Lezlhiana's
*SPLAAASH*
Nanginig ako bigla nang maramdaman ko ang buhos ng malamig na tubig. Hindi ko magawang yakapin ang sarili ko dahil sa nakatali ang magkabila kong kamay sa magkabilang dulo ng higaan. Hindi pa sila nakuntento. They even tied my feet which lead na nagkaroon na ng sugat ang ankle ko.
"Hoy, gising!! Manonood tayo ng Inauguration speech ni Almira." sigaw niya sakin at saka ako napatingin sa kanya. "Thanks to your stupidity. Nakuha niya ang Rominita, .. finally." nakangiting sabi niya.
1 month before...
Bakit... Bakit may picture si Almira dito? Nilapag ko siya saglit sa isang tabi at saka ako naghalungkat. Kinuha ko yung papel na ikinagulat ko. Ito yung papel ng autopsy result ni Dad. Binasa ko ulit siya at naalala ko pala na may fingerprint sa leeg niya. Napatingin ulit ako sa kahon at may nakita akong DNA Profiling Result. Kinuha ko yun only to see na..
...yung fingerprint ni Almira ay nagmatch sa fingerprint na kinuha nila doon sa leeg ni Dad.
Manginig-nginig kong hinawakan ang resulta. This can't be true! Hindi ako maniniwala dito. May possibility na pineke nila to'. Tinabi ko yung resulta at saka ulit ako nagkalkal.
May nakita nanaman akong DNA Profiling Result. This time, buhok siya. Wait! May nakita akong nakaattach na picture. Picture pala siya ng blonde hair na nakuha ko sa may ilalim ng TV. Tiningnan ko yung resulta at nanlaki nanaman ang mata ko. Y-yung blonde hair na buhok ay nagmatch kay Almira.
Ano ba to'? Anong kalokohan ba ang ipinapahiwatig nito? Naiinis nako. Tinabi ko naman yung papel at pagtingin ko sa loob ng kahon, CD nalang pala ang nasa loob. Kinuha ko yun at saka ako umakyat pabalik sa office table ko. Nilabas ko yung laptop ko at saka siya in-on. Ininsert ko yung CD at may nagplay agad na video. It's a CCTV footage.
I saw na CCTV footage pala siya sa labas ng office ni Dad. Malinaw yung footage and it's almost like a phone video recording. Nagulat ako nang lumabas si Almira mula sa office ni Dad. Nagstop yung video at biglang nahighlight yung time.
"6:58 PM."
No way? And... it seems like this video happened 9 years ago. Naalala ko bigla yung autopsy result ni Dad. H-he died approximately at 7 PM.
Napatayo ako. H-hindi pwede to'. Mali ang iniisip ko kay Almira. No! Nakaramdam ako ng panic at napabagsak ako pabalik sa swivel chair. Bigla nalang sumabog ang luha ko nang iniimagine ko kung paano... kung paano... pinatay ni.. Almira si Dad.
Hindi ko mapigilan yung iyak ko. Hindi ko mapigilan. Napapaisip tuloy ako na sinisisi ko yung sarili ko. B-bakit ko pa kasi siya iniwan?
-
Pumasok ako sa office Almira habang dala ko yung kahon only to see na nagaayos siya. Napansin niya ang presensya ko kaya napatigil siya.
"Ms. Montes, may kailangan po kayo?" magalang niyang sabi habang tumatayo siya.
Hindi ako lumapit sa kanya at nilapag ko yung kahon sa lamesa na nasa harap ng office table niya.
"N-nasaan ka noong oras na namatay si Dad approximately at 7PM according sa Autopsy result?" nanginginig kong tanong sa kanya.
I heard she let out a heavy sigh. "Hindi ko maalala but as far as I remember, busy ako sa big laun--"
"Liar." I said in a disappointed voice. "Nandito! Nandito lahat ng ebidensya na nagpapatunay na... na... ikaw ang pumatay sa kanya."
BINABASA MO ANG
ENDLESS JOURNEY OF LOVE
RomansaAfter 18 years of not having a chance to love each other, they finally meet again and encounter some hardship and obstacles blocking between them. Would they be able to find a hole to touch each other? Or they might end up creating another years to...