*GUNZ's POV*
(Sa Car)
I'm ready and the rest of Vladguns members para sa gagawin naming mini-concert sa pink na pink na school na Fingk High Academy.
-__- Don't ask me, sila may kagagawan kung ba't kami pupunta do'n.
Ready na nga daw ang lahat pati ang stage na pagtutugtugan namin.
Potek lang, 'di ako makapaniwalang babalik ako sa nakakasukang pink na school na 'yon.
Kinalabit ako ng makulit na si Sword.
“Do'n nag-aaral si kuting, 'di ba? Nice, sana makita natin siya. Manonood kaya siya?”
“Baka hindi, galit 'yon sa banda natin, 'di ba? Gunz, natanong mo ba siya ba’t gano'n na lang galit niya sa'tin?” asked Blaze.
“Ewan, wala 'kong pakialam. Kung manonood man 'yon, malamang para lang manggulo ulit."
Baka nga i-sabotahe na naman nu'n show namin. =_=
_____
*CHAMPAGNE's POV*
Ayaw ko sana um-attend eh napilitan na din ako kasi wala nang natira sa classroom kundi akey, pati kasi mga teachers fangirls din eh.
Isa pa eh magpapa-quiz pa daw ang isa sa may sayad naming professor tungkol sa concert kaya wala talaga akong choice.
Ano naman kayang klaseng quiz 'yon?
Ilan kinanta ng Vladguns? Sa anong kanta pinakamalakas ang tili ng crowd? Ilang estudyante ang nasiraan ng bait?
Psycho teacher!Kinulang lang talaga 'ko ng time eh, kung napaghandaan ko lang 'to edi unforgettable sana ang pagbisita ng bandang 'yon sa school namin.
May binabalak akong masama, YES, pero ang budget ko, LESS!
Wala akong pambayad sa mga magiging kasabwat ko 'pag nagkataon.Pumwesto ako kung saan makikita ko nang maayos ang members.
Nasa stage na ang Vladguns, nagsimula na silang tumugtog at nagsisigawan na ang mga babaeng pakawala. Pinapahiya nila ang school. Dapat gayahin nila ako, behave lang.
Napatingin ako agad sa vocalist ng Vladguns. Naalala ko tuloy ang first encounter namin kung saan nanggulo ako sa concert nila.
"I LOVE YOU, GUNZ!!!"
"UWI KA NA, 'BEH, 'DI NA 'KO GALIT!"
Sakit sa earrrrs! >__<
Ang ingay ng mga katabi kong babaeng harot.Makisigaw nga rin para 'di ako ma-out of place...
"BOO! Vladguns bulok!!!"
Automatic na napalingon sa'kin 'yong mga babaeng nasa harap at gilid ko.
"Ehehe! Sabi ko nga tatahimik na lang ako eh."
'Di na nila ako pinansin uli.
Hays, muntik na 'kong makuyog nang wala sa oras.________
*SWORD's POV*
_Sa Stage_
Ang boring po kaya may naisip akong bright idea. Parang ewan kasi 'tong si Gunz kaya may gagawin ako para ganahan siya nyahaha!
Palingon-lingon ako sa crowd.
Nasa'n na ba 'yon?Owrayt!
“Found her!”
Napansin ng mga dabarkadz ko na pababa ako. Inalis ko din kasi 'yong gitara sa katawan ko.
Excited ako hihi!
“Uy, Sword!” tawag sa'kin ni Axe.
At bumaba nga talaga 'ko.
Nagtitilian ang mga babaeng nadadaanan ko pero 'di ako nagpapigil sa kanila. Pinagsasapak ko lahat ng humarang sa'kin. Joke lang! Hinawi ko sila hanggang sa wakas ay marating ko ang pakay ko.
“Come with me, little kitten." ^.^
_______
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...