*CHAMPAGNE's POV*After kong mag-almusal at maligo, nagsuot akey ng shades na only rich can afford. Semperd para ikubli ang aking expensive eyebags.
Nagpahatid ako sa kotse ng Lolo kong panot papunta sa condo unit ni Whiskey.
Ayaw ko pa sana magpakita eh as if may choice ako.
Binuksan din sa wakas ng hinayupz ang pinto, halos dumugo lang naman daliri ko kakapindot ng doorbell.
"Tagal-tagal mong buksan, buti nagising ka pa?"
Tiningnan niya 'ko na parang may nakikitang something invisible.
"Ano ba? Stop looking nga!"
"Ba't mukha ka namang tutubi ngayon? Anong trip 'yan?" seryosong 'di halata na tanong niya.
"Gusto ko mag-shades eh, paki mo ba? Hmptptptpt!"
Dumiretso akey sa kwarto.
Gano'n lang ba 'yon? Parang ang normal niya pa rin umarte. It was as if he didn't kiss me.
Sa bagay nasa mukha niya naman 'yong pagiging babaero. Hindi big deal sa kanya manghalik ng babae. But I'm not an ordinary girl eh, dyosa ako. Lakas ng loob niyang pagsamantalahan ang kagandahan ko.
Nagbihis ako ng school uniform.
Katamad much. P'wede ba um-absent? Nilalagnat ilalim ng mata ko eh.
*Tok tok tok*
May kumakatok.
Psh si hinayupz lang naman 'yan.Binuksan ko na 'yong door kasi parang 'di na katok ginagawa niya, parang may kasama nang tadyak.
He's wearing uniform na din.
"Anong kaila--"
Kinuha niya 'yong kamay ko tapos may nilagay na long thin box.
"What is this?"
Bastos talaga 'to. Tinalikuran na 'ko agad, sarap kausap.
Umupo ako sa kama sabay bukas ng box.
Pagtingin ko...
Omegesh! May elepante sa loob. Charowt!It's a necklace.
Hankyut ng pendant.Ano ngang Pokemon 'to?
Pigeoto?
Ah basta it's a bird.
Gold.Wait, GOLD?!
Wow, gold nga. Magkano kaya 'to 'pag binenta? Hihi!
Habang tinitingnan kong mabuti ang pendant, I discovered something.
Hontoroy~ May naka-engrave pala na letters.Ang hirap basahin, naka italicized kasi.
Pero dahil curious si aketch, sinubukan ko na ring intindihin ang letters."T-Y-A-N-A-"
Ayoko na ituloy. --___--
Hayop talaga 'yong hinayupz na 'yon. Nag-effort pang magpa-engrave ng letters para lang asarin ako? Grrrr.Eh ba't niya ba kasi 'to binigay sa'kin?
Birthday gift?Ayieee, may generous side pala ang hinayupz?
Humarap ako sa mirror mirror on the wall at sinuot ang necklace.
I couldn't stop smiling while looking at my reflection.Owh look at that perfection~
Imba din talaga gara ng kwintas na 'to eh, lume-level sa ganda ko.
Ito 'yong tinatawag na PERFECT COMBINATION.Selfie muna.
Pak! Awra!
Change dp sa Facebook. ✔
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...