UD # 17

314 23 0
                                    


*CHAMPAGNE's POV*

"Yabaaaang~ hey wait up!"
Susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ni cutie patootieng Swordy.

"'Wag kuting, badtrip siya ngayon."

"Anong bago do'n?"

"May kasalanan ka sa kanya." ^_^;

"O? Wala kaya..." Wala aketch maalala.

"You sold his stuffs."

O___O Alam na nila?

"OK lang sana eh kaso pati 'yong toy car binenta mo."

"Nge~ eh luma na 'yon eh. Nagulat nga 'ko may bumili pa rin."

"It's important to him. 'Yon ang pinaka-unang gift sa kanya ng namatay niyang Dad."

Pakiramdam ko nilisan ako ng kaluluwa ko dahil sa narinig. Napayuko ako.

Anong gagawin ko ngayon? Stupid Pagne, stupid!

"OK lang kuting, nabawi niya na naman eh. Basta hayaan mo na lang muna siya, makakalimutan niya rin 'yon."

...

Itinuro sa'kin ng isang student kung nasa'n si Whiskey.

'Di kasi matahimik ang kaluluwa ko... nagi-guilty ako, gusto kong mag-apologize sa kanya.

May dala pa 'kong digicam sa kamay ko. 'Yon kasi ang pinagawa sa'min ng prof namin sa Art... ang kumuha ng pictures ng magagandang tanawin. Kaya magandang tanawin talaga ang nasa camera ko, ABS. Bwahaha!

Nasa gym ako ngayon at walang tao. Basta walang tao. Wala aketch makita.

Kanina pa 'ko palakad-lakad.

Ano ba 'yan? Pepektusan ko 'yong mungpaang student na 'yon eh... akala ko ba nandito si Whiskey? Wala namang tao dito eh!

Naglakad-lakad pa 'ko.
Napatingin aketch sa kabilang side ng mga upuan. Parang may nakahiga do'n na student. Naka-uniform din eh.

Nasa bungad lang naman pala itey, dapat nga napansin ko na 'yon pagpasok ko pa lang sa entrance. 'Di ko nakita, ang layo kasi agad ng tingin ko. Parang sa relasyon, malayo kaagad ang tanaw mo eh wala namang forever. Charot! 😂

Ba't kasi siya nakahiga?

Si Whiskey na nga kaya 'yon?

Nagmadali akong pumunta do'n.

Nakatakip ang mukha nito ng libro. Tulog yata.

Mas lalapit pa sana ako para tanggalin ang libro sa mukha niya pero napahinto aketch dahil sumabit ang purple lace ng digicam kow sa isang nakausling bakal sa upuan.

"Tokwa ng baboy naman oh. Ba't 'di agad inayos 'tong upuan na 'to?! 'Di ba nila naisip na baka may dyosang maaksidente dito?"

Pilit kong tinatanggal ang pagkakasabit nu'n sa bakal pero dahil sa awesome ako ay lalo lang itong nabuhol.

"Ano ba 'yaaaaan?"

Tumunog ang bell.

Ay naku,start na ng next class ko!
Busy pa din aketch sa pagtatanggal sa buhol na mas pinabuhol ko.

Vladguns: GUNZ ( Engaged With My Basher )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon