CHAPTER 25
ELLA'S POV
Hinawakan nia yung mukha ko para humarap sa kanya. Nakita ko yung namumuong luha sa mga mata niya.
"Tayo ang para sa isa't isa."
Isa lang yung nasabi ko.
"Nikko, pano mo pa yan nasasabi?"
Nakita ko yung gulat sa mukha niya.
"So ayaw mo na?"
Tinanong niya ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ayaw mo na?"
Hindi ko makayanan yung titig niya kaya tumingin ako sa iba. Hindi pa rin ako sumagot. Binitawan niya yung mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Suko ka na agad," malungkot na sabi ni Nikko.
"Nikko--"
Hindi niya ako pinatuloy sa sasabihin ko at lumakad na lang papuntang sasakyan.
"Nikko!!" Tinawag ko siya.
Ito naman talaga ang tama kasi hindi ko alam kung pano pa maso-solve to.
"Tama na."
Tumakbo ako papasok ng bahay. Palayo kay Nikko. Palayo sa kaisa-isang minahal ko. Wala nang tao sa loob. Siguro nagsipahinga na. Umakyat ako sa kuwarto. Nagulat ako nung andun si Kuya sa may couch. Pinahid ko yung luha ko.
"Pinagsabihan na kita, MJ. Hindi ka pa rin nakinig. Tama ako di ba? Iiyak ka lang sa lalaking yan. "
Umakyat lang ako papunta sa kama ko. Wala akong gustong sabihin. Wala talaga. Ayokong harapin ang ganito.
Sana hindi ko na lang naranasan ang main-love.
Naransan ko yung saya na sinasabi nila. Sobra. Pero hindi ko naman akalaing ganito kasakit. Hinawakan ko yung kwintas na bigay ni Nikko. Hindi ko talaga napigilan ang mga luha ko.
Tama naman ang ginawa ko di ba?
"MJ."
"Alam ko Kuya! Alam ko! Hindi mo na kailangang ulitin pa! Talo ako! Hindi kami pwede ni Nikko! Wala na! Tapos na! Alam ko!! Titigilan ko na!" Sabi ko habang humahagulhol at nakatingin lang sa kisame ng kwarto,
Tumabi sakin si Kuya.
"Sorry, MJ."
Lalo akong napahagulhol.
Hindi talaga ako nakatulog ng gabing yun. Hawak ko lang magdamag yung necklace. Yun na lang kasi ang meron ako mula sa kanya. Ayoko sanang paalisin yung puso niya pero kailangan eh. Kailangan kaming kumawala sa isa't isa. Hindi na kasi madali ang mga bagay. Magkakaroon na ng anak si Daddy at si Tita Fhaye. May magagawa pa ba kami dun?
Tumunog yung alarm clock ko. 5 am na pala. Huminga ako ng malalim bago bumangon.
TOK.TOK.
"MJ?"
"Gising na ako kuya."
"Baba ka na ah. Magbreakfast ka muna."
"Sige."
Bumaba ako ng kama at pumunta sa mga gamit ko. Hindi pa pala ako nakakapag-ayos. Wala na namang klase kaya ok lang. Ginawa ko ang mga dapat gawin bago pumasok. Pagkaligo ko at pagtingin ko sa salamin. Malalalim na eyebags ang bumulaga sa akin. Kinuha ko yung eyeglasses na matagal ko na ding hindi nasusuot. Isinuot ko yun para naman hindi masyadong halata. Pugtong pugto kasi ang mata ko. Tulala kong sinuklay ang buhok ko habang nag-iisip pa rin. Nung ready na ako, bumaba na ako at pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Heartbeat <3
Teen FictionHi, wattpad readers!! First story ko to ever kasi I was encouraged by my BFFs to write a story here on wattpad since mahilig akong magsulat at magbasa as well. So here I am, giving you a different story I guess. Heartbeat is about two seniors deeply...