Heartbeat <3 Chappie 9

18 0 0
                                    

CHAPTER 9

"Hoy, babae! Anong ginagawa mo jan! Kanina ka pa naming hinahanap!"-Hannah

"Anong ginagawa mo dito sa sulok ng CR?"-Mia

"Ehh kasi..."

"Eh kasi ano?"-Mia

"Kinakabahan ako."

Yap. Kinakabahan talaga ako. Andito ako sa may sulok ng CR habang yakap yakap yung gitara ko. Ngayon lang ulit ako magpe-perform sa harap ng audience. Pano kung hindi nila magustuhan?

"Alam mo kung hindi ka lang maganda, kamina pa kitang nasapak. Pero dahil kaibigan naman talaga kita,Uhmmm!"

Sinapak ako ni Hannah. T_T

"aray."

"Halika na at malapit nang magsimula ang audition."-Mia

"Dami bang tao?"

"Malamang! Tara na!"

Hinila nila ako palabas ng CR. Nakita ko yung court.

Dami ngang tao. >.<

"Dapat sa auditorium na lang. :/"

"Anong kaibahan nun sa court? Malamig?"-Mia

"Para madilim. hindi kita ang audience."

"Sa tingin mo, Ella sa auditorium gaganapin ang opening ng Inter-University League?"-Hannah

"Malay mo."

"Baliw!"

Nakarating kami sa room ng mga auditionees.

Dinikitan ako ng number sa uniform.

Number 14.

Ang dami pala namin.

"MJ!"

"Kuya.."

"Anong mukha yan? Batukan kita jan eh. Ang galing galing mo kaya."

"Nasapak ko na yan kanina."-Hannah

"Kasi naman kinakabahan daw eh ang ganda ganda ng boses."-Mia

"Oh sige na. Punta na ako sa audience. Hindi ako pwede mag-judge ngayon eh kasi kasali ka nga."

"Okie."

"Gud luck, MJ."

Tapos lumabas na si Kuya.

Busy lahat ng nasa room.

Nagme-make up yung iba,

nagpa-practice yung iba.

Yung iba, wala lang.

Nakisali ako sa wala lang.

Umalis na sina Mia at Hannah leaving me with their good lucks.

Nakita ko namang pumasok si Nikko.

Number 15.

Magkasunod pa talaga kami.

Siguro kadadating lang din niya.

Umupo lang ako sa sahig dun sa sulok.

Lead vocalist at guitarist lang ang kailangan dito.

1st year College pa kasi yung drummer, keyboardist at sa bass guitar.

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon