*CHAMPAGNE's POV*Sa bahay ni Lolo muna 'ko nag-stay.
Mabilis na lumipas ang mga araw pero hindi for me. Palagi akong tinatamad.
'Di pa din ba siya babalik? 4 days na since he left... wala man lang message.
Nakita ko sa bag ko ang perfume ni Whiskey. Nice, itetch 'yong ninenok ko sa kanya na 'di ko binenta sa classmates ko.
I sprayed it.
Ang bango, besh. It smells really like him.
"Nami-miss ko tuloy siya lalo..."
Ngek.
Sinabi ko bang na-miss ko siya?What is happening to me?
I'm getting weird.Tumunog ang cp ko. It's a call from Nikkachu.
Wondering who the hell Nikka is?
Hindi naman siya important earthling but she's my only 'friend'(?)
Oo yata, friends kami. Copycat ko 'yang babaitang 'yan. Lahat ng suot ko ginagaya.Anak siya ng pinsan ng inaanak ni Lolo. Bale 'di kami magkaanu-ano.
Palagi siyang dumadalaw sa house namin mula no'ng 6 years old kami kaya 'yan nasanay na 'ko sa maingay na bunganga niya.
"Uy, bes! Ready ka na ba sa concert?"
I almost forgot! Mamayang gabi na nga pala 'yon.
"Okay, see you later."
Umalis na 'ko para kitain si frenlalu.
.....
After ng concert, dumiretso na kami ni Nikkachu sa room kung nasa'n sila Trikx-love.
Kahit na dati pa akey deds na deds kay Trikx-love eh palaging nagkaka-aberya t'wing may chance akong makausap siya like may emergency daw, puyat, pagoda and other echoz. Parang sinasadya niyang 'wag akong maka-encounter. Ayaw niya bang ma-meet ang kanyang forever?
Sa tingin ko naman kilala na niya 'ko sa face dahil bukod sa napakaganda kong nilalang ay present lagi ako sa mga show nila at lagi pang sa harap ako nakapwesto.
Madalas din niya 'kong tinitingnan 'pag nagpe-perform sila. O, baka feeling ko lang 'yon?
Excited aketch, thanks na lang din at may ibang mapagtutuunan ang atensyon ko ngayon kaysa sa tuluyang mamuti ang mga mata ko sa kakahintay kay hinayupz.
Nakasalubong pa namin ang ibang members ng HI-Breed. Nagpa-picture na din kami sa mga 'yon at nagpaalam din agad.
Gano'n lang 'Hi-Picture-Bye' ang peg.Tinungo na namin ang dressing room nila. Kahit 'di pa kami nakakalapit ay we can see already na naka-open nang very slight ang door.
Excited talaga ako kaya nauna na 'ko kay Nikkachu na lumapit do'n.
OH.MY.GOD.
Parang naging yelo ako nang makita ang eksenang 'yon. Ang first love kong si Trikx-love! May---
babaeng kahalikan.Mga taksil!
________
*NIKKA's POV*
Napahawak ako sa bibig ko. Grabe! Si Trikx namin, may kachukchakan!
Siya siguro 'yong natsitsismis na girlfriend ni Trikx.Tumakbo si Pagne palayo.
"Pagne!" sigaw ko. Ayy.
Napatigil tuloy sila Trikx sa ginagawa at tumingin sa'kin na nakahawak pa din sa medyo bukas na pinto.
"Pasensya na hehe! 'Wag n'yo po 'kong pansinin... tuloy n'yo lang ginagawa n'yo makakatulong 'yan sa pag-unlad ng bansa."
Dali-dali kong sinara ang pinto at hinabol ang brokenhearted kong friend.
_______
*CHAMPAGNE's POV*
Patuloy lang ako sa pagtakbo. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.
Sino naman kaya ang babaeng pusit na 'yon? Wala naman akong nasagap na chismak na may jowa pala itong si Trikx-love.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang 'yong ¼ na chance na mapansin niya 'ko ay tuluyan na ding naglaho.
My first heartbreak.
Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Nakapikit pa ako para feel na feel ang pain at heartache ng kasawian sa una kong pag-ibig.
At dahil nakapikit nga 'ko ay 'di ko namalayan na palapit na pala ako sa staircase. Nawala sa isip ko ang mga baitang ng hagdan kaya naman napatid ako at nadapa. Buti at 'di mataas ang pinagbagsakan ko.
Nasa sahig na 'ko nakaupo at tulaley nang maabutan ako ni frenlalu.
"Hala! Pagne, does it hurt?" tangang tanong nito.
"Kita mong may dugo tatanong mo kung masakit? Gusto mo lubid?" sarcastic na sagot ko at 'di pa rin nakatingin sa kausap.
"Let's go home bes, pagamot natin 'yan!"
Pinapatayo niya ako pero 'di ako nagpapatinag sa pagkakaupo.
"Sorry, Pagne. 'Di ko kasi nasabi sa'yo pero may nakapagsabi sa'kin na may gf daw pala si Trikx, 2 years na sila pero sinikreto lang niya 'yon sa fans para sa safety ni girl. OK lang 'yan bes, ang mahalaga maganda ka, 'di ba? Move on na teh!"
Nagpipigil pa din ako ng iyak."Pagne, dali na. Naiihi na 'ko!"
"Leshe! Edi umihi ka! Mukha ba 'kong toilet?"
Panira ng moment lang 'to si Nikkachu eh. Vice president siya ng fanclub namin pero aketch lang ata affected na taken na si Trikx-love."Akin na nga 'yang cellphone mo."
Inagaw niya ang cp ko. Ewan ko kung anong kinakalikot niya do'n.
"'Di ba Whiskey name ng fiancé mo?"
"Don't mention his name. Pareho lang sila ni Trikx. Mga lalake talaga! Kapag ako naging presidente, bitay lahat ng lalakeng pa-fall at cheater!"
"Parang wala namang boboto sa'yo, bes. Class president nga hindi mo makuha-kuha, presidente pa kaya ng bansa? Hanggang muse ka lang talaga, believe me."
"Kaibigan ka ba talaga? Nang-aano ka eh."
"Hehe! 'Di ka pa naman tatayo d'yan, 'di ba? Wait mo 'ko, I'll just pee."
Binalik niya ang cp ko sabay chupi.
Nakayuko lang ako, pakiramdam ko hinang-hina ako. Parang maiiyak ako pero hindi p'wede. Pipigilan ko 'to. Precious ang tears ko.
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Jugendliteratur( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...