*CHAMPAGNE's POV*Isang engrandeng handaan ang isinasagawa ngayon sa Enchanted Palace.
You know why, monay?
Engagement nga kasi namin ngayon.Super daming bisitang nagmula pa sa high society, mga elite at succesful businessmen.
Ang gaganda ng suot ah? Well-prepared.
Mas nauna pa yata silang nasabihan kaysa sa'min na mismong ie-engage.'Di na kami actually dapat magtaka even like how they were able to prepare everything way too fast and without our knowledge pa.
Kilala ko si Lolo. Isa siyang ugating hokage!
Parang kanina natutulog lang kami at biglang TADAH~ ito na nga, nasa party na kami kung saan ihahayag ang nakatakda naming pag-iisang dibdib.
Wow, parang totoo...'Di pa rin 'yon nagsi-sink in sa utak namin.
Nasa 'getting to know each other' stage pa lang kami, ganunpaman ay sure kami na ayaw na naming mas kilalanin pa ang isa't isa....
I'm wearing this elegant white long gown na obviously mamahalin.
Why would I wear cheap ones by the way?Lalong tumingkad ang kagandahan ko. Kitang-kita din ang porselana kong kutis at lovely hair--- aish wait, kailangan ko pa bang isa-isahin ang body features ko?
Just spell PERFECT and you will know my name. Bwahaha!Meet the Dyosa. Pak na pak! Palong-palo, ganern!
Nakuha ko agad ang atensyon ng lahat dahil sa stand-out talaga ang ayos ko. At s'yempre...
Alam na alam ko 'yon.Ang ganda ganda ganda ko talaga.
"Kuya, laway mo tumutulo oh?" saway ko sa isa, "BWAHAHAHA!"
Pero sandali lang din ang atensyon na 'yon dahil may bagong nakakuha ng paghanga ng madlang pipz.
BOO!
Kahit kailan, asungot 'to sa buhay ko eh.Ang bagong dating ay alien.
Itago na lang natin siya sa pangalan na Whiskey.Nakasuot siya ng semi-formal lang na coat na may inner shirt na imbes na lagyan ng necktie eh iniwanan niya pang naka-unbutton ang tatlong butones. Ang init daw eh coz HE'S HOT XD
At sobrang gwapo at astig niya lang talaga-- Eh? Hindi sa pinupuri ko siya ah? I just described him.
'Di lang basta nganga, nagtilian ang mga dalagang bukid na nando'n. Nagpapatunog naman ng kamao ang mga boylets na parang may balak na abangan siya sa labas.
Wala nang nakatingin sa'kin, sa kanya na lahat.
Lesheng lalake 'to, mas mabenta pa sa dyosa.Nakangiti kong nilapitan ang hinayupz as if I'm his sweet fiancée. Mas lumapit pa 'ko sa kanya para bumulong.
"In fairness, mukha kang tao ngayon."Nakangiti pa din ako, feeling ko nangangawit na 'ko pero alam kong mas sobrang, napaka at pinaka maganda ako 'pag naka-smile.
At s'yempre 'di p'wedeng mawala 'yon kahit pa kaharap ko ang kinaiinisan kong fiancé.Kanina walang emosyon mukha niya tapos ngumiti na siya sa'kin at nilapit niya din ang labi sa bandang tenga ko sabay bulong,
"Matagal na 'kong tao. Eh ikaw? Kailan ka mag-e-evolve?" he grins like a devil.Nagsisimula na naman akong mawala sa mood tapos marahan niyang pinisil 'yong magkabilang cheek ko.
"SMILE~"Kaya naman nag-smile na lang ako at 'di na siya pinatulan. Pasalamat siya iniingatan ko image ko.
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...