UD #40

465 25 16
                                    

*CHAMPAGNE's POV*

Ano ba 'yan? First date namin, late ako. Mate-turn off sa'kin nito si Trikx-love eh.

Nag-taxi ako papunta sa meeting place na sinabi niya. Manonood kami ng sine tapos siya na daw bahala sa iba naming pupuntahan. Aigoo! Can't wait.

Tumayo ako do'n sa tapat ng sinehan.
Wala pa siya. Maaga pa ba? Late na nga 'ko pero looks like mas late siya.

Humahaba na leeg ko at panay ang tingin ng oras sa cp ko.
Ang tagal niya bes, gutom na 'ko eh.

*kruuung kruuung*

Nag-ring si cellphone-chan.

Si Trikx-love ang tumatawag.
Excited akong sinagot 'yon.

Pero nawala din agad ang ngiti ko sa mga sumunod na sinabi niya.

"I'm really sorry, Pagne. Babawi ako, promise. Take care."

First date failed*
Iyak moment na naman.

Anshaket, hindi niya 'ko sinipot.
Heller? I'm a dyosa, how could he do this to me?

It's my first time to date a guy tapos ganito ang outcome? Tibay niya ah? Eh ano ngayon kung sikat siya? He has no right to make me wait for nothing.

Ayoko na sa kanya!
Starting today, magmu-move on na talaga 'ko.

Kaso, he's my first love, 3 years ko na siyang love and I don't think I can forget him easily.

Nakakatampo lang din. Por que alam niyang dakilang fangirl niya 'ko eh ganito na lang niya 'ko itrato.
Hindi ko na papansinin ever 'tong si Trikx-love.

Di-delete ko sana contact number niya sa cp ko but I realized na kabisado ko pala number niya so, 'wag na lang.

Hindi ko na siya ite-text, kahit mahirap.
Mula kasi nang malaman ko number niya no'n, binubulabog ko na siya ng mga kilig quotes at mga banat lines. Pinapalabas ko kunwari na group message 'yon pero ang totoo, siya lang talaga pinapasahan ko ng mga 'yon.

...
..

Umuwi akong mukhang bruha dahil nag-emote pa 'ko sa CR ng Mall.

"Anong 'itsura 'yan?" bungad agad ni hinayupz pagbukas ng pinto.

Sisinghot-singhot ako, magulo ang hair at feeling ko, maga na mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Karumaldumal ba ang naging date niyo?"

"H-hindi natuloy. May kailangan pa daw siyang gawin," matamlay kong sagot.

Napansin kong ngumiti si Whiskey pagkasabi ko nu'n.
Ang sama niya, 'di ba? Masaya siya 'pag malungkot ako. Anak ng lagim.

"Kawawa naman ang tyanak hahaha! Ayan kasi, masyadong nag-e-expect ka sa mokong na 'yon. Pinuri ka lang nang konti, asang-asa ka naman na gusto ka niya."

Naiiyak ako, ang galing talaga ng hinayupz na 'to magpasama ng loob. Pinunasan ko uli ang mga mata ko, feeling ko kasi may papatak na naman.

"Sorry naman kung assuming ako ah? Masama bang umasa? Kayong mga lalaki magpapakita kayo ng interes tapos babalewalain n'yo din kami! Mga hype kayo! You should all burn in hell!"

"'Wag mo nga 'kong itulad d'on. I'm not like that jerk. Hindi ko paaasahin ang babae kung wala siyang aasahan sa'kin."

...
..

Hindi ko alam isasagot ko kaya tiyan ko na lang ang nagsalita.
Hehe! Sorry naman, 'di pa nga 'ko kumakain eh.

"Kain kasi muna bago love life. Tara sa labas," yaya niya. I know he wants us to eat outside.

"Sige ba!" excited na sagot ko at agree ng tyan ko.

Dinner date ba itow?
Ay erase-erase, dinner lang pala walang date.
Baka sabihin niya na namang assuming aketch.

Saka 'wag n'yong lagyan ng malisya mga bes.
Normal lang naman sa 'min ang mag-dinner sa labas pero hindi 'yong romantic leveling. Panawid gutom lang talaga.

Heller? Si hinayupz magpapaka-romantic? I bet, he can't.
Ayaw niya ngang dinadaldal ko siya 'pag kumakain kami sa restaurant.

Nakakaimbyerna siya ng beauty but I'm not really engot like what he's always calling me. Naa-appreciate ko 'yong mga times na nand'yan siya 'pag kailangan ko ng help tulad nito.

Kaya nga kahit hindi niya 'ko gusto at sakit ng ulo lang ang tingin niya sa 'kin, I consider him as one of the most important persons in my life. Totoo 'yon, bes. Walang halong charot.

Feeling ko bff kami kahit ayaw niya sa'kin. Very vocal naman siya sa pagsasabi sa'kin na nakakabwisit ako. But for me, he's really someone that I can lean on.

Do'n naman nagsisimula, right? Gawin mong bestfriend ang jowa mo bago kayo ikasal. Dapat walang secrets.
Oh wow, I sounded like a real girlfriend. Haha!

Ang miserable kaya nu'ng ikakasal ka sa hindi mo naman boyfriend. Buti na lang talaga hindi ako lugi kay hinayupz, he's really super gwapo and hot so makakasiguro ako sa magandang lahi kaninuman sa'min magmana ang magiging anak namin. 'Yung ugali lang talaga eh, that's my main concern. Sana sa'kin na lang makuha ng baby ang manners and right conduct.

...

Ay gosh! Parang kinilabutan ako bigla.

To the extent ata narating ng utak ko. Imagine? Iniisip ko agad kung kanino magmamana ang anak namin?
Very wrong, Pagne. Veryyyy wrong.

Arghh, what has gotten into me?
He's such a virus talaga sa brain.

______

CUT! 🌱

A/N: 😅 Ohayou, may nagbabasa pa ba nito?
Tinatamad talaga 'ko but actually nasulat ko na nga ang ending ng story na 'to, so don't worry. 'Yong middle parts lang 'yung medyo nasiraan ako ng bait, JK. Nasa revision stage pa. Ang haba! I have to cut a lot of kalokohan scenes. 😂
Arigatou for your patience tho~
Muaah muahh tsup tsup. 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon