Heartbeat <3 Chappie 31

15 0 0
                                    

Chapter 31

The party went well.

Then there's the moment that I've been waiting for.

"Exchange Gifts na!!!"

Napatingin ako kay Nikko nun,

Nakatingin din pala siya sakin.

We went back to our seats or in the circle. Ayun, nagbigayan ng message sayaw. Si Dan nung kasayaw yung isa naming kaklase kasi hindi si Hannah yung nabunot niya nagpaalam muna kay Hannah kaya ayun kinantyawan na ulit.

Si Rico akala ko si Mia yung nabunot niya kasi masaya siya sa nabunot niya yun pala,

"Sa nabunot ko, bukod kay Mia, napakaganda niyang babae sa loob at sa labas. Anjan siya kapag in need ang isang tao. Palaging iba yung inuuna. Nakasama ko siya ng 4 na taon dito sa high school kaya, sobrang napalapit ako sa kanya. Kaya eto," lumapit si Rico kay Mam Lopez. "Mam, thank you po sa lahat ng ginawa niyo po para sa akin, para sa amin. Hindi po kayo nagsawang gabayan kami in our ups and downs. In behalf of IV-A, sobra- sobra po ang pagpapasalamat namin sa inyo, mahal na mahal po namin kayo. Mam, can I have this dance?"

"Awwwww.."

Napaiyak namin si Mam pati kami, nadala sa emotions.

"Nakapagbigay na ba lahat?" Tanong ni Mam. Tapos tinapik ako ni Hannah.

"Girl, ikaw pa, hindi mo pa naiibigay."

"Ay, Onga pala. Mam ako po."

"Oh. Ella, you may take the floor."

Tumayo ako, inayos ko yung dress ko.

Kinakabahan.

Nahihiya.

Nanginginig.

My classmates played I won't give up by Jason Mraz.

"A-Ahmmm. Ehem. Ano, yung taong to, ang pinakamatapang at malakas na taong nakilala ko. Na kahit sobrang dehado na, hindi siya susuko. He was brave enough to accept all the knives I throw towards him," Lumakad ako papunta sa harap ni Nikko na nakatingin sakin.

"Ayyiieeeee.. Magbabati na yan."

"Ahmm. Nikko. Sorry talaga ha. Sorry sa lahat- lahat. I was really scared and I regret shouting at you for many times. When I saw you slipping away from me, only God knows how I was hurt. Hindi ko pala kaya nang magkagalit tayo. Sorry talaga. Nikko, now I tell you na I'm ready to face things. Basta kasama kita. Nikko...

Dance with me."

I offered my trembling hand.

He just stared.

Everybody was silent.

Please accept, Nikko.

But he remained staring.

Ibaba ko na sana yung kamay ko pero he grabbed it tapos tumayo siya.

Nag-iritan yung mga kaklase ko.

Nilagay niya yung gift ko sa may desk niya tapos hinarap ako with smiling face tapos niyakap ako then dinala sa gitna.

I hugged him back, the tightest I can offer.

"Yiieee, na- miss kita," sabi niya habang nilagay yung hands niya around my waist.

Nilagay ko naman yung sakin around his neck.

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon