Heartbeat <3 Chappie 6

32 0 0
                                    

CHAPTER 6

DUG.DUG.

Why does my heart beat for the wrong man?

"Ouch."

Medyo harsh yung pagkakahila niya sakin.

"Don't cry."

"Hindi naman ah."

Tapos bumuntong hininga siya habang nakahawak pa rin sakin tapos may inabot.

"Panyo mo."

Kinuha ko.

"Can I go now?"

Tinitigan niya muna ako bago ako binitawan tapos lumakad na ako palayo.

Alam kong nasa likod ko pa rin siya kaya madami pa ring nakatingin.

Buti nakarating na ako sa room.

Ay hindi pala, katabi ko nga pala siya.

"Oh, Ella. Nakapag-register ka?"-Mia

Tumango ako.

"Kelan daw audition?"

"Sa isang araw."

"Awww.. Campus Magazine exam yun!"-Hannah

"Hala, oo nga. Aiii.. Gusto ko pa namang manuod."-Mia

Wala na namang nangyari nung hapon sa room kaya nag-uwian na lang kami.

"Ella, tambay muna kami sa bahay niyo. Maaga pa. Atsaka ang sarap ng pancakes ni Ate Carol."-Hannah

"Invite ko pa sana kayo. Haha. Samin na lang kayo every after class."

"Sige ba!"-Mia

"Wait lang, Ella. Mia, samahan mo muna ako sa guard may itatanong lang ako."-Hannah

"Hintayin ko na lang kayo sa parking."-Ella

Umuna na ako dun.

Alam naman nina Mia yung car namin kaya pumasok na ako.

Pagsara ko ng pinto..

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Napairit talaga ako sa gulat.

Sinong hindi magugulat ng biglang meron kang katabi na akala mo is wala.

"Ano ba? Bakit ka ba umirit?"

"Nikko? Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ako? Ikaw ang anong ginagawa mo sa kotse ko.?"

"Kotse mo? Kotse ko 'to."

"Pwede ba, lumabas ka na lang dahil konti pa, masisipa kita palabas. Nambubulabog ka ng tulog ng may tulog."

"Eh kotse ko nga 'to."

"Ah ganun, kotse mo? Eh kanino yun?"

Tiningnan ko yung tinuro niya. The same car pero... Nakatayo sa labas si Kuya Polly.

Tapos biglang may nagbukas ng pinto.

"Sir, san po tayo?"

"Teka lang Kuya Jun. Kapag nakaalis na tong babaeng to."

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon