UD #39

422 25 9
                                    

*CHAMPAGNE's POV*

Nagbihis ako ng favorite kong purple dress with matching purple ribbon on my hair at nag-spray na din aketch ng perfume. Amoy hardin ang dyosa n'yo, char.

Nataranta ako nang bongga kagabi kasi nag-text si Trikx-love na gusto niya daw yayain akong lumabas. S'yempre pumayag ako agad.
And today is the day.

Daydreaming lang dati nagagawa ko but now, he's so abot kamay na lang bwahaha!

Honestly, wala na 'kong masyadong ini-expect na more sa'min ni Trikx-love. Kasi tanggap ko na, that we're NOT meant to be. #Huhubels

'Yung maka-date siya is more than enough na. Hindi ko na 'to magagawa 'pag kinasal na 'ko.
So 'go lang ng go' sabi ng globe at 'kapit lang' sabi ng tarsier.

Lumapit ako at humarap sa mirror mirror on the wall while staring at my reflection.

"Ay, masyado naman akong maganda para kay Trikx-love. Pa'no ba 'to? 'Di kasi ako dapat gan'to ka-perfect eh."

Oh well, deep well. Wala na 'kong magagawa. Born this way eh.

Kinuha ko 'yong bag kong purple din sa table. Gora na 'ko.

Trikx-love, here I come!

Pagbukas ko ng door na-shock ako kasi sakto ding pasok ni hinayupz.

"Sa'n punta mo?" tanong niya.

Dito talaga kami nag-chikahan sa tapat ng pinto eh, 'no? Nakaharang kasi ang hinayupz.

"May lakad kami ni Trikx-love. DATE!"
Akala mo ikaw lang p'wedeng makipag-date sa iba ha? Bwahaha!

Tiningnan niya 'ko from head to toe.
Baka laitin na naman ako nito. Maka-gorabels na nga.

"Bye, hinayupz."

Aalis na sana 'ko pero hinawakan niya 'ko sa braso.

"Anubey?"

"Magpalit ka ng damit. Masyadong maikli."

Holulu~ And now he's talking to me as if he's my tatay.

"Tama na 'to. Ganda nga eh, maaakit si Trikx-love bwahaha!" say ko sabay flip ng hair.

"Anong maaakit? Maalibadbaran kamo."

"Ikaw talaga, lagi mo na lang akong inaasar 'pag masaya ako!"

"Magpalit ka na sabi."
Tinulak niya pa 'ko nang mahina papunta do'n sa kwarto ko.

....

After more minutes...

"Ang panget," say niya habang nakaupo at nagkakape.

"Ano ba? Pangpitong palit ko na 'to ah?"

Bumalik ako sa loob para mag-change clothes. Pinaglalaruan niya lang ako eh, ba't ko ba siya sinusunod?

Ito na lang sinuot ko.
Puting dress hanggang tuhod. Mukhang magsisimba lang, ganern.

'Pag ito 'di niya pa din gusto, magta-takong ako!
'Yong takong lang, walang ibang kasama. Charot.

Ngumiti siya pagkakita sa suot ko.

"Ayos na 'yan."

"Ang makaluma naman ng taste mo!"

Lumapit siya sa'kin tapos tinanggal niya 'yong malaking cute na ribbon sa buhok ko.

"O' ayan 'di ka na mukhang Minnie mouse."

"You're such a bad boy."

"Late ka na yata, tyanak."

Tumingin ako agad sa wall clock.

"OMG! Kasalanan mo 'to eh."
Nagmamadali akong umalis.

_______

A/N:
I'm dedicating this UD to Emdyi (masipag na taga-kulit sa'kin sa Facebook)
Pati na rin sa mga iilang dumadayo at nagko-comment dito sa wattpad ko. 😂
Sorna sa update, mahaba na 'yan for me. ✌
Ahlabyu ol. 😘

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon