Chapter 16

14.3K 296 13
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na nagluluto.

"Nandyan ka na pala" Tumango naman ako kay mama.

"Magpapalit lang po ako ng damit" Sambit ko tsaka ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang bag ko tsaka napansin ang dahon na nakaipit sa zipper ng bag ko. Binuksan ko agad ang bag ko at nakita ang pulang rosas na bigay sa akin ng bata kaninang umaga. Hindi ko parin alam kung sino ang nagpabigay nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabigyan ng gantong kagandang bulaklak. Umupo naman ako sa harap ng mesa ko at kinuha ang maliit na vase na nakatago sa ilalim ng mesa. Nilagyan ko lang ito ng kaonting tubig at nilagay ko na ang pulang rosas. Nakakapagtaka na hindi siya nalanta simula pa kaninang umaga.

"Sana sa susunod pagkain nalang ang ibigay sa akin" sambit ko. Malalanta din naman kasi ang bulaklak na iyan at hindi ko naman makakain.

Nagpasya akong bumaba na lang at kumain. Sobrang nagutom kasi ako dahil sa walangyang lalaking yon.

"Kung may awa ka sa baboy anak, Wag mo namang idouble dead. Kawawa naman eh" Napatingin ako kay mama na kaharap ko saka nginitian siya. Napatingin ako sa porkchop na nasa harap ko at durog na ito. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa ng baboy na iyon.

Natapos akong maghugas ng plato ay umakyat na ako sa taas para magpahinga.

Matutulog na lang ako kaysa isipin ang pangiinis sa akin ni Xander.

~*~

Nagising ako ng maaga na nakaugalian ko ng gawin. Tulog pa si mama kaya nagiwan na lang ako ng sulat na aalis na ako. Pagkalabas ko ng bahay sumalubong sa akin ang masarap na amoy ng hangin. Kung pwede nga lang kainin ginawa ko na. Wow korni. Mabuti na nga lang ay maraming puno dito sa lugar na ito.

"Hey, Mermaid"

"Ugali mo ba talagang manggulat?!" Inis na sabi ko kay Travis. Pano naman kasi umagang umaga pagmumukha niya agad ang makikita ko diba. Badtrip

"Bakit naman ganyan ang mukha mo?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Mukha mo ba naman ang bubungad sakin. Magtataka ka pa ba"

"Infairness ang ganda mo" Pinalo naman ko naman siya ng bag ko. Sabay tumawa.

"Ikaw naman di mabiro" Tumawa naman siya ng malakas. Mabuti at walang tao dito kundi lalayo talaga ako sa lokong to.

Nakarating kami sa school. May bigla naman lumapit saaming lalaki na parang takot na takot. Tinignan ko ang mukha niya dahil nakayuko siya.

"P-patawarin mo a-ako" Nagtaka naman ang ako. Bakit naman siya humihingi ng tawad sa akin.

"Kilala mo ba yan?" Tanong sa akin ni Travis muli kong tinignan ang mukha niya. Omyghad.

"Hala, ikaw ba yan?" Naalala ko na siya yung lalaking nakaaway ko noon na sinuntok ko sa mukha. Hindi ko nga alam bakit hindi ko na siya nakikita at ngayon ko lang ulit siya nakita.
"Pasensya na sa pagsuntok ko sayo noon. Kalimutan mo na yun quits na tayo" sambit ko tumingin naman siya sa akin na parang nabuhayan. Ano bang nangyayari sa lalaking ito.

"Talaga?" Tumango tango naman ako. "Salamat. Sige aalis na ako" mabilis naman siyang tumakbo at di na namin nakita. Anong problema non. Alam kong mahirap ang college at mababaliw ka talaga pero kakaiba ang lalaking yon. Para siyang hinabol ng demonyo.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon