasalita ko dito at wala naman pala siya saan ba nagpunta iyon. Nilibot ko naman ang paningin ko sa park ng makita si Travis habang nakikipaglaro sa bata. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

"Maghahapon na tara na at baka hinahanap kanang Mama mo" napatingala ako kay Travis at may dala pa siyang ice cream. Natakam naman ako agad.

"Akin ba yan?" Tanong ko sakanya ng may malapad na ngiti.

"Bumili ka ng iyo" napasimangot naman ako agad at siya naman ay tumawa at ginulo pa ang buhok ko. Mukha ba asong aso.
"Biro lang" napangiti naman ako agad at kinuha ang ice cream na hawak niya at agad na kinain. Naglalakad naman na kami ng mapansin ko ang lalaking nakatayo malapit samin. Nasa labas lang siya ng isang convenience store at parang may hinihintay. Bumalik nanaman yung alala ko kahapon ng makita ko sila ng kasama niyang babae na kulang na lang ay maghubaran na sila sa harap ko. Bigla naman itong napatingin sakin kasabay ng paglabas ng babae sa loob at agad na pinulupot ang braso niya kay Xander. Siya yung kasama niyang babae kahapon.

"Let's go babe" rinig kong sabi ng babae at agad na silang umalis. Kumirot nanaman ang puso ko ng hindi ko alam kung anong dahilan at ibig sabihin.

"Serina, Tara na?" napatingin ako kay Travis saka tumango. Kung magiging apektado lang ako ay walang mangyayari sa akin. Wala akong karapatan na maramdaman ang nararamdaman ko ngayon dahil walang namamagitan saming dalawa ni Xander. Sinabi niya lang iyon dahil gusto niya akong pagtripan wala ng iba pang dahilan.

"Layuan mo na si Xander, Ako lang ang nasasaktan sa ginagawa mo" napatingin ako kay travis at nakatingin lang siya sa kawalan at hindi ko mabasa ang expression na binibigay niya.

"Anong ibig mong sabihin" lumingon naman siya sakin at timignan ako sa mata. Ngayon ay nakikita ko na ang mga mata niya na puno ng sakit.

"Bakit kung sino pa yung gusto natin, Sila pa yung hindi tayo kayang gustuhin pabalik? Bakit ang unfair. Bakit Serina? Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang kausap siya. Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kong sumasaya ka sakanya? Serina hindi ko na kaya. Hanggang kailan ako aasa. Hanggang kailan ako aasang ako naman? Hanggang kailan ako aasang mahalin mo rin?" tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha niya at nakatingin lang ako sakanya at walang masabi kundi ang tumayo lang sa harap niya. Hindi ko akalain na hahantong sa ganto. Akala ko ay magkaibigan lang kami. Akala ko ay isang kaibigan lang ang turing niya sakin.

"Haha, Wala naman kwenta tong sinasabi ko. Ang mabuti pa ihahatid na kita sainyo. Hinahanap ka na ng mama mo" pinunasan naman niya ang luha niya saka naunang umalis pero hinila ko agad ang kamay niya upang mapahinto siya sa pagalis.

"S-sorry" utal na sambit ko sakanya tumawa lang siya saka ginulo nanaman ang buhok ko. Hinila niya naman ang kamay upang magkasabay na kami sa paglalakad.

"Bakit ka nagsosorry? Ako ang may kasalanan. Kasi nahulog ako. Nahulog ang loko lokong tulad ko sayo. Bakit ba kasi nakakahulog yang mga ngiti mo?" tumatawang sabi niya kaya sinuntok ko siya ng mahina sa braso agad naman siyang napahawak sa braso niya.

"Ang sadista mo talaga" inis na sabi niya saka tinulak ako ng mahina at tumakbo palayo sakin

"Bwisit ka talaga Travis!" Sigaw ko ngunit tumatawa lang siya. Natawa na rin ako saka hinabol siya.

Maswerte akong nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Travis.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon