Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa bahay namin. Kasama ko nga si Xander na sinabi niya kahapon. Akala ko nagbibiro lang siya na kakausapin niya si Mama pero hindi pala. Kanina niya pa ako kinukulit na pumunta na sa bahay.
"Matatanggap kaya ako ng, Mama mo?" napangiwi na lang ako sa tanong ni Xander. Maging ako ay hindi ko rin alam kung matatanggap ba ni Mama si Xander. Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ni Xander. Ayaw na nga nyang bitawan eh.
Nasa harap na kami ng gate ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako at binuksan na ito. Humarap agad ako sa pintuan at kumatok. Humigpit naman ang hawak ni Xander sa kamay ko.
Bumungad sa amin si Mama. Nagingitim ang paligid ng mata niya at pumayat siya. Halatang nagulat siya sa pagdating ko at kasama ko pa si Xander. Napatingin siya saming dalawa. Sumunod sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagiinit nanaman ang sulok ng mata ko dahil sa lagay at itsura ni Mama ngayon. Hahawakan ko sana ang kamay niya ng bigla niya itong nilayo.
"Ma'am magpapaliwanag po kami ni, Serina" napalingon ako kay Xander maging si Mama. Halatang nagulat siya sa pagsasalita ni Xander. "Hayaan niyo po akong magpaliwanag. Tatanggapin ko po lahat ng sasabihin niyo"
Pumasok si Mama sa loob kaya sumunod na kami. Namiss ko ang bahay namin. Kung dati ay palaging malinis dito ngayon ay sobrang dami ng kalat sa sahig. May mga gamot na nagkalat at mga bubog. Pinigilan kong wag umiyak sa nakikita ko ngayon. Parang wala ng buhay ang loob ng bahay. Natakip ng mga kurtina ang bahay at parang hindi pa napapalitan simula nung umalis ako.
Umupo si Mama sa sofa ganon rin kami.
"Mama, I'm sorry" hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos na ng luha ko. Nakatingin lang siya sakin ng walang reaksyon.
"Kung wala kayong ibang sasabihin. Maari na kayong umalis sa pamamahay ko" parang may tumusok sa dibdib ko ng sabihin sakin iyon ni Mama.
"Pagpaumanhin niyo na po dahil ngayon lang ako nagpakita sainyo. Sobrang laki po ng kasalanang nagawa ko sa anak niyo. Iniwan ko siya sa alanganing sitwasyon. Nagpakasarap ako ng hindi man lang iniisip ang kalagayan niya. Nung nalaman kong nagdadalang tao si Serina. Nagulat ako pero napalitan ng saya yun. Hindi ko alam na magbubunga ang nangyari samin. Patawarin niyo po ako. Maging si Serina. Pananagutan ko po ang anak niyo. Hinding hindi na ko siya ulit iiwan. Pagbigyan niyo po ako ng isang pagkakataon. Mahal na mahal ko po si Serina." Napatingin ako kay Xander ngumiti siya sakin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Mamahalin ko po ng lubos ang anak namin."
Napatingin ako kay Mama ng biglang tumulo ang luha niya. Lumapit agad ako sakanya saka siya niyakap. Naramdaman ko na lang din na niyakap ako ni Mama. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Sobrang saya ko na natanggap na rin ako ni mama. Hindi ko alam mangyayari to. Kaya nagpapasalamat ako ng lubos kay Xander.
"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo si mama. Natakot lang ako na baka magaya ka sakin. Na iniwan din tayo ng papa mo. Sorry anak"
Matagal din bago kami nagyakapan ni Mama. Parang may natanggal na tinik sa dibdib ko dahil napatawad na ako ni Mama. Ngumiti sakin si Xander. Lumabas sila ng bahay dahil kakausapin daw ni Mama si Xander. Ako naman ang kinakabahan dahil hindi ko maririnig ang paguusapan nila ni Mama. Baka kung ano ang sabihin dun ni Xander. Napangiti na lang din ako sana ay matanggap din ni Mama si Xander.
Napansin ko ang makalat na bahay kaya nagpasya na lang akong maglinis. Umakyat ako sa taas at nakita ko ang kwarto ko. Napangiti ako dahil sobra kong namiss ang kwarto ko. Pumasok ako sa loob nagulat naman ako dahil walang kakalat kalat dito sa loob. Nakaayos lahat ng damit ko at gamit ko. Siguro palaging nililinis ito ni Mama. Napangiti na lang din ako. Sandali lang ako sa kwarto ko ng may marinig akong nagtatawanan. Napakunot ang noo ko kaya bumaba agad ako. Nakita ko si Mama at Xander na nasa kusina na naguusap at nagtatawanan pa. Aba ang bilis naman nilang maging close.
"Andyan ka na pala, Anak" sambit ni mama ng nakangiti. Napatingin din sakin si Xander at kumindat pa. Pinigilan ko naman ang ngiti ko dahil kinilig ako sa ginawa ni Xander. Umupo naman ako sa tabi ni Mama.
"Nakakatuwa pala yan si Xander" nakangiting sambit ni Mama.
"May sinabi ba siya sayo Ma. Kaya ganyan ka ngumiti?" Umiling naman siya. Bakit kaya ang saya nito.
"Marunong pala siyang magluto. Kaya natagalan kami dahil inaya niya pa akong pumunta sa grocery. Magluluto daw siya para sa atin" Paliwanag ni Mama. Napatingin naman ako kay Xander habang nakatalikod samin at busy busy siya sa ginagawa niya.
Ito na siguro yung pinakamasayang araw ko. Napatawad na ako ni Mama at tanggap na niya kami. Wala na akong hihingilin pa. Masayang masaya na ako ngayon. Makasama ko lang ang mga mahal ko sa buhay.
"Serina, Tikman mo" napalingon ako kay Xander habang nakangiting nakatingin sakin at may hawak nakutsara na may sabaw. Nagaalangan pa akong tikman dahil pinapanood kami ni Mama. Hindi lang ako sanay dahil wala naman naging boyfriend dati.
"Nangangalay na si Xander, Serina" sambit ni mama kaya tinikman ko na lang. Pinagmasdan ko naman silang dalawa na parang hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako tsaka nagthumbs up. Aba may talent pala sa pagluluto tong si Xander. Wala kasi sa itsura niya na marunong siya.
Habang nagluluto parin si Xander. Hinawakan ni mama ang kamay ko. Napangiti ako dahil bumabalik na kami ulit sa dati. Parang nawala lahat ng galit sa akin ni Mama.
"Salamat, Anak. Pasensya kana dahil nagalit ako sayo noon. Alam mo bang sising sisi ako dahil sa ginawa ko noon. Hindi ko nakontrol ang sarili ko noon dahil sa mga alaalang bumalik sa akin. Nadala ako ng galit ko simula ng iwan tayo ng papa mo. Gusto kitang hanapin pero hindi ko alam kung saan ka nagpunta. Wala akong ideya kaya nagalit ako sa sarili ko. Araw araw akong umiiyak at walang tulog sa pagaalala kung nasaan ka. Kung saan ka natutulog, kung nakaka-kain ka ng maayos. Lalong lalo na at dalawa na kayong kumakain ng baby mo. Palagi lang akong nasa kwarto mo at umiiyak na sana bumalik ka ulit dito sa bahay. Anak salamat kasi bumalik ka. Patawarin mo ako sa lahat ng masasakit na nasabi ko noon sayo. Mahal na mahal kita anak" tumutulo na ang luha ni Mama habang sinasabi niya ang bawat salita.
Ramdam na ramdam ko na nagsisisi siya sa lahat ng nagawa at nasabi niya. Para sa akin wala ng lahat iyon. Hindi ako nagalit kahit konti kay mama. Kaya masayang masaya ako ngayon.
Pinunasan ko naman ang luha ni mama. Tsaka ngumiti.
"Kalimutan na natin yon. Mama. Mahal na mahal din po kita" sambit ko.
"Done!" Napatingin kami kay Xander. May hawak pa siyang sandok. Napangiti ako dahil sa suot niyang apron. Kinikilig nanaman ako dahil ang cute niya doon sa apron ni mama. Kahit anong gawin niya ay napapangiti na lang ako.
Ganto siguro talaga magmahal. Kahit makita mo lang ang mukha ng taong mahal mo. Mapapangiti ka agad ng walang dahilan. Mapapangiti ka ng siya lang ang may kayang gumawa. Mahal na mahal ko nga talaga ang lalaking to.
"Let's eat" sambit ni Xander. Saka nilagay ang sinigang na baboy sa lamesa. Kukuha na sana ako ng kanin ng biglang kunin ni Xander ang sandok. "Let me do it. Para sayo lahat gagawin ko" sabay kindat niya ngumiti pa siya na kinabaliw ko na. Argh! Bakit ganto magpakilig ang lalaking to.
Narinig ko namang tumawa si Mama. Mukhang botong boto nga si Mama kay Xander. Parang dati pa gusto niyang maging boyfriend ko si Travis.
Kumain na kami ng sabay sabay. Ang dami ko ngang na kain dahil para daw malusog si Baby paglabas niya. Puro pizza lang daw kasi ang kinakain ko ng nakaraan. Kasalanan ko ba na naglilihi ako sa pizza.
Excited naman silang dalawa sa panganganak ko. Two months palang si baby masyado ng silang excited. Pero masaya naman ako. Wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?