Heartbeat <3 Chappie 2

31 1 0
                                    

Freddie Stroma as Nikko Maranan ----------------------->

___________________________________________________________________________

CHAPTER 2

Sa CR naman, nakita ko yung mukha ko sa salamin ko na ang pula pula. Nilalagnat ata ako.

Bumalik na ako sa room pagkatapos.

Pumunta ako sa upuan namin.

"Ella... Tingnan mo yung kausap ni Mam." -Hannah

So tiningnan ko.

Nakatalikod.

Eh kilala ko yung likod na yan.

"Sino ba yun?"

"Ewan ko. New student ata. Pero hinahanap ka kanina."

"Ako? Bakit ako? Hindi ko naman yan kilala."

"Malay ko. Pero in fairness ah. Ang gwapo."

"Baliw."

"Ikaw naman. Hindi ka kasi marunong tumingin ng gwapo."

"Oi hindi ah. Si Dan. Gwapo. Si Rico din."

"Ha?" - sabay na sabi ni Dan at Rico.

"Ang chismosa niyo rin noh. Hina hina na nga ng usapan namin, pakinig niyo pa rin."

"Taray ni Hannah."- Mia

"Kaya nga."- Dan

Biglang nagsalita si Mam.

"Anjan na ba si Ella??"

"Mam." Tinaas ko yung kamay ko.

"Halika, may naghahanap sayo."

Kaya lumapit ako sa teacher's table kung saan nandun din yung boy.

Nung lumingon yung lalaki.

1...

2...

3...

DUG.DUG.

Napatigil pa ako sa paglalakad nun.

Pero lumapit pa rin.

"Ah, ikaw pala si Ella."

"A-ako nga."

Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Nikko. Nikko Maranan."

Inilahad niya yung kamay niya.

Nakatitig lang ako habang nakipagkamay sa kanya.

Mas matangkad siya sakin. Which is kakaiba dahil kasing tangkad ko lang sina Rico at yung ibang boys, konti lang yung tangkad sakin. Pero siya, nanliliit ako.

Isa lang yung naka- catch ng attention ko. Light brown yung mata niya.

Tuloy pa rin yung kabog ng dibdib ko,

"Pagkakataon nga naman. Ikaw pa yung kanina pang sumisira ng araw ko."

-------

Binawi ko yung kamay ko mula sa shake hands namin.

"Excuse me?"

Pati si Mam na kaharap namin napatigil sa sinabi ng Nikko na to.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako na parang kakainin ng buhay bago lumabas ulit ng room.

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon