CHAPTER 3
"What???"
Sabay na naman sila.
"Yeah. I felt that. So... According to your theories, crush ko siya? But I was starting to hate him for this day."
"Alam mo, Girl. Siguro let's not judge muna the person. Kilalanin na lang muna natin."-Hannah
"Tama si Hannah. MAlay mo naman hindi talaga siya ganun."-Mia
"Ang maiipayo ko lang sayo, Girl. Mag- ingat ka na lang. Kasi alam mo na, All of these are your first times, so wag agad magpadalos-dalos ha?"-Hannah
"Makinig ka kay Hannah. Expert yan pagdating sa advices."-Mia
"Hindi naman masyaduuu."
Nagkuwentuhan na lang kami ng iba at kinuha ko numbers nila para naman daw may makatext ako. Mukha daw kasing hindi pa nagagamit ung cellphone ko. Which is quite true. Hindi ako nagdadala ng cellphone sa school eh.
"Girl. Hinahanap na ako samin. Nagtext si mader."-Hannah
"Ganun ba?"
"Ako din, aalis na. Quarter to seven na pala."-Mia
"Oh sige, ihahatid ko na lang kayo."
"Naku wag na. Nakakahiya naman."-Mia
"Sus. Kanino ka nahihiya? Remember, kami lang ni kuya dito. It means kami yung batas."
-------
"La, alis na po ako."
"May bisita ka daw kahapon?"
"Ah, opo. Kaso hindi niyo na naabutan. San ba kayo nanggaling?"
"Sa bayan lang."
"Ahhh.. Siya, una na po ako ah."
"Maglalakad ka ulit?"
"Hehe. Hindi na po. Malayo nga pala po pag nilakad."
"Ayaw mo kasing makinig sakin."
"Opo na."
Tinawag ko na si Kuya Polly.
"MJ!"
"Oh, kuya? Wow. Ang aga ah."
Naka-uniform na kasi.
"Nakalimutan mo na ba? Special day ngayon."
"Ahhh.. Ano nga palang ireregalo mo kay Ate Denise?"
Pumasok na kami sa kotse.
Tas may kinuha siya sa bag na maliit na box.
"Eto oh."
Tapos binuksan niya.
"Wow, ang cute."
Pinalo niya yung kamay ko nung hahawakan ko.
"Wag mong hawakan!"
"Damot naman nito."
Ang cute talaga. bracelet siya na madaming charms na nakasabit.
"Self- made ba yan, kuya?"
"Oo nuh. Pinagpuyatan ko yan kagabi! Pumunta pa akong shop para makahanap ng charms na may meaning samin."
BINABASA MO ANG
Heartbeat <3
Teen FictionHi, wattpad readers!! First story ko to ever kasi I was encouraged by my BFFs to write a story here on wattpad since mahilig akong magsulat at magbasa as well. So here I am, giving you a different story I guess. Heartbeat is about two seniors deeply...