Heartbeat <3 Chappie 21 (Moment of TRUTH)

17 0 0
                                    

CHAPTER 21

Nung nasa kotse tahimik lang siya kaya tahimik din ako. Pag dating namin, nakita kong may nakaparadang SUV sa labas ng bahay ni Nikko.

"Mukhang anjan mama mo."

Hindi siya umimik.

"Kaya ka ba tahimik dahil andito mama mo? Magbati na kayo."

"Hindi ganun kadali yun. Ella, una na ako."

"Sige. Bye."

Pumasok na siya sa bahay niya. Pumasok na din kami sa bahay. Natuwa ako nung nakita ko yung car ni Dad. Tinotoo niya yung promise niya na dito siya tutulog.

"Kuya Polly, patulong naman po sa gamit ko atska sa trophies."

"Sige, sige. Ako na bahala. Pumasok ka na."

"Thanks Kuya Polly."

Pumasok na ako.

"Hi!" Bati ko sa lahat.

"Ayan na pala ang MVP eh."

Niyakap ko si Dad.

"Ok lang ba braso mo, anak?"

"Ah, opo. Sayang hindi kayo nakapanuod ng awarding."

"Oo nga eh."

"Asan po si Kuya?"

"Asa CR lang. Kanina ka pang hinhintay."

"Oi, MJ."

"Oh ayan na pala kuya mo."

"Tara na kumain. Kanina pang malamig yung pagkain."

Kaya pumunta na kami sa table kasama si Lola.

"Dad, hindi niyo po kasama si Tita?"

"Ahhh.. Ahmmm.. She'll join us for a while. May inaasikaso lang siya."

"Nakakaabala na po ata kayo sa kanya. It's past 12 na."

"No it's ok with her. Actually, kasama niya yung anak niya."

"Hmm? Really? My other kuya?"

"Yeah, yeah. Oh, mukhang anjan na siya."

Narinig kasi namin yung gate na bumukas. Tumayo si Dad para sunduin sila Tita sa may pinto. At dahil gutom kami ni kuya, pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.

"Hi!!"

"Hi, Tita!" Bati namin.

"I would like to introduce my son sa inyo."

Then may pumasok na lalaki sa dining room.

Natigil kami ni Kuya.

Si Nikko.

Nakatingin siya sakin at yung mga mata niya, halata mong napakalungkot.

"Hi, ako nga pala si Nikko."

Nakipagkamay siya. Nakatingin lang ako.

"Teka, ikaw yung nakatira sa tapat di ba?" Sabi ni Lola.

"Ah, opo, Ma. Actually, hindi ko nga alam sa batang yan kung bakit ayaw magpakilala sa inyo. Sa BHU din siya pumapasok as 4th year. Siguro nakakasalubong mo siya Ella, blah, blah, blah.."

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon