UD #36

349 26 5
                                    

*CHAMPAGNE's POV*

S'yempre libre kaya dinamihan ko na 'yong kuha. 'Yong pang-isang linggong laman ng tyan.

"Kaya mong ubusin 'yan?"

"Watch me whip, watch me nae nae. Ba't ka nga pala wala sa room n'yo? Cutting class ka na naman, 'no?"

"Eh ikaw, ba't natripan mong magwalis? Kulang ka na naman sa pansin?"

"'Yong judingerzi na class president namin may kasalanan. Malaki inggit sa'kin kaya pinaglinis ako."

"Ba't ka pumayag? Nagpapa-bully ka dito? Hina mo naman."

So, anong ini-expect niya makipag-wrestling ako sa lahat ng insecure sa'kin? No way, I'm a woman of class.

"Si Lolo kasi. Sabi niya 'pag bumagsak ako bibigyan niya 'ko ng punishment."

"Ano naman 'yon?"

"Aside sa papadala niya 'ko sa isolated island 'pag bumagsak ako, gusto niya mamitas ako ng mangga. Dalawa!"

"Dalawa lang pala eh."

"Dalawang sako!"

He's so savage, grabe. Kung 'di pa nag-ring cp niya hindi siya hihinto kakatawa.

"Teka lang."
Lumayo pa siya para lang sagutin 'yong tawag. Sino kaya kausap niya?

Baka babae na naman. Hmptptptpt!
Tinuloy ko na lang ang paglafang because food is life.

Ang sarap ng kain ko kaso may teklang dumating. Nawalan na 'ko ng gana. May hawak siyang walis tingting.

"Nandito ka lang pala?! 'Di ba dapat naglilinis ka?"

Nakerr, napaka-eskandalosa ever ng judingerzi na 'to.
Opo, 'yong class president nga namin ang nasa harap ko. Lakas ng voice.
Dami tuloy nakatingin sa'min.
I love attention but not like this.

"Ehehe! Beshy, baka p'wedeng tapusin ko muna kinakain ko? 'Wag bastos, please?"

Itutuloy ko sana pagkain ko nang bigla niyang hablutin 'yong maputi at makinis kong hand kaya natapon 'yong nasa kutsara ko.
So, bastos naman this gay! >__<

"Bitawan mo nga 'ko!"
Ang lakas ng bading na 'to.

"Hindi! Maglinis ka do'n!"

"Let go of her."

"Whiskey..."
Buti naman binalikan niya 'ko.

Binitawan ako ng baklush tapos naging mahinhin bigla.

"Hi?" bati ni juding.

"Are you bullying my girl?"

MY GIRL?
Aketch?

"Nandito siya para mag-aral. Kapos na nga siya sa brain, papalabasin mo pa siya para maglinis, edi mas lalong wala siyang natutunan."

Gagels 'to ah?

Kinuha niya 'yong walis at hinagis kay baklush.

"The next time you touch her, I'll finish you."

Serious 'yong pagkakasabi niya kaya 'ayun natakot si juding at nag-pabebe run. Sabi ko na nga ba baklerr 'yon eh.

Nabaling 'yong tingin ni Whiskey sa'kin kaya hindi ako agad nakakibo.

"Are you OK?"

Tumango ako nang mabilis.
Umupo na din siya.

"Kumain ka na ulit."

Ay oo, may kinakain pa nga pala ako.

Minsan talaga hindi ko siya ma-gets.
He's acting weird... and so is my heartbeat.

_____

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon