“Namputcha! 'Yong tenga ko! Ikaw na nga d'yan!”
Binalik ni Sword ang cp sa'kin habang hawak niya pa din ang tenga niya. Kung 'di ba naman engot? Pinagtawanan lang siya ng mga kasama namin bilang support.
Tinanggal ko ang pagka-loudspeaker ng call bago ko sinagot.
“O, anong problema mo? Pa'no mo nga pala nakuha number ko?”
'Yon agad ang sagot ko. Kilala ko na kasi kung sino ang malditang caller.“Well, Mom gave me your number so that I can contact you anytime,” mahinahon na din sa wakas ang boses ng tyanak.
“Mom?”
Ewan, 'di ko pa na-meet Mom niya eh.“Your Mom, I mean.”
Si Mama? Binigay niya number ko sa tyanak na 'to?“Eh ba’t nakiki-‘Mom’ ka na din? Kapatid ba kita?”
“Ewan ko sa 'yo, she’s the one who asked me to call her that way. Ayoko nang pahabain ang usapan na 'to dahil wala kang kwentang kausap.”
“So, ikaw may sense kausap? Patawa amputs.”
“Lechugas ka! Well, tumawag lang ako para sabihin sa 'yo na sunduin mo 'ko dito sa school.”
“Wow, may driver? Stop wasting my time, you little monster.”
Natatawa pa din ang mga bugok kahit 'di na nila naririnig ang sinasabi ng kausap ko. Gan'yan naman mga 'yan eh, masaya 'pag nakikitang nabubwisit ako.
“Geez! I’ll text to you the address of my school and you need to get here in 20 minutes!”
“Haha! May time limit ka pang nalalaman, para namang may pake ako kung magalit ka.”
Gusto pa yata 'kong under-in nito eh.
“Don't bother waiting. Mag-commute ka, 'wag mo na 'kong asahan na pumunta d'yan.”“I’ll wait here no matter what!” then she ended the call.
“Who does she think she is to just order me around?!”
Asar na asar na naman ako.“Hahaha! Dami ko tawa! Siya na ba 'yon Gunz? 'Yong future wife mo? Aba, matindi! Haha!” --Sword
“Gusto mo tadyak?”
“Ano pang ginagawa mo dito? Sunduin mo na siya.” --Phantom
“Mukha niya! 'Di sa 'kin uubra mga kaartehan niya.”
“'Pag may nangyari sa kanyang masama baka 'di kayanin ng konsensya mo."
“Push mo 'yan, itay," Sword to Phantom.
"Alam ko na! Magbotohan tayo! Taas kamay ang gustong sunduin ni Gunz si kuting?”Halos lahat sila nagtaas ng kamay maliban kay Axe.
“For me, it isn't right to let her enter your life just like that. I should know. Siya din 'yong babaeng nanggulo sa concert natin no'n, right?”
Naguluhan ang lahat sa sinabi ni Axe including me.
Eh? Pa'no niya kaya nalaman?
BINABASA MO ANG
Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )
Teen Fiction( Champagne and Whiskey - #TeamAlak ) PROLOGUE: Kung may KPop, meron ding JRock... XD . Si CHAMPAGNE ay tatlong taon nang diehard fangirl ng isang band vocalist named TRIKX. . Ngunit sa lahat naman ng lalake ay ipinagkasundo pa siyang ikasal kay WHI...