Heartbeat <3 Chappie 17

15 0 0
                                    

CHAPTER 17

NAging maayos naman ang mga sumunod na araw. As in close na kami ni Nikko. Nakakagulat na nga yung pagiging close namin. Sana lang totoo lahat.

Siguro kaya kami close kasi palagi kaming magkasama. Parehong athlete tapos araw-araw din kaming may practice ng banda. tig dalawa lang naman ang kakantahin sa IUL. Ang napili namin is Jetlag by Simple Plan atska Bulong ni Kitchie Nadal. Dun kami focus ngayon pero pag nagkakatuwaan, kumakanta din kami ng iba.

"WAAAHHHHH!!! Ang lapit na ng IUL!! Excited na ako!"-Rico

"Oo nga! Walang klase. Whooo..."-Dan

Kami naman ni Nikko magka-share sa earphones habang pinapakinggan yung practice namin kahapon.

Winowork kasi namin yung blending namin para more harmonic.

Ang talented ko na ah.

"Girl, kayo na?" Tanong ni Hannah kasi alam naman nilang hindi totoo yung relationship ni Nikko.

Umiling lang ako habang nakikinig pa rin sa earphones.

Tumawa lang si Nikko.

"Ang showbiz ng dalawang to. Sarap pag-umpugin."-Mia

"Hindi naman talaga." Sabi ko.

"Hindi kasi kapani-paniwala."-Hannah

"Oh sige ganito na lang. Bestfriends?" Sabi ko habang hindi na maka-concentrate sa pinakikinggan namin. Bakit ba ang tahimik ng isang to at hindi man lang ako tulungan sa pag-eexplain sa makukulit naming mga kaibigan.

"Hay naku.. Bahala kayo. Basta ako, excited na talaga sa IUL. Kasi pagdating ng October, tuloy tuloy na ang activities!"-Dan

"Ito talaga, gustog gusto ng walang klase."-Rico

"Sino bang hindi gusto?"-Dan

"Dan, bago ka magsaya diyan, intindihin mo din ang mga incoming exams. May monthly tests pa tayo."-Hannah

"Ay, oo nga! Kelan ba exam?"-Dan

"Sa Monday."

"Hala! Nganga pa nga ako sa physics!"-Dan

"Kaya nga. Tapos excited ka na agad sa IUL. Hirap muna bago sarap."-Rico

"Pare, honestly, ang pangit pakinggan. May mga babae, tol."-Dan

"Ikaw lang nag-iisip nun, ulul."-Rico

"Magsitigil nga kayong dalawa. Tara na lang maggroup study!!"-Mia

"Ayos yan. Kelan? Tara sa Saturday."-Dan

Sinapak ni Rico si Dan.

"Aray."

"May practice tayo ng basketball!"

"Kung makapanakit ka diyan. Hindi ka talaga nakikinig kay Coach nuh?? After overnight, pauuwiin na daw tayo para mag-aral! Walang training sa umaga. Gags!"

"Ah, ganun ba?" Napakamot lang ng ulo si Rico.

"Oh ano, tara?"-Hannah

"Saan?"-Mia

"Hindi pwede samin, maliit lang bahay namin tapos andun pa 2 kong kapatid at magulang. Sikip samin."-Hannah

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon