Two lines
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang maliit na parihaba. Madaling araw palang pero gising na gising na agad ang diwa ko. Unti unti nanaman bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak at kung ilang beses pa ako iiyak. Napahawak na lang ako sa tiyan ko habang nanatiling nakaupo sa sahig ng banyo. Wala na akong pakialam kung madumihan man ang damit ko. Hindi ko alam na may mabubuo sa ginawa namin. Hindi ko kaya pero alam kong kakayanin ko para sa magiging anak namin ni Xander.
Pupuntahan ko si Xander. Kailangan niyang malaman to. Lumabas na ako ng banyo at saktong nakita ko si Mama habang nagkukusot ng mata niya. Agad ko namang pinunasan ang konting basa sa mata ko para hindi mahalata ni mama na umiyak ako.
"Ang aga mo naman nagising anak?" Sambit ni mama habang naglalagay ng kape sa tasa niya.
"Ah. Pasko na po kasi hehe excited lang" biro ko kay mama kaya agad naman siyang tumawa.
"Mamimili nga pala ako sa bayan, Siguradong marami ng tao doon ngayon. May gusto ka bang ipabili?" Tanong ni mama. Umiling lang ako sakanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Maayos na po ako wag na po kayong magalala sakin" lumapit naman sakin si mama tsaka hinawakan ang kamay ko. Naginit naman ang sulok ng mata ko at malapit nanaman tumulo ang mga luha ko.
"Kung may problema ka anak? Sabihin mo lang sakin ha?" tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama. Ayokong magalit siya sakin. Kung maaari ay ayoko munang sabihin sakanya.
"Mahal kita anak tandaan mo yan. Iniwan man tayo ng papa mo basta ang tandaan mo nandito parin ako" tinignan ko si Mama si mata at umiiyak na rin pala siya.
"Mama naman ang aga aga nagdadrama tayo" biro ko sakanya pinunasan naman niya ang pisngi ko at ngumiti saka kinurot ang pisngi ko.
"Osiya sige baka matagalan ako sa bayan. Kung may pupuntahan ka man isara mo ng mabuti ang pinto" tumango na lang ako at dumeretso na sa kwarto ko. Binagsak ko naman sa kama ang katawan ko ng mapansin ko ang pulang rosas na nasa mesa ko. Lanta na ito at konting tubig na lang din natitira sa vase nito. Tumingala na lang ako sa puting kisame habang pinagmamasdan ang dalawang butiki na naghahabulan. Buti pa sila masaya.
"Hey!" Napabalikwas ako sa kama dahil sa gulat ng makita ko si Zoey na nakadungaw sa pinto.
"Nagulat ba kita hehe?""Obviously?" Nakangiwing sabi ko kaya tumawa naman siya.
"Hindi ka pa ba naliligo?" Umupo naman siya sa kama habang pinagmamasdan ang kwarto ko. Umiling naman ako. "Si Travis nasa baba"
"Huh? Ano nanamang ginagawa nun dito?"
"Sabi niya mamamasyal daw tayo eh. Tara na Serina." Yinuyugyog niya naman ang braso ko. "Maligo kana hihintayin ka na lang namin" nakangiting sabi niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Hindi man lang tinanong kung gusto kong sumama. Kumuha na lang ako ng maayos na damit at dumeretso na sa banyo. Magiisang buwan na pala ang tiyan ko. Ano kayang pakiramdam maging isang ina? Hindi ko akalain na ilang buwan na lang ay magkakaroon na ako ng baby. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko silang tinitignan ang photo album namin habang tumatawa. Agad naman akong lumapit sakanila.
"Ang panget mo dito Serina" tumatawang sabi ni Travis kaya sinamaan ko lang siya ng tingin kaya mas lalo pa siyang tumawa. Hindi ko naman na sila pinigilan dahil mukhang pinagkakasayahan nila ang mga picture ko noon.
"Bakit puro picture niyong dalawa lang ang nandito?" Tanong ni Zoey kaya agad nawala ang ngiti ko. Hindi nga pala niya alam na wala na akong ama.
"Tara na kaya" tanong ni Travis kaya agad ng tumango si Zoey kaya tumayo na kaning lahat.
"Saan pala tayo pupunta?" Takang tanong ko ng makita ang kotse sa harap ng bahay namin. Mukhang kotse ito ni Zoey.
"Secret!" Sigaw ni Travis habang tumatawa. Mas nauna naman siyang tumakbo at dumeretso sa likod ng upuan ng sasakyan. Sumunod na lang din kami at sumakay na rin ako sa likod at si Zoey ang nasa driver's seat.
"Gagawin niyo ba akong driver nyo? Serina dito ka" tinuro naman ni Zoey ang katabing upuan nito kaya agad akong tumango at lumabas saka umupo sa passenger seat.
"Let's go!" Sigaw ni Travis saka pinaandar ang speaker ng kotse.
Hindi ko alam kung saan kamj pupunta pero mukhang masaya nga ang pupuntahan namin. Nagkakantahan naman kaming tatlo dahil mahaba haba ang byahe namin."We're here!" Bumaba naman kami ng kotse. Hindi ko alam ang lugar na to pero mukha siyang malaking perya. May malalaking roller coaster at ferris wheel. Ngayon palang ako nakapunta dito at ngayon ko lang din nalamang may ganitong lugar. Hindi pa ganon karami ang mga tao kaya hinila na agad ako ni Zoey.
"Anong tawag sa lugar na ito Zoey?" Takang tanong ko ng makapasok na kami sa loob.
"Enchanted kingdom" masayang sabi niya.
"Kumain muna tayo nagugutom na ako" sambit ni Travis at agad na pumunta sa isang tindahan ng hotdog. Bumili lang kami ng tatlong hotdog at tagiisang coke at agad na naglibot naman kami. Siguro isa na to sa masasayang pangyayari sa buhay ko. Marami naman na kaming sinubukang rides at mukhang susuko na si Travis kaya tawa lang kami ng tawa ni Zoey.
"Ayoko ng sumakay, mamamatay na ko" hingal na sabi ni Travis. Palubog na ang araw at mukhang lahat na ata ng rides dito ay sinakyan namin. Padami ng madami na rin ng mga tao simula pa kanina. Nakapila naman kami. Mataas ito at uunting tumataas ang mga nakasakay at mabilis din silang bumaba. Hindi ko alam ang tawag doon pero ganon ang itsura niya. Kaya siguro takot na takot na si Travis at ayaw ng sumakay pa pero napilit parin namin siya kaya wala na siyang nagawa pa. Kami na ang sunod na sasakay. Nasa gitna nila akong dalawa at nakahawak pa sila sa kamay ko ng mahigpit lalong lalo na si Travis. Tumingin naman ako sakanya at nakapikit lang siya kaya tumawa ako ng mahina kaya napatingin siya sakin.
"Wag ka ngang tumawa" inis na sabi niya kaya mas lalo pa akong tumawa para maasar siya. Unti unti ng tumataas ang sinasakyan namin. Nasa taas na kami at kitang kita na ang buong siyudad dito sa taas. Napakagandang tignan ang palubog na araw at mga ilaw ng mga gusali.
"WAAAAAAAAAAAHHHH!" Sigaw naming lahat ng biglang bumaba ng mabilis. Napapikit na lang ako dahil mukhang nahiwalay ang puso ko sa katawan ko ng mga sandaling na iyon. Ilang beses din iyon at sobrang sakit ng dalawang kamay ko dahil sa mahigpit nilang hawak sakin. Bumaon pa ang kuko ni Travis sa kamay ko.
"The best day ever" sambit ni Zoey. Maggagabi na kaya nagpasya muna kaming kumaing sandali para makauwi na.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?