UD #9

301 22 2
                                    

*CHAMPAGNE's POV*

Nakalahad ang kamay sa'kin ng isa sa member ng Vladguns. Para saan kaya 'to?

Ay, dyosa nga pala 'ko. Malamang dahil sa sobrang stand out ng ganda ko kaya napansin ako nito. Bwahaha!

Napasunod na din ako sa humihila sa'kin.

Nalilito ako.

Why, oh why?

Oh-oh!

WHAT ES DA MEANING OB DIZ?

Na-realize ko na lang na nasa stage na din ako kasama ng Vladguns.

Naririnig ko ang mga sigawan ng tekla na sobrang naiinggit sa posisyon ko.

Eek ang awkward kaya dito.

Lahat ng members, nakatingin sa'kin. Kahit sila mukhang clueless din. Napahinto tuloy sila sa pagtugtog dahil sa kalokohan ng kasama nila.

Lumingon ako sa lalakeng nagdala sa'kin sa stage, nasa likod ko siya. Nakangisi pa siya ow...

Grabe, may gan'yan palang member ang Vladguns?

Ayst, para 'kong malulusaw dahil nakatingin pa din silang lahat sa beauty ko. Luko-loko 'yong lalakeng 'yon para dalhin ako dito sa stage.

Akala ko 'yun na 'yon pero mas nakakagulat ang sumunod niyang ginawa.

Itinulak niya ako papunta kay... Eeh...

Gunz.

O_O

Nabigla ang lahat lalo na kaming dalawa.

Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

We're staring at each other’s eyes.

Those eyes, I think I've seen it somewhere.

....

I can't say a word.

It was as if my world stopped.

Taray, lakas maka-teleserye, 'no? Haha!
Pero walang halong chenez bes, 'yon ang eksaktong pakiramdam ko ngayon.

....

Na-realize ko ang nangyayari at agad akong lumayo sa kanya.

Patuloy ang pag-atras ko habang nakatingin pa rin sa kanya, 'di ko namalayan na nasa edge na pala ako ng stage.

"Waah!"

Nawalan ako ng balanse na akmang mahuhulog na pero maagap na nahawakan ni Gunz ang kamay ko at nahila niya ako pabalik sa kanya.

I'm in his arms again and I feel my knees getting shaky.

Sa sobrang tense ko, 'di sinasadyang nahawi ng kamay ko ang coat na suot niya, na-expose tuloy nang slight ang chest niya dahil sa wala siyang inner shirt.

I quickly got away from his arms and get off the stage.

____

*GUNZ's POV*

Naiwan kaming nakatulala dahil sa nangyari.

What the hell was that?

Patuloy lang sa pag-iingay ang crowd.

Wake up, nasa show tayo!” sigaw ni Phantom.

Geez, muntik ko nang makalimutan kung nasa'n kami. Bumalik na rin kaming lahat sa kanya-kanyang p'westo at tinuloy ang performance.

Kailangan naming maging professional saka na namin kakatayin si Sword. Langyang 'yon. =_=

______

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon