*CHAMPAGNE's POV*Oh there na pala si Trikx-love eh.
Kasunod niyang dumating si Whiskey.
Hmm? Nag-usap ba sila?Naku-curious talaga 'ko kung anong meron sa kanila.
Sino kaya p'wede kong tanungin sa dalawang itey?'Pag kay hinayupz ako nagtanong, malamang na sigawan lang ako. Nakakahiya naman kung kay Trikx-love, baka sabihin feeling close ako. Hay buhay parang life...
Tumabi sa'kin si Trikx-love pero umupo si Whiskey do'n sa may ibang table. Parang ang sama ng mood niya. Sa bagay, normal niya na 'yan.
.....
Kakatapos lang din ng mga halatang scripted na birthday messages for me.
I know, right? Wala naman kasi akong TRUE friends. Itong si Nikkachu nga lang ang pasok sa banga palibhasa pokemon. Tapos wala pa siya ngayon, mas importante daw 'yong date nila ng kras niyang pokemon din.
.....
Isa sa pinaka-memorable sa'kin 'yong 18 roses.
Halos karamihan sa mga nakasayaw ko eh kapamilya and kapuso actors like Goku, Naruto, Minato, Natsu, Gray, Kaito, Killua, Lorkan, Ryoma, Onizuka, Sakuragi at Luffy. Pati sila Eren, Kyouhei and Saitama. Gusto din sana akong isayaw nila Rukawa at Usui kaso sorry na lang, wala sila sa 18 roses list. Crush na crush daw nila 'kong lahat. Keri lang naman. Sanay na 'ko sa admirers. 'Di nga 'ko kinilig.
Pero s'yempre ang pinakatumatak talaga sa'kin ay ang dance ko with my Lolo, Trikx-love and Whiskey.
Ang Lolo ko na hanggang sa birthday ko ay sinisermonan ako, nagsumbong kasi sa kanya 'yong mga inaway kong girlworms kanina.
Semperd nemen! Unforgettable ang first dance namin ni Trikx-love hihi!
He was just staring at my perfect face. Kiligmats na naman akey. Alam na alam talaga niya pa'no magpa-in love ng girlash. Super gentleman at laging nakangiti, a total opposite of Whiskey the hinayupz.Kung bakit naman 'di ko din malilimutan ang sayaw namin ni hinayupz? Aba, natapakan lang naman ng hayop ang gown ko kaya bwisit na bwisit ako. Tapos imbis na mag-sorry, binigyan niya lang ako ng nakakaasar na ngiti.
Leshugas talaga! Aanhin mo naman kagwapuhan ng lalakeng 'to? Anak naman ng lagim.
...
...
...And we came to the 'blowing of the candle' part.
Nakakatamad-much kaya.
Gusto ko sanang ipahipan na lang sa yaya ko kaso minura na naman ako ng mata ni Lolo.Hangga't maaari eh ayaw nang tumabi ni hinayupz sa'kin pero pinapunta siya ni Lolo-not sa tabi ko. Ayaw ko nga din siyang katabi eh, sinisira mood ko.
At as usual umiinom na naman ang walangyuh.
'Di ba umiinom lang ang tao 'pag may problema? Ito, ginawa nang tubig ang alak. Kalurkey."Lasenggero ka talaga, 'no? Wala kang pinipiling lugar."
"At least kaya kong dalhin. At hindi ko sinusukahan ang kasama ko."
Nubeyen, 'di pa rin pala niya 'yon nakakalimutan?
"Move on, move on din 'pag may time~"....
After kong hipan ang lahat ng kandila ay nagsipalakpakan at naghiyawan ang mga tao na para bang napakahirap ng ginawa ko.
Nginitian ko sila, singtamis ng bukayo pero natimang naman ako nang marinig ang "Kiss! Kiss!" mula sa kanila.
Kiss? At batet?Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Whiskey na nakabusangot.
Wow ah, 'di obvious na ayaw niya sa pinapagawa sa'min.
Hmp! Antipatiko! Mapapahiya pa ata 'ko. Pa'no ko ba lulusutan 'to?"Kiss! Kiss!"
"Ehehe! Palabiro talaga 'tong mga earthling na 'to ow. Gusto n'yo tumuturumpit na plato?"
Pilit akong tumatawa pero 'di pa din tumitigil ang mga earthling.
Nagawi ang tingin ko sa sulok kung nasa'n si Lolo. Parang gusto ko siyang batuhin ng takong. Pati kasi ito eh nakikisigaw ng 'Kiss'. Maloloka ata ako.
Nabigla na lang ako nang hawakan ni Whiskey ang magkabilang pisngi ko at saka binigyan ako ng 1 second kiss sa lips.
1 second lang talaga, binilang ko.
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...