Heartbeat <3 Chappie 18

24 0 0
                                    

CHAPTER 18

Nakakawindang ang naging araw ko ngayon.

Nikko kissed me.

"Mahal kita."

Kahit para sa iba yun, ang sayang marinig yun mula sa kanya.

"Hoy, MJ. Baka gusto mong galawin yang pagkain mo. Lola, tingnan mo si MJ oh."

"Apo, may problema ba?"

"Problema po? Ang saya-saya ko nga eh."

"Tamo, basta nangiti. Ano bang espiritu ang sumapi sayo?"

"Buti nga kuya, masaya ako."

"Sabagay. Yan naman gusto kong mangyari sayo. Effective pala sina Mia eh."

Speaking of Mia and Hannah. I didn't tell them about the things that happened sa rooftop. Mang-aasar lang naman sila eh.

Nung nakapahinga na after we ate, tumaas na ako at naggawa ng assignment.

"MJ!!!!!"

Lumabas ako ng kwarto nung tinawag ako ni kuya.

"Oh?"

Tapos nakita ko yung kasama niya.

"Tita!"

Bumaba ako tapos niyakap si Tita Fhaye. Umupo kami sa sofa.

"Nakakain na po ba kayo?"

"Yeah, yeah. I just drop by kasi may pinuntahan ako dito sa village. Naisip kong dumaan na din. Here."

Tapos may inabot siyang paper bag. Nung binuklat ko.

"Weee... Ferrerro.":3

"I heard you like those. Hati na kayo ng kuya mo."

"No, thanks, Tita. Kay MJ pa lang, ubos na yan."

Ang epal talaga ni kuya.

"Asan po si Dad? Why're you alone?"

"Well, asa trabaho pa rin siya by this hour. I just told him na pupunta nga ako dito. And sinabi nga niya na dalhan ko daw kayo ng Ferrerros."

"So he did remember us."

"Of course, dear. Kayo lagi ang pinag-uusapan namin ng Daddy mo."

"Well, tell him thanks and miss him so much."

"I will, I will."

Nagkuwentuhan lang kami ni Tita. And bubbly niya kaya ang sarap kasama. Kasama namin si Lola. Mga 8pm siya umalis.

"Lola, akyat na po ako ah."

"Sige apo. May training kayo bukas di ba?"

"Ah, opo."

"Ikaw bata ka. Nabo-bore na dito si Polly dahil palagi ka na lang naglalakad."

"La, kasama niyan palagi si Nikko. Kaya nga nagpapahatid ako kay Kuya Polly para may magawa naman yung tao. Haha."

"Eh kayo ba ng batang yun?"

"Ay naku, lola. Kung alam niyo lang. Lalanggamin ang dalawang yan sa school."

"Ay mabait ba naman yang si Nikko."

Heartbeat &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon