Heartbeat <3 Chappie 32

13 0 0
                                    

CHAPTER 32

I just stared at my phone.

Undecided if I should answer the call or not.

I pressed the end button.

"Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ni Nikko na lumapit na pala sakin.

"Ahmmm.. Hindi naman importante eh,"

"Sino ba ang tumawag?"

"Ahmmm.."

"Alam mo, Ella, there's no point kung may itatago ka sakin kasi obvious ka," sabi niya tapos ginulo-gulo pa yung buhok ko.

"Ganun ba?"

"Oo. Kaya, sabihin mo na kung sino yung tumawag."

"Hmmm. Si kuya."

"Bakit hindi mo sinagot?"

"Ano ka ba? Kapag sinagot ko yun, baka ito na ang huli nating pagkikita."

Napabuntong hininga si Nikko tapos inakbayan ako at naglakad- lakad kami sa loob ng park.

"Nikko," tawag ko sa kanya.Ramdam kong lumingon siya.

"Hmm?"

"Pwede bang hindi muna tayo umuwi ngayong gabi?"

"Ha?"

"Nikko, wag mo muna akong iuwi sa bahay namin, pwede ba?"

silence..

hindi siya sumagot.

Kaya napalingon ako sa kanya at napatigil sa paglakad kaya naman, napatigil din si Nikko.

"Bakit?" tanong niya.

"Anong bakit?" naguluhan ako sa tanong niya.

"Bakit ayaw mong umuwi?"

Umiwas ako ng tingin.

"You know why. Baka hindi na ulit kita makita kasi sigurado akong sasabihin ni kuya ang tungkol satin. Natatakot lan naman ako."

"Bakit ba takot na takot ka? Andito lang naman ako, hindi ako aalis."

"Nasasabi mo lang yan kasi wala pa tayo sa sitwasyon."

"Mali ka. Nasasabi ko ang mga ito dahil may tiwala ako sa kung anong meron tayo. 'Love conquers all' nga di ba?"

Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Kahit corny.

"Kaya uuwi tayo. Iuuwi kita sa inyo. Ayokong lalong masira ang samahan niyong magkapatid. Mas mahihirapan ka kung magtatago ka at iiwas sa kuya mo. At alam mo namang ayokong nahihirapan ka di ba?"

"Wag ka ngang ganyan."

Natatawa kong sabi.

"Oh bakit?"

"Kinikilig ako, baliw ka."

Tinawanan lang niya ako. Tinext ko si kuya na uuwi na ako. Nikko held my hand as we went back to my home.

Nasa labas si kuya.

Hindi ko inalis yung kamay ko kay Nikko.

Lumapit kami hanggang sa magtitigan silang dalawa.

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon