UD #12

310 26 2
                                    

*WHISKEY's POV*

"Dumating din after 10 years..."
Nakita ko na sa wakas ang kotse ni Mama.

Teka, nasa'n si tyanak?

Napalingon ako sa likod.

Tinanggal ko ang headset sa tenga ko.
Ayun pala si tyanak kasama 'yong ungas na mga goons.

"Tsk. Nagkamabutihan na agad sila?"

________

*CHAMPAGNE's POV*

Napayuko nang slight ang bakulaw nang may tumamang bagay sa kanyang ulo.

"Anong--?"

"Bag ko 'yon ah?"
Bag ko nga! Binato si bakulaw gamit ang precious bag ko!

"Sino ang gagong 'yon?!" say ng bakulaw habang hawak ang ulo niya.

Napatingin kami lahat kay Whiskey na papunta sa'min.
Hinila niya 'ko palapit sa kanya kaya nabitawan ako ng bakulaw.
Relief!

Ligtas na 'ko.

"May oras ka pa talagang magliwaliw? Tumalikod lang ako sandali, sumama ka naman agad sa kanila."
Ay grabe talaga siya.

"Are you hunghang?! Kita mo namang pwersahan lang nila 'kong hinila eh! Pinabayaan mo 'ko! Hindi ka human being!"

"Shut the hell up. Tara, and'yan na si Mama."

Patalikod na sana kami pero pinaharap ng bakulaw si Whiskey at sinalubong ng isang malakas na suntok kaya bumagsak ito sa sahig.

Gosh!
Bilang concern citizen, nilapitan ko siya.

"OMG! Masakit ba?"

"S'yempre!"

Lumapit uli sa'min 'yong bakulaw.

"Mayabang kang bata ka, paiiyakin kita ngayon."
Sumenyas ito sa mga kasama niya.
"Banatan n'yo na!"

"Ipagdadasal kita..." bulong ko kay Whiskey bago ako kumaripas ng takbo papunta sa isang sulok.

OMG! Trouble, trouble, trouble!!!

Sinugod siya ng mga goons pero 'di niya inatrasan ang mga 'to.

Take this and that and those!

SIPA! SUNTOK! TADYAK!

BOOM! PAK! PLAGADAM!

Nanonood lang ako habang nakaupo sa isang sulok. Nagniningning ang aking mga mata.

Ganitetch --> *.*

Amazed na amazed akey.
Gurabeeeh! Ito pala ang talent niya, nahanap ko rin...

Napatumba lahat ni Whiskey ang mga goons kaya naalarma si bakulz dahil siya na lang ang natira.
Last bakulaw standing!

Kinuha nito ang mop sa gilid na naiwan ng tumakbong janitor kanina.

"Watch out!" sigaw ko dahil hahampasin sana ng bakulaw si Whiskey gamit ang mop pero madali niya iyong naiwasan. Salamat sa'kin.

Sinipa niya sa sikmura ang bakulaw kaya namilipit iyon sa sakit.
Buti nga!

Nakita ko ang bag ko malapit kung nasaan sila. Nando'n cellphone ko.
"Tapos na naman yata sila eh..."
Sayang hindi nakunan ng video, viral sana 'to.

Tumayo ako para lumapit do'n.

Inagaw ni Whiskey ang mop sa bakulaw.
"Hindi mo dapat pinaglalaruan 'to. May ideya ka ba kung ga'no kasakit 'pag tumama 'to sa'yo? Gusto mo iparanas ko sa'yo ngayon?"

"'W-wag!" napaatras ang bakulaw.

Ow hindeeeee!!!

"Hey, bakulz, alisin mo nga paa mo..."
Kukunin ko na sana ang bag ko pero minalas na naman ako dahil naapakan 'yon ng bakulaw.

Nakerr, 'yong shades at iPhone ko durog na malamang, sa dambuhala ba naman ng paa ng bakulaw na 'to eh.

"Wait muna, later na kayo mag-away..."

Nakaupo pa rin ako, full force na hinihila ang bag ko pero mukhang 'di ako nag-e-exist sa paningin ng dalawa. Konting hila na lang 'to, bes.

"Kanina ang tapang mo, akala ko ba paiiyakin mo 'ko?"
Ngumisi si Whiskey dito kaya lalong kinabahan si bakulaw.

"'Wag, Totoy... b-bitawan mo na 'yan!"

_______

*WHISKEY's POV*

"It's showtime..."
Hinampas ko ang leader ng goons sa ulo nito. Agad na dumugo iyon.
Woooh! Ang saya nito.

"Waaah!"

"Naano ka?" takang tanong ko.
Eh sumigaw kasi si tyanak, mas malakas pa sigaw niya kaysa sa natamaan eh.

"Eew dugo! Yuck!"

Natalsikan pala ng dugo 'yong pinakamamamahal niyang mukha.
Tsk kung sa'n-sa'n kasi sumusulpot.

"Arte mo naman."
Hinagis ko ang mop sa may tabi.

Bumagsak ang duguang lalake sa harap ni tyanak kaya mas lalo siyang nagsisisigaw.

"YOU KILLED HIM!"

"Buhay pa 'yan..." -__-

At wow, dumating na din si Mama.

"Whiskey, what happened?!"
Tumakbo ito palapit sa'min.

Napansin nito ang dugo sa mukha ng tyanak. At isang sampal agad ang dumapo sa mukha ko.
"What was that for?"
Sakit ah?

"Nagtatanong ka pa? Tingnan mo, dahil sa pagiging basagulero mo nadamay pa si Champagne!"

"Oo nga po eh..." T__T

"Ang kapal nito. Nakalimutan mo na bang ikaw ang dahilan kaya 'ko napa-trouble? Ibang klase ka rin ah?"

"Ano? So, you mean, pinagtanggol mo si Champagne?"
biglang bago ng mood si Mama at nakangiti niyang hinawakan ang mukha ko. "I'm so proud of you, my son."

"Weirdo," bulong ko.

"Ano?!"

"Wala po..." -.-
Mahirap talaga intindihin ang mga babae.
"Bakit ba ang tagal mo, Ma? Kanina ko pa nakita kotse mong dumating ah?"

"Eh kasi son, nasira 'yong elevator. Muntik na nga 'kong magka-love life sa tagal naming na-trap nu'ng pogi sa loob."

0_o

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon