Christian's
"Ian, where the hell are you? Kanina pa kami ni Avery nagaantay dito sa lobby!"
"On my way." I said at saka ko pinatay ang tawag.
Habang nakatuon ang pansin ko sa pagmamaneho, hindi ko mapigilan ang mapaisip sa gamot na iniinom ni Almira which is na iniinom din ni Avery. Palliative treatment for those who have a memory problem? Wait. Sumasakit nanaman ang ulo ko. Bakit iinom ng ganung gamot si Avery? Okay. Alam kong I have no right na pakelaman ang mga privacy concerns ni Avery pero what if kung siya si Lez? Diba? Think about it. Kung siya si Lez, bakit siya iinom ng gamot na para sa memory problem?
Did she lost her memories again?
Slap! She's dead. She's fvcking dead!
Nang makarating ako sa tapat ng kumpanya, nakita ko kaagad sila Avery. Binaba ko yung car window at saka nila ako nakita. Kitang-kita ko kaagad sa mukha ni Ate Yani ang busangot niyang itsura. As always, tsk.
Umupo sa Ate Yani sa passenger's seat at saka likod naman si Avery. "Anong silbi ng kotse mo kung mabagal naman ang andar?" reklamo niya habang inaayos niya yung seatbelt.
"Madali akong kausap, ate. Baba." utos ko.
"Shut up and just drive. Nagugutom na ako."
Hindi ko nalang ulit pinansin at saka inandar yung kotse. Napatingin ako sa front mirror at nakita kong uminom nanaman si Avery ng gamot niya. It must be the Donepezil. Hindi nako nagabalang tanungin siya. Baka kasi mairita nanaman. I find her somehow so sensitive.
•
Pagkapasok namin sa bahay, nagulat agad si mama. Tiningnan niya pa mula ulo hanggang paa at nagtataka pakong tiningnan.
"Ma, ininvite namin si Avery. Okay lang ba?" paalam naman ni Ate Yani.
"Of course." she happily answered at saka niya nilapitan si Avery. "Welcome. Feel free here."
Ningitian naman siya ni Avery. "Thank you,... Tita."
Sa pagkakasabi niyang yun, bigla akong napatulala. Tita? Parang ang sarap naman pakinggan. Its like a music to my ears kapag tinawag niya ng ganun si mama. Did I mention that she almost have the same voice with Avery? Nakakatuwa lang.
"Ian.." narinig kong may tumawag sakin at si mama pala. "Pababain mo na si Albea. Kami ng bahala kay Avery." she said at saka nila dinala si Avery sa dining room.
Naglakad nako paakyat sa kwarto only to see na busy si Albea sa laptop niya. Nakita ko naman na tulog si Sky pero... how come na naging busy siya?
"Bakit nandito ka pa? Bumaba ka na para kumain. We have a visitor anyway." sabi ko sa kanya.
Inikot niya yung upuan niya at saka tumayo. "I may be so desperate before but this time, I have the right to fight for what I own." sabi niya at saka niya ako nilagpasan. Ano nanaman bang pinagsasabi nun?
Nauna siyang bumaba at saka ako sumunod. Inutusan ko yung nadaanan kong katulong na bantayan si Sky. Tahimik naman si Albea hanggang sa makarating kami sa dining room. She wasn't bothered nang makita niya si Avery.
Magkatabi kaming umupo ni Albea at sa tapat namin ay magkatabi si Avery at Ate Yani. Sa gitna naman si mama. Nagsimula na kaming kumain at as usual, nagsimula nanamang magdaldal si Ate Yani.
"Mom, you won't be believe what I'm going to tell you! First day ko palang sa trabaho pero kinuha na agad ni Avery ang mga designs ko para sa New Season Sales Project. I feel so honored. You should be proud." tuwang-tuwa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
ENDLESS JOURNEY OF LOVE
RomanceAfter 18 years of not having a chance to love each other, they finally meet again and encounter some hardship and obstacles blocking between them. Would they be able to find a hole to touch each other? Or they might end up creating another years to...
