CHAPTER 16
"Anjan na ang dalawang lalanggamin sa ka-sweetan."-Hannah
Dun niya lang binitawan kamay ko. Umupo kami. Inorder na pala nila kakainin namin. At dahil nagutom ako, himalang naubos ko yung pagkain.
Hinawakan ni Nikko yung wrist ko.
"Bakit ang pula?"
"Volleyball player ako. Anong aasahan mo?"
"Ang cute. Mapula."
"Oo na . Masaya ka pag nasasaktan ako."
"Hindi naman. Konti lang."
Nagtawanan sina Rico. Lakas din ng trip ng mga to. Masaya sa kalokohan nitong si Nikko.
Sa uwian na ha. May overnight pa kasi. Dinismiss kami ng 3pm. Balik daw ng 6. Sina Mia gusto na din umuwi kaso hindi naman pwede. Ahaha.
Ang sakit ng mga binti ko.
"Maglalakad ba tayo pauwi?"
"Ayaw mo?"
"Sumakit binti ko eh. Gustong gusto ko nang mahiga."
"Anong gusto mo buhatin kita?"
"Tawagan na lang natin si Kuya Polly." :3
"Sige na nga. Mukha ka nang bangag diyan."
"Psh."
Tinawagan ko si Kuya Polly.
Naupo muna kami dun sa may pavement sa parking lot habang naghihintay.
"Hindi na ako sanay mapagod. Wahhh.. Pano mamaya?"
"Hintayin mo ako mamaya. Sabay na tayo."
"Palagi naman."
"Ayusin mo paglalaro mo. Baka matalo ang towers ng dahil sayo."
"Agad nang ako ang magpapatalo? Ako nga daw ang weapon eh."
"Naks naman. Parang ako lang. Ako daw asset ng team kasi pinakamatangkad na ako tapos ang galing ko sa shooting."
"Ang hangin naman dito."
"Haha. Totoo naman eh."
"Oo na."
"Ahmmm... Ella."
"Hmm?"
"May sasabihin ako sayo."
"Ano?"
"Ang totoo niyan, si Sena---"
PEEP! PEEP!
"Anjan na si Kuya Polly!!"
"Tss."
"Sa kotse mo na sabihin ha."
"Wala na. Nawala na."
"Psh. Bahala ka nga."
Pumasok na kami sa kotse. Hindi na nga niya tinuloy yung sasabihin niya. Nakinig na lang ako ng music sa ipod.
Collide na naman yung kanta. Ok.
Sa tapat ng bahay namin bumaba si Nikko tapos pumasok na kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Heartbeat <3
Teen FictionHi, wattpad readers!! First story ko to ever kasi I was encouraged by my BFFs to write a story here on wattpad since mahilig akong magsulat at magbasa as well. So here I am, giving you a different story I guess. Heartbeat is about two seniors deeply...