CHAPTER 12
Nakatingin lang ako sa putol-putol na gitara ni Nikko.
Andito na ako sa bahay at iniuwi ko yung gitara. Nalulungkot talaga ako.
Ano bang pwedeng gawin para mapatawad niya ako. Ayoko ng may nagagalit sakin. Lalong-lalo na siya. Hindi pa nga nagsisimula yung friendship namin, may dahilan na agad siya para kamuhian ako.
Sumilip ako dun sa may kurtina ng glass door ko na papuntang terrace. Asa terrace din si Nikko. May iniinom siya.
Mag-isa lang ba siya sa bahay?
Umakyat ako papuntang kama ko. Nakita ko yung gitara ko.
Naalala ko nung hinampas ko pa yung kamay niya nung hahawakan niya to.
Samantalang ako, sinira ko yung sa kanya.
Kailangan ko talagang bumawi.
Inalis ko lahat ng strings ng gitara niya. 3 na lang yung natira na buo pa rin.
Kinuha ko yung gitara ko tapos nag-alis ng tatlo din at pinalitan ng strings niya. Para naman kahit 50%, panghawakan niya na babalik pa rin father niya.
So ang nangyari, tatlong strings ko, at tatlo din sa kanya yung nakakabit sa gitara.
Buti kulay blue yung gitara ko. Kinuha ko pa rin yung tatlong naputol na strings at pinagbuhol-buhol para mabuo ulit. Ibabalik ko pa rin sa kanya to.
Nilagay ko sa lalagyan yung gitara tapos bumaba na.
"Ops.. San ka pupunta?"
"Kina Nikko lang, kuya. May ibibigay lang."
"Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo kanina."
Chismis nga naman oh.
Tinuro niya yung gitara na hawak ko.
"Wag mong sabihing gitara mo ang ibibigay mo kay Nikko?"
Tumungo ako.
"Kailangan kong makabawi, Kuya. Mahalaga sa kanya yung gitarang nasira ko eh."
"Pero mahalaga din yan sayo."
Bumuntong hininga ako.
"Alam ko. Hindi ko din alam kung bakit handa akong isakripisyo tong gitara ko para sa kanya. Ang alam ko lang, gusto kong makabawi. Ako na lang yung mag-uumpisa ng friendship namin."
Ngumiti si kuya.
"Matured ka na nga. Sige na, puntahan mo na. Basta wag ka masyadong magpapagabi."
Lumabas na ako ng bahay.
Andito ako ngayon sa harap ng gate nila. Hindi ko alam kung pipindutin ko ba yung doorbell o hindi.
Pindot? Hindi?
Pindot? Hindi?
Pindot? Hindi?
Pindot? Hindi?
Pin---
Bumukas yung gate.
"Hi," Sabi ko.
"Oh, Mika." Si Sena yung nagbukas ng gate.
"Ahmm.."
"Kakausapin mo ba si Nikko?"
"Oo sana. Kaso baka makaistorbo sa inyo. I didn't know you're here."
"Ay, Mika. Ok lang. Paalis na naman talaga ako eh. Kinakausap ko siya pero hindi siya umiimik. Kaya it's better kung umuwi na lang ako. Ikaw na lang makipag-usap, kei?"
BINABASA MO ANG
Heartbeat <3
Teen FictionHi, wattpad readers!! First story ko to ever kasi I was encouraged by my BFFs to write a story here on wattpad since mahilig akong magsulat at magbasa as well. So here I am, giving you a different story I guess. Heartbeat is about two seniors deeply...