Chapter 21

13.5K 289 13
                                    


Ramdam na ramdam ko na talaga ang pasko dahil sa mga kabitbahay naming umagang umaga ay christmas song ang pinapatugtog hanggang sa pagtulog. Naglalakad ako patungong school ng mapansin ko ang lalaking nakatayo sa gilid ng poste. Bigla naman may kumirot na kung ano sa dibdib ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko. Napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa kamay ko.

"I'm sorry" napangiti ako ng mapait saka pinilit tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumit mas malakas siya kaya mas lalo niya pa itong hinigpitan at pinaharap niya ako sakanya. Agad na tumulo sa pisngi ko ang tubig na nanggagaling sa mata ko. Nakatingin lang siya sakin ng deretso kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Magmumukha lang akong kawawa kung iiyak ako pa ako mismo sa harap niya.

"Bakit ka ba nagsosorry. Haha" pilit na tumawa ako kahit na gusto ko ng umiyak sa harap niya. "Malelate na ako. Masasayang ang scholarship ko kung hindi ako makakapasok sa unang klase ko" sabi ko at pinipilit na hinalain ang kamay ko kaya agad naman niyang binitawan. Tumalikod na ako at alam kong pinapanood niya akong umalis kaya hindi na ko nagabalang lumingon pa. Unti unting bumuhos ang luha ko mabuti na lang at wala pang ganoong tao sa lugar na ito dahil maaga pa naman.

"Pwede bang para sakin ay wag ka ng umiyak?" Napatingala agad ako ng marinig ko ang boses ni Travis na nakatayo sa harap ko ay nakangiti ngunit alam kong pilit lang. Inabot niya naman ang panyong hawak niya saka tumawa "alam mo bang pinapagalitan na ako ni mama dahil na malapit ng maubos ang panyo na palagi niyang binibili para sakin?" Napangiti naman ako ng kaunti dahil nagagawa niya pang magbiro sa lagay ko ngayon. Hindi ba siya marunong makisama aish!

"Hindi ko kasalanang binibigay mo ang panyo mo sakin no!" Sigaw ko sakanya kaya agad naman siyang tumawa.

"Pwede bang bugbugin ko siya kahit isang beses lang?" seryosong tanong niya.

"Tara na malelate na tayo!" sabi ko na lang at hinila na siya para makarating na kami agad sa school. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong.

"Serina!" Napalingon kaming dalawa ni Travis ng makita si Zoey na kumakaway samin. Nasa harap na siya ng gate at kakaalis lang ata ng kotse na sinakyan niya.

"Hi, Zoey" bati ko sakanya at ngumiti naman siya. Sabay na sabay na kaming pumasok sa school.

"Mauuna na ako sainyo. Babye!" Paalam ni Zoey at agad naman kami tumango saka naglakad na.

"Ihahatid na kita sa room niyo"

"Hindi na kailangan hindi naman ako maliligaw no" sumimangot naman siya na parang bata kaya agad akong natawa. "Hindi bagay sayo! Shoo! Malelate kana" taboy ko sakanya ngunit nanatili parin siya sa ganong expression niya.

"Oo na! Mermaid" padabog naman siyang umalis at hinintay na mawala siya sa paningin ko bago ako umakyat patunong room namin. Napabuntong hininga ako ng tignan ko ang hagdan na parang napakahaba at napakalayo sakin. Para akong lumulutang kaya napahawak agad ako sa pader malapit sakin.

"Serina okay ka lang?!" Napalingon ako ng makita ko ang mukha ni Lio na parang nagaalala. Tumango tango naman at hinakbang na ang paa ko sa hagdan. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Lio ang braso ko at inalalayan akong umakyat.

"Gusto mo bang pumuntang  clinic" tanong agad ni Lio ng makaupo na ako sa upuan ko. Umiling naman ako bilang sagot ngunit parang hindi parin siya napakali at parang nagaalala rin sakin. Napatingin ako sa kabilang upuan na katabi ni Lio ng mapansin ko na bakante nanaman ito. Dapat masanay na ako dahil minsan lang naman talaga siyang pumapasok. Sayang lang ang perang ginagastos ng pamilya niya sakanya.

Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa guro na kakadating lang at kasunod ng lalaking nakangiti ngayon at nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Travis. Anong ginagawa niya dito. Agad naman siyang pumasok at derederetsong umupo sa likuran ko. Nakakunot naman ang noo habang nakatingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sakanya para hindi kami marinig ng prof namin.

"Absent yung prof namin. Kaya mas mabuti pang dito muna ako para naman may matutunan ako" sambit niya at agad na naglabas ng notes niya. Napangiwi naman ako. Lahat talaga kaya nilang gawin kahit na bawal. Mga sikat at kilalang tao nga naman. Humarap na ako at napansin ko ang mga kaklase kong babae na nakatingin sa likuran ko habang may hawak na mga cellphone. Seriously? Habang nagtuturo talaga ang prof namin ay nagagawa pa nila yon?

"Wala pala ang lalaking yon dito" rinig kong sabi ni Travis kaya agad akong napatingin sa upuan niya na bakante. Lumingon naman ako sakanya at sinabihan siyang tumahimik. Hanggang mamaya ko pa magiging kaklase si Travis kaya mas mabuti wag ko muna siyang kausapin ngayon lalo ng masama ang pakiramdam ko.

Pagkatapos ng unang klase ay sabay na kaming tumungo sa second class ni Travis ngunit tahimik lang akong naglalakad habang siya at daldal ng daldal sa akin katulad ng unang beses niya akong kinausap.

"Kanina pa ko nagsasalita. Hindi ka naman nakikinig" nakabusangot na sabi niya ng makapasok kami sa loob. Umupo na lang ako at hinintay ulit matapos ang second class na parang sobrang tagal.

Sobrang ingay ng cafeteria ng makadating kami. Kanina pa kasi ako nagugutom at mukhang nagwawala na akong bulate ko sa tyan. Napatingin naman ako sa mga pagkain dito ng makita ko ang pizza.

"Mabubusog ka ba dyan Serina?" Tanong ni Zoey kaya agad agad naman akong tumango. Umorder naman ako ng tatlong slice pati sila ay umorder din. Ngunit napangiwi ako ng makita ang inorder ni Travis na adobo at kanin. Umupo naman na kami sa bakanteng upuan at agad na kinain ko ang pizza na kanina pa ako natatakam.

"Serina. Diba favorite mo to?" Napakunot ang noo ko ng ilapit niya ang kutsarang may laman na adobo at kanin. Maamoy ko palang iyon ay para na akong masusuka.

"Mas masarap pa itong pizza" sabay kagat ko ng pizza na isa na lang ang natira.

"Kailan mo pa naging favorite ang pizza?" Tanong ni Travis at agad na sinubo ang kutsara na binibigay niya sakin kanina.

"Hmm kanina lang?" Nakangiti sabi ko at agad sinubo ang natitirang piraso.

"Ang weird mo na talaga" sabi na lang ni Zoey at umiling iling pa.

"Weird talaga ang mermaid na iyan" pagsang ayon ni Travis kaya sinimangutan ko na lamang silang dalawa.

Masarap naman talaga ang pizza basta favorite ko na siya mula ngayon.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon