Chapter 10

16.2K 301 10
                                    


Maaga akong pumasok. Mas nauna pa nga ako sa Guard dahil kakarating lang niya noong naghihintay ako sa tapat ng gate.

Wala pang tao sa buong school. Maririnig mo lamang ang huni ng mga ibon na nasa itaas ng puno. Pati ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Nagpasyahan kong pumunta sa rooftop. Madalas ako dito pero noong mga nakaraan ay naging busy ako kaya ngayon nalang ulit ako nakapunta. Pagka akyat ko palang ay napaka lakas na ng hangin. Ang peaceful sa lugar na ito.

Tumingin naman ako sa ibaba. May kakaonting estudyante na akong nakikita. Ayoko na ulit malate kaya dali dali akong bumaba para makapasok agad sa  first subject.

Sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang isang lalaki. Matangkad siya at parang nasa 40's na ang edad.

"Hala. Pasensya na po" yuko ko habang nakaharap sakanya. Baka isa sa mga professor ang matandang ito.

"Ayos lang hija" Napatingin naman ako sakanya ng biglang parang kuryente akong naramdaman sa katawan ko. Hindi ko alam kung sino siya pero kakaiba ng makita ko ang mga mata niya. Ngayon ko palang siya nakikita sa paaralang ito.

Umalis naman siya agad habang ako ay nakatingin parin sakanya habang papaalis sakin.

Kasunod naman nun ay nagbell ng malakas kaya madali akong nakapunta sa room.

Hays buti na lang ay nakahabol pa ako. Dahil kakarating lang din ng prof namin.

"Tulala ka?" Napatingin naman ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Xander. Nilingon ko lang siya at humarap ulit sa bintana. Wala ako sa mood para makinig dahil inaalala ko ang lalaki kanina. Ngayon ko pa lamang siya nakikita pero parang may kakaiba na noong tignan ko siya sa mata.

Nagdismiss naman na kaya lumabas agad ako sa loob ng room. Buti na lang ay wala rin sa mood si Xander na pagtripan ako.

"Serina!" Napalingon naman ako at nakita ko si Zoey na kumakaway sakin. Nakangiti ito palagi kaya siguro ang ganda niya.

"Kain tayo?"

"Tara"

Nasa cafeteria kami ngayon konti palang ang estudyante dahil may klase pa ang iba. Mamaya pa ksi ulit ang klase ko pati si Zoey kaya nagkaroon kami ng oras para kumain.

"Oo nga pala Serina. May invitation ka na ba para sa Masquerade Party?" Tanong niya habang kumakain ng sandwich. Tumango naman ako agad.

"Talaga? Balak ko kasing pumunta mamaya sa boutique ng Tita ko marami kasi siyang nagagawang gown kaya gusto ko sabay na lang tayo"

"Hmm. Wala kasi akong pera para bumili ng ganong kagandang damit. Tsaka hindi siguro ako makakapunta. Para lang sainyo yong magaganda. Hindi naman ako kabilang dun" nakangiti kong sabi sakanya.

"Ano ka ba! Hindi totoo yun no. Lahat pwedeng pumunta sa party na yun. Tsaka wag mo ngang sabihin na hindi ka maganda"

Natapos ang oras sa pagkukwentuhan namin ni Zoey. Noong highschool daw siya ay sumali siya sa Prom pero hindi dumating yung partner niya. Kaya sabi niya isa daw yun sa mga nakakalungkot na araw. Dahil magisa siyang rumampa pero nakaya naman daw niya at naging Queen of the Night pa siya. Hindi naman na ako magtataka dahil napakaganda niya nga. At ako syempre wala akong naikwento dahil hindi naman ako nakasali.

Dumeretso na ako sa susunod ng subject. Nakita ko agad ang pagmumukha ni Travis na nasa pintuan.

"Bakit ka nasa labas?" Tanong ko sakanya. Tinanggal naman niya ang earphone na nakalagay sa tenga niya.

"Ha?"

"Wala"

Umupo naman ako sa likod at sumunod siya. Magkatabi kami ni Travis pero ngayon ay hindi niya ako kinukulit. Aba ang babait naman nila ngayong araw. Hindi ko na lang din siya pinansin at tinuon ang pansin ko sa prof namin.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon