Heartbeat <3 Chappie 24

13 0 0
                                    

CHAPTER 24

Everything went smoothly. Especially sa school. Malapit na ang December kaya everyone is excited para sa Foundation Day ng school. Tapos after nun is Christmas party kinabukasan. Medyo hapit ngayon sa school kasi siyempre, may periodical examination pa kami to do.

"Hui! Hindi ko makuha yung number 1!" Angal ni Dan.

"Anubayan, Dan? Number 1 pa lang oh."-Hannah

"Eh Hannahbabes, ayoko talaga ng trigo."-Dan

"Lahat naman ng subjects, tol, eh ayaw mo!"-Rico

Nagtawanan naman kami. Tinulungan ko na lang si Dan. Nag-aaral kasi kami dito sa may field para tahimik. Wala naman kasing practice ang football. Wala din kasi kaming klase. Pinapabayaan na lang kaming magreview.

"Dan. SohCahToa lang naman palagi yung gagamitin mo para makuha mo yung mga angles na required."

"Haisss. Ang hirap talaga."

"Mahihirapan ka nga. Kasi naman, hindi mo naman ginagawa. Natatakot ka agad pag maraming numbers na yung anjan. Pano ka papasa niyan?"

Inakbayan ako ni Nikko na kumakain lang ng chips.

"Dan kasi! Ginagalit mo si Ella ko eh!"Umalis ako sa pagkakaakbay ni Nikko.

"Isa ka pa. Pa-easy easy ka na lang diyan."

"Eh sisiw lang naman yang trigo eh."

"Yabang talaga nitong si Nikko."-Dan

Tumahimik na lang ako at bumalik sa pagrereview.

"Idol ko talaga tong si Ella. Kahit alam na yung gagawin, nagrereview pa rin."-Mia

"Siyempre. Running for valedictorian eh."-Rico

"Bakit? May lalaban pa ba diyan?"-Hannah

"Oo nga nuh? Walang makapantay sa IQ niyang si Ella."-Dan

"Kaya nga kung magkareincarnation man ako, gusto ko duplicate ako ni Ella."-Hannah

"Wag! Eh di reincarnation din ni Nikko ang mamahalin mo. Wag na lang."-Dan

"Ayuuunn. Diyan ka magaling na kumag ka!"-Nikko

Ang ingay talaga nila.=__= Gusto ko lang talaga masagutan ng maayos yung exam. Naramdaman kong pinatong ni Nikko yung chin niya sa balikat ko. Alam kong pag humarap ako, maglalapat yung lips namin kaya I stayed with my books. Sinusubuan niya ako ng chips. Umiling lang ako. Kinain na lang niya pero hindi umalis sa position niya.

"Ella..." bulong niya.

"Hmm?"

"Ella.."

"Hmm?"

"Ella..."

"Ano?"

"Ella.."

"Ano b--"

*smack*

Ang kulit kasi kaya napaharap ako. Ayyyyy.. Ang pula- pula ko tuloy. Sinapak naman ni Dan si Nikko.

"Diyan ka din magaling, loko ka!"

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon