CHAPTER 1: The Beginning

1.4K 51 2
                                    


May kumalabit sa'kin habang nasa waiting shed ako.

"Heh! Don't touch me nga!"

Pagharap ko may ugly guy na may baril at nakangisi sa'kin. Eew!
He looks like may sakit na pinagkaitan ng lugaw.

"Holdap 'to, Miss."

I rolled my eyes.

"'Wag ngayon, bes. Gipit din ako."

"Ano? Sinong bes? Hindi bes ang pangalan ko!"

"Eh ba't naman ako tinawag mong Miss? 'Yon ba pangalan ko?"

"Aba't-- hoy, wala akong oras makipaglokohan sa'yo. Akin na pera mo!"

"Ba't mo 'ko sinisigawan?! At bakit may amoy?!"

Iba din si bes, 'no? Baho na nga ng breath, gusto pa 'kong hingan ng pera.

"Hindi ka ba natatakot sa'kin?"

"Nabahuan lang nang slight pero don't ya worry, I have a solution to that."
Kumuha ako ng perfume at ini-spray ko. Ayan, mabango na si bes.

Hinagis niya ang favorite kong imported perfume.

"Konti pa lang nabawas ko do'n ah? How dare you?!"

"Ang lakas ng loob mong insultuhin ako sa sitwasyon mo ngayon. Aren't you afraid to die?"

"Ay tarujj ni koyang, english speaking na holdaper."
Pustahan may chandelier bahay nito.

"O', eto kausapin mo!" Sabay tutok ng baril.

"Bes naman, 'di mabiro. Ito na nga po oh."
Malas talaga this day! Dumukot ako sa bag kong purple.

Pagtingin ko wala... another malas! Nawala pa ata wallet ko.

Hinalughog ko pang mabuti. Minsan kasi nilalagay ko lang sa bag ko ang mga sukli kapag tinatamad akong kunin ang wallet ko. Siguro naman may pera pa 'ko dito.

Ayun, I found one.
Eh?

100 pesos? Hindi man lang 1,000?
'Pag binigay ko 'to wala na 'kong pang-taxi.

"Akin na nga 'yan! Ang bagal mo!"
Hinablot niya sa'kin. Napaka-walang modo.

"Puuut-- isang daan lang pera mo?!"

"30 lang kunin mo bes ah? Pamasahe ko pa 'yan eh."

"Ano?!" galit na sigaw niya.

"Swapang naman nito, o edi sige 50! Tig-50 tayo! Deal?"

Napakamot siya ng ulo habang umiiling.

"Akala ko mayaman ka, na-tanso ako ah?"

"Mayaman talaga 'ko!"
Epalugz. Pagdudahan ba 'ko?
'Di ba halata naman sa pangmayamang kutis ko?

"Kung gano'n ki-kidnapin na lang kita!"

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon