UD #21

284 24 1
                                    

*CHAMPAGNE's POV*

Nag-fb ako then nalaman ko na may concert pala sila Trikx-love this month.
Oh noesss! Baka maubusan ako ng slot for VIP seats.

Kulang pa naman money ko.

Ting*
Ah, I know na!
Operation: UTANG

I dialed Whiskey's number.

"O, Bakit?" halata agad sa boses niya 'yong pagkairita.

"Haha! Bastos lang? Wala man lang munang 'hello'?"

"Alam mo, tyanak? Wala 'ko sa mood makipaghulaan, kaya ngayon pa lang sabihin mo na agad kung ano naman this time ang gulong pinasok mo."

"Grabe ka naman, ba't 'pag tumatawag ako iniisip mo agad na problema lang sasabihin ko? Sakit mo magsalita. I just called because I miss you."

"Utut."

Binabaan niya na 'ko ng phone. Bastos much!

Pumunta 'ko sa favorite bar ni Whiskey. 'Di kasi nagre-reply sa text ko.

Nakita ko kaagad siya. May mga katabi siyang 4 boylets pero hindi sila Swordy. Basta 'di ko mga kilala eh. May mga kasama din silang mga girlash na daring manamit. Eew. Parang alam ko na next na pupuntahan nila after ng inuman.

Lumapit ako sa kanila tapos pinaalis ko 'yong katabing girl ni Whiskey using my killer eye.

Halata namang nagulat si hinayupz nang makita ako pero imbes na kausapin ako, uminom lang siya. Aba, makapal talaga ang fes~

Nakailang tawag ako sa name niya pero daig ko pa hangin kung isnabin niya.

Ah ganern? Yari ka sa'kin bwahaha!

___________

*WHISKEY's POV*

Ano na naman kayang gusto ng tyanak na 'to?
Sigurado problema na naman.

Nababanas na nga 'ko dahil t'wing tatawag siya eh puros problema lang ang dala. Kesyo naliligaw, natapilok, nauntog, walang pambayad sa kinain, masakit ang pilikmata, nilalagnat ang bangs. Mababaliw na ata ako, daig ko pa ang nag-alaga ng nursery pupil.

Sana kasi no'ng una pa lang nilinaw na ni Mama na babysitter pala papasukin ko.

Ang lapad ng smile niya habang nakatingin sa'kin. Ewan ko ba, basta gan'yang masaya siya may nangyayaring 'di maganda.

Tumabi siya sa'kin sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko habang nakahawak sa braso ko.

Mukhang may masama nga na naman 'tong balak ah?

"Ganda naman niya. Sino siya?" tanong ni Wazilei sa'kin.

"'Di ko 'yan kilala."

"Ouch ah? 'Wag mo naman ako i-deny, babe..."

"BAAABE?!"

Sakit sa tenga. Sabay-sabay ba namang nagsalita 'tong mga kolokoy na 'to?

"P're ang ganda pala ng syota mo eh. Ba't ka pa nagloloko? Hahaha!" --Daomingze

May naniwala agad sa kalokohan ng tyanak.
Inalis ko kamay niya sa braso ko.

"'Di ba PINSAN mo 'ko?"
Pinagdiinan ko talaga ang word na 'pinsan' parang nakalimutan niya kasi na 'yon ang character ko na gusto niyang ipaniwala sa iba.

"PINSAAAN?"
Pinaglihi ata sa parrot ang mga tao dito. -__-

"Babe naman eh. Alam mo naman 'di bang maselan ang pagbubuntis ko?"

"BINUNTIS MO PINSAN MO?!"

Bwisit.

"Grabe, hokage ka talaga, 'tol!"

"Iba level mo, p're! Lodi!"

"MAGSITAHIMIK NGA KAYO!!!"

I stood up and grabbed her by the hand.

_________

*CHAMPAGNE's POV*

Nakalabas na kami ng bar.

"What the hell was that?"

"Eh ayaw mo kasi akong pansinin kanina eh," say ko with peace sign.

"Then?"

Diniretso ko na kung ano ang pakay ko.
"A-ano... Magko-concert kasi sila Trikx-love."

Tiningnan niya lang ako as if 'yon na ang pinaka-walang kwentang narinig niya sa buong buhay niya.

Ganern lang tapos tumalikod na siya.

"Whiskey, pautang!"

Humarap siya uli sa'kin. Parang nag-isip siya nang slight tapos ngumiti siya.

"Sure. But,"

Ay ano ba 'yan, bakit may 'BUT' pa?

"There's a condition."

"C'mon, what is it mamon?"

"Sasabihin ko soon."

Parang kinabahan ako. Ano kaya 'yong condition na hihingin niya?

....

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon