CHAPTER 45

777 25 3
                                        

Christian's

"So, umamin na pala si Atrina at naging saglitan lang ang hearing niya. Ano ang parusa sa kanya?" tanong ko kay Avery na nakaupo sa lamesa ko ngayon.

"It should be 5 years pero ni-reduced nila ng 3 years dahil bukod sa buhay si Lez, she admitted everything." at saka siya tumayo at hinarap ako. "It looks like we're done with the two. Your very own mother became a whistleblower against Atrina. She lowered her pride at lumuhod sa harap ni Lez."

"Tita, what are you doing? Nakakahiya po kay Ian."

"I don't care. Kahit paluhurin mo pa ako sa asin, wala akong pakialam. Hindi madaling patawarin ang isang katulad ko kaya ako ng paparusa sa sarili ko.--I'm sorry for everything. We were so careless and greediness surrounded us. Sana, kahit mahirap, mapatawad mo ako."

Napapikit ako nang maalala ko iyon. Wala ako sa scenario na yun pero pinanood ko sila mula sa malayo. Masakit man makita na ang sarili mong ina ay nakaluhod sa iba pero hinayaan ko siya. She did it on her own accord. Hindi niya ako sinabihan. Hindi siya nagpaalam. She did apologize first to Lez.

"Second, Atrina admitted everything. Hindi ko alam kung paano nangyare yun but someone reported to me na binisita ni Lez si Atrina." dagdag niya pa at nagalit ako sa huli niyang sinabi.

"Ano?!! Si--"

"Wag OA, Ian. Hindi siya pinapunta dun ni Vel nang magisa. I mean, hindi siya pwedeng hayaan ng mga bodyguards ng magisa."

"Kahit na. You know Atrina will never wanted to let Lez live." galit kong saad pero natahimik ako sa sunod niyang sinabi.

"Can you still say that ngayo't wala na si Atrina sa liwanag?"

Napaisip ako sa sinabi niya at nanahimik nalang. Hindi ko kasi alam kung magiging kampante ako na safe na si Lez or hindi pa. Feel ko kasi may gumagala pang demonyo and that would be...

"Our last target is now down to Almira Wong." she stated at napatingin ako sa kanya. "To be honest, we have nothing against her except sa embezzlement. I can see that she never targeted Lez but she instead targeted Rominita to lose her last card. So, ano gagawin natin sa kanya?"

Napaisip nanaman ako sa sinabi niya. Aba, mga nakaraang araw, siya na yung naglelead ng conversation namin. Muli akong bumalik sa pagiisip sa kung anong gagawin kay Almira pero isa lang ang pumasok sakin.

"What if... bumalik ang alaala ni Almira and remember Eljon as her childhood friend? Will that be able to stop her?" suggest ko at isang matagal na masamang tingin ang binigay niya sakin. She must be giving it a thought.

"Kung ayun yung gusto mong gawin, make an evidence na makakapagpatunay na si Almira at Avery ay iisa lang talaga."

Bumaba ako mula sa sasakyan ko at inobserbahan ang under-construction na building. Hindi ko alam na isa palang civil engineer ang stepdad ni Almira na si Juno Wong. A very famous civil engineer. Hindi ko alam kung bakit pa kailangang habulin ni Almira ang yaman ni Lez eh pucha, mas mayaman pa siya sa kanya. May sapak na talaga siya sa utak.

Nakaagaw ng pansin ko ang grupo ng mga lalaki na nakaformal ang suot at kasabay nila sa gitna si Juno na nagdidiscuss ng plano nila sa building. Nilapitan ko agad sila at napansin agad ang presensya ko.

"Sino ho kayo?" tanong ng isang lalaki na mas matangkad sakin at ang edad ay hindi ata nalalayo sakin.

"Gusto kong makausap si Juno Wong for personal reasons. Can you give me some of your time?" magalang kong sabi sa kanila at saka ko sila ningitian.

ENDLESS JOURNEY OF LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon