*CHAMPAGNE's POV*Balik house na kami just after magamot sugat ko.
"Bakit ang tagal mong umuwi?" tanong ko habang nakahiga siya sa sofa.
"Nothing really. Gusto ko lang makapagpahinga utak ko kahit konti 'cause I can't do that when I'm with you."
"Ang harsh mo talaga. Why can't you be a little nicer to me?"
"Tsk. Ang emo ng tyanak."
"Stop calling me tyanak! I have a name, 'no! And because hindi ka na naman stranger sa'kin, you can call me Pagne."
"Bakit ka nga pala umiiyak kanina?"
Ay enebeyen. Pinaalala niya pa. Huhu!
"Si Trikx-love kasi eh! M-may babae siya! He cheated on me!"
"Oh? Bakit kilala ka ba niya?"
"Ang sakit mo naman magsalita."
"Face the reality. 'Wag engot."
"Makaka-move on din ako!"
"Hindi nga kayo eh."
Grabe talaga hinayupz na 'to, walang pake sa feelings ko.
Pumasok na 'ko sa room ko tutal mukhang walang magandang sasabihin si Whiskey about sa pinagdadaanan ko.
Baka nga 'di pa siya nai-in love eh. Palibhasa playboy!
......
Ang agang nag-ring ng cutie patootie kong cp.
Sinagot ko 'yon agad nang 'di tinitingnan kung sino ang tumawag."Who the hell is this?" inaantok na tanong ko.
"Hija, pumunta ka dito sandali."
Si Lolo-not."Now na po? Ang aga-aga pa, may pasok pa 'ko."
"Shunga! Sabado ngayon. Dalian mo at marami tayong preparation na gagawin para sa birthday mo."
"Birthday?"
Biglang laki mata ko.
"OK wait for me."
Matagal ko na 'tong hinihintay. Ang aking 18th birthday.
S'yempre hindi dapat maging basta-basta lang ang debut party ng isang dyosa. Tama lang na nando'n ako para maging ayon sa taste ko ang bawat gagamitin pati ang look at motif na very bongacious!
Super excited akey. Pagligo at pagbihis eh umalis agad ako habang si Whiskey ay nasa dreamland pa din.
...
Tuwang-tuwa akey after kong ma-discuss sa event organizer ang mga gusto kong mangyari sa birthday ko.
Dumaan muna ako sa may department store para bumili ng slurpee.
Nabi-visualize ko na ang mangyayari sa party ko.
I want to look like a princess, which is effortless dahil ang ganda ganda ganda ko na, so natural. Konyatan ko aangal.
Ang isa pang pinakaaabangan ko ay ang pagdating ng Trikx-love ko. Sabi ni Lolo a-attend daw itey hihi!
Eh ano naman kung may jowa na siya?
Maghihiwalay din 'yon walang forever eh."BWAHAHAHA!"
____
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...