*CHAMPAGNE's POV*Nasa classroom na 'ko, nakapalibot sa'kin ang mga girl classmates/alipores ko.
Mabilis na pinagkaguluhan ang mga dala kong gamit na dinekwat ko kay Whiskey.
Tuwang-tuwa ang mga babae lalo naman akey. Instant dami ang pera kow.
Ahahay~ Ngayon ko lang na-appreciate ang halaga ng datung. OK pa sa alright! May pambili na uli ako ng ticket para makita si Trikx-love! P'wede na rin siguro ako mag-shopping. Kailangan makabenta uli ako pwahaha!
"Champagne, share ka naman ng facts about Whiskey. Ano bang gusto niya sa babae?" curious na tanong ng isa kong classmate.
"'Yon lang ba? Gusto niya 'yong perfect."
Mukhang gets nilang wala silang pag-asa dahil sa looks pa lang tagilid na sila. Bwahaha!
"OK, tell us na lang kung ano bang mga paborito niyang food?"
"Food?"
Ano nga ba? 'Di ko napansin kung anong paborito niya. Parang wala naman siyang hindi kinakain eh.I remember na! Ang alam ko, puno ng GRAPES ang ref sa bahay. Lagi nga siyang ngumunguya nu'n 'pag nanonood ng TV eh. So, 'yon nga. Pero---
"MAIS!" sagot ko.
Hahaha!"Mais talaga?" tanong ng isa.
"Pinagdududahan mo ba 'ko?"
"Ah hindi. Kung gano'n bibili kami nang marami."
"Maganda 'yan! Ako na mag-aabot para sure na makakarating sa kanya!"
_______________
*WHISKEY's POV*
Habang naglalakad ako sa corridor kasama sila Sword at Blaze, napansin namin ang tumpok ng babae which is normal. Nakuha lang ang atensyon ko nang makita ang mga hawak nito.
Pamilyar lahat 'yon sa'kin eh.
Towel, necktie, relo... pero ang mas kinagulat ko ay 'yong hawak nu'ng isa pang babae. Isang laruang kotse. Lumapit ako do'n kasunod sila Sword.
"P'wede patingin n'yan?"
"Oh my gosh! Kinausap niya 'ko!"
Inabot niya sa'kin ang toy car.Tiningnan ko ang ilalim nu'n. Hindi nga 'ko nagkamali. Nando'n nga ang sticker na 'star' na lagi kong dinidikit sa mga laruan ko no'ng bata pa 'ko.
"O, 'yan 'yong galing sa Dad mo ah?" -Sword
"Pa'no 'to napunta sa inyo?" I asked the same girl.
"Aaah... Binenta 'yan sa'min ni Champagne. 'Yong pinsan mo?"
'Yong 'PINSAN' ko na naman pala.
She really knows how to ruin my day."Gunz, wait! Relax ka lang, 'wag mo siyang saktan," Blaze said habang nauuna akong maglakad sa kanila.
"Palagpasin mo na lang muna 'to, 'di naman alam ni kuting na espesyal 'yan sa'yo eh." -Sword
"'Wag n'yo nga 'kong sundan!"
What a coincidence, nakasalubong pa talaga namin 'yong magaling kong pinsan. Mukhang masayang-masaya siya, palundag-lundag pa habang may hawak na mais.
"Hi, pinsan!"
'Di ko siya tiningnan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
___________
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...