UD #20

288 23 0
                                    


*CHAMPAGNE's POV*

'Di ko pa rin kinakausap si Whiskey after ng nangyari kahapon. Akala ko OK na dahil nag-apologize na siya pero pabalik-balik pa din kasi 'yon sa isip ko sa t'wing nakikita ko ang CR, tiwalya at ang pagmumukha niya.

Ayst! Wala bang gamot pampalimot? Papalaklak ko sa kanya.

Tumingin ako sa salamin.
'Yon oh, ang dyosa ko tologo~

OK lang naman dibdib ko ah?
Cute kasi ako kaya cute size din siya, ganern!
Exaggerated lang talaga ang hinayupz na 'yon. Palibhasa hentai ang basehan.

Saka hindi naman flat eh, late bloomer ako. Konting gym lang at pray, lalaki din 'to.

Pero pa'no nga kaya bes kung 'di siya tumupad sa promise niya? Baka i-k'wento niya 'yon sa friends niya. Puro pa naman sila lalake, waaaa! Kakahiya!

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Walang pasok sa School kaya may karapatan akong mag-emote dito sa kwarto.

________________

*WHISKEY's POV*

Kagagaling ko lang sa labas dahil gusto ko maglakad-lakad.

Napatingin ako sa kwarto. Nakasara pa din.
'Di pa ba lumalabas si tyanak mula kanina?

Parang 'di rin nagalaw 'yong pagkain sa table.
Pasado ala-una na ng hapon ah?

Kinatok ko ang pinto nito just to check kung buhay pa ba ang tyanak. Walang sumasagot mula sa loob.

Kumatok pa din ako, palakas nang palakas hanggang sa buksan niya ang pinto.

"ANO BA'NG KAILANGAN MO?!"

"Ba't ka highblood?"

"Hmp!"
Bumalik siya sa kama at nagtalukbong.

"Problema mo?"

"LEAVE ME ALONE!"

WTF? Sinisigawan pa 'ko? Tindi ng topak nito.
Lalabas na dapat ako ng pinto pero naalala kong 'di pa nga siya kumakain.

"'Di ka pa ba gutom? Wala ka pang kinain, 'di ba?"

'Di siya sumagot.

Inuubos niyang pasens'ya ko, bahala nga siya.
Tinalikuran ko na ito pero muli akong napaharap nang may bigkasin siya.

"MAIS."

"Ano?"

Tinanggal niya ang kumot niya.
"Kung gusto mong patawarin kita, bilhan mo 'ko ng mais."

"Ha? Ibig sabihin galit ka pa rin? Dahil pa din ba 'yan sa kahapon?"
-__- Tsk. 'Di ba siya maka-move on?

Nilapitan ko siya.

"Alam mo tyanak, 'di ko din naman pinangarap makita 'yong nakita ko. Nahihirapan nga 'kong makatulog 'pag naaalala ko 'yon eh."

Nainis siya kaya binato niya ako ng unan. Naiwasan ko 'yon pero sinundan pa niya ng tatlo pang magkakasunod na unan kaya kapul.

"Bilhan mo na 'ko sabi! Dapat Japanese corn!"

"Ano ka, naglilihi?"

"Dali na!"

"OK lang naman kahit 'di mo 'ko patawarin, basta nag-sorry na 'ko. Tapos ang usapan."

Humiga lang siya ulit at nagtalukbong ng kumot.

Lumabas ako ng bahay. Iniisip ko kung saan makakabili nu'n.

Pa'no ko malalaman kung Japanese 'yong mais? Kakausapin ko? Tsk. Wala 'kong alam sa mga ganito.

Nagtanong na lang ako sa department store at naituro agad 'yon sa'kin tapos sapilitan pa 'kong pinasingit ng mga college students sa pila sabay pa-picture sa'kin kasi mukha daw akong 'Oppa'. Ano ba 'yon?

Ganito ba lahat ng millenials?

Pero salamat na din sa kanila, nakauwi ako agad.

"O, engot, ito na."

Biglang harap si tyanak at excited na kinuha ang plastic sa kamay ko. Sinilip niya ang mga minamahal niyang mais tapos nawala din 'yong ngiti niya.

"Ano ba, iluto mo kaya muna? Hilaw pa 'to eh. Pa'no ko makakain?"

"Abuso ka naman masyado."

"Nagpapakabait ka na rin lang edi sagarin mo na."

"A-YO-KO."
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa Salas.

Padabog na pumunta si tyanak sa Kitchen.

Na-curious ako kaya pasimple kong tiningnan ang ginagawa niya.

Kumuha siya ng kaserola. Nilagay niya do'n ang lahat ng mais (hindi niya hinugasan) sabay sindi ng stove.

"Tangengot, lagyan mo ng tubig. Ano ka nagpiprito?"

Napalingon siya sa'kin.

"Prito? Hahaha! Nakita mo bang may nilagay akong mantika? Wala naman, 'di ba? Gagawin pa 'ko nitong bobo."

Kumuha ako ng tubig at nilagyan ang kaserola, umuusok na kasi. Tinakpan ko na rin.

"Hindi kukulo 'pag walang tubig, common sense. Ay, wala ka nga pala nu'n."

"Ginagalit mo na naman ako!"

"Tabi nga, ako na magluluto. Baka masunog mo pa ang bahay KO eh."

"OK. Tawagin mo 'ko 'pag luto na ah? Hihihi!"
Bumalik na siya sa kwarto.

Maglalaga lang, 'di pa alam? 'Di na nga 'ko marunong magluto, mas malala pa pala ang tyanak na 'to?
Nakikita ko na ang madilim na future namin. Siguradong gutom aabutin ko.

....

(Nang luto na ang mga mahiwagang mais...)

"Mmmmm sharaaaap!" ^o^/

Nakatingin lang ako habang kumakain si tyanak na parang wala nang bukas.

Ang halay naman nito kumain. -__-

"'Wag ka ngang magkalat," saway ko dito dahil ang kalat na sa sahig pero wala lang sa kanya.

"Kain ka rin, don't be shy."
Akala ko nakalimutan niyang alukin ang bumili at nagluto ng inuupakan niya.

"'Di na, kulang pa yata sa'yo 'yan eh."

"Hindi ah? Hindi ka nagkakamali. Bwahaha!"

Ibang klase appetite ng tyanak na 'to. Siguro tinungga nito 'yong tiki-tiki.

__________________

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon