UD #7

319 25 2
                                    

Sword: "Mamamiah!"

Axe: "Poor Gunz."

Blaze: "Iiyak na 'yan..." XD

Phantom: *blank expression*

I'm puzzled.

Nakahawak lang si tyanak sa damit ko at patuloy akong sinusukahan.
And why am I letting her do this thing to me?

Hindi ako makapaniwala na darating sa buhay ko ang ganitong klase ng humiliation. Nagsisisi ako na niyaya ko pa siyang uminom.

Ngayon lang may sumuka sa'kin at 'di ko alam pa'no magre-react.

Bumitaw siya sa damit ko at nawalan ng malay.
Ha? Nawalan ng malay? O_o

Nilapitan siya agad nila Sword.

"Gunz!"

Natauhan ako at nilapitan din si tyanak. Binuhat ko siya agad at dinala sa loob ng kotse.

Hinubad ko ang damit ko na punung-puno ng suka.

"Shit, this day totally sucks!"

Nakangisi pa sila Phantom nang abutan ako ng tissue.

"Saya n'yo, 'no? Tsk."

Pinatakbo ko na ang kotse at naiwan ang apat na itlog sa bar.

(Sa Bahay~)

Hinagis ko ang tyanak sa kama.
Pinagmasdan ko siyang mabuti, wala pa rin itong malay.
Parang kahit kurutin mo gamit ang nailcutter, 'di kikibo.

May mga naglalaro sa isip ko tulad na lang ng ihulog siya sa dagat, dalhin sa gubat, ibenta o kaya--
I shook my head, feeling ko pati ako sobra na din ang nainom.

I feel dizzy.

Palabas na 'ko ng kwarto pero naisip ko kung pababayaan ko ba ang tyanak sa suot nito na basa ng alak at may suka pa.

Lumapit ako sa kanya para palitan siya ng damit.

Palapit na ang kamay ko--- 'wag na nga lang.

Kinumutan ko na lang siya saka 'ko tuluyan nang lumabas ng kwarto at sinara ang pinto.

Eh kung gigising siya na iba na ang damit niya, siguradong magwawala 'yon at baka pagbintangan pa 'ko ng kung anu-ano kaya naman pinabayaan ko na siya sa gano'ng ayos.

____________

(Umaga na naman~)

Manok: ARF! ARF!

......

*CHAMPAGNE's POV*

Bumangon na 'ko kahit masakit pa nang slight ang ulo ko.
Sorna. 'Di naman talaga 'ko sanay uminom eh.

Lumabas ako ng room ko.
'Di na naman mahagilap ang hinayupz.

Late na 'ko ng 2 subjects kaya minadali ko na ang kilos.

Habang nasa taxi, I'm trying to recall what happened last night.

Ah right!
Uminom kami sa bar at parang may mga papable boylets pa nga 'kong natatandaan na nagpakilalang friends daw ni Whiskey.

Hindi clear sa'kin the rest of the details. Sumasakit lang lalo ang ulo ko 'pag pinipilit kong pigain ang brain kong lamog. Ni hindi ko nga ma-remember pa'no aketch nakauwi eh.

...

Out of the blue ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang tungkol sa 'SUKA'

Ah oo, 'yong suka.

^__^

O_O

=_=

>__<

Oh no, what have I done?

Nakakahiya! I know na habit ko na ang sumuka 'pag nakakainom but ito ang first time na may nasukahan ako.

TAO! Ay wait, tao ba siya?

Pero--- UWAAAAAAAAAAAAH!

OK, nangyari na ang nangyari. Ika nga, 'Past is past'.
Move on.

....

*Sa Pink na Fingk High Academy (ulit)*

Murmur* murmur*

Sa labas pa lang ng gate ay maririnig na ang chikaness overload. Then may titili nang malakas.

This is such a shitty school, duh!

"Oh my goodness! Vladguns is gonna be here, I'm so excited!"

"Same here, I can't wait to see Gunz! I'm gonna faint~"

Anong pinagsasabi ng mga babaeng jollibee na 'to?

"What d'ya mean by that?" singit ko sa mga kilig-to-da-bones na girlash.

"Oh, so 'di mo alam? Pupunta lang naman dito ang Vladguns at magpe-perform!"
At tumili ito pagkatapos.

"But why? I mean 'di naman sila magaling, why them instead of HI-Breed band?" taas-kilay na tanong ko.

Nagpameywang naman ang dalawang bubuyog.

"FYI, nagkaro'n lang naman ng survey here kung sinong band ang gusto ng students na magperform ditoW!"
DitoW?!

"And yeah, Vladguns got the majority of the votes. When we say majority, it's 89% of the students here."
At sabay na tumili uli ang mga babaeng jollibee.

Nabanas naman ako kaya binigyan ko sila ng tig-tatlong kaltok at dumiretso sa classroom ko.

I'm gonna see those jerks again? No way! Ano bang nagustuhan ng madlang pipz sa bandang 'yon?

______

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon