CHAPTER 13

1.5K 65 4
                                    

Christian's

"Sir, pinapababa na po kayo ni Ma'am V--"

"Tell her..." at saka humarap sa maid at binigyan ng nakakasamang tingin. "...Hindi ako sasabay sa kanya kumain."

"O-opo."

Agad naman siyang lumabas ng kwarto ko. Tss. Bumalik ako sa harap ng salamin at saka tiningnan kung maayos na ba yung necktie. Dahil saksakan ako ng kagwapuhan, maayos na siya. Tinalikuran ko na yung salamin at may nakita nanaman akong bagong mukha sa pinto.

"Kailan ka lang bumalik?" I asked as I grab my phone at the side table.

"Kanina lang. Tinawag agad ako ni Mom dahil nagaway daw kayo."

"Which side you're on, Ate Yani?"

"Care to tell me?"

I sigh. "I'm stepping down as a CEO."

Nanlaki mata niya at masama akong tiningnan. "Do you even think what you're doing? Nagbago buhay natin doon sa kumpanya na yun!"

"Nagbago ang tingin sakin ni Marie magmula ng malaman niyang tinatakbo ko ang kumpanya ng fiance ko!"

"Nandito na siya?" kunot-noo niyang tanong.

"Don't even think talking to her. Tama na yung si Mom lang ang kumausap sa kanya." Naglakad ako papalapit sa kanya. "Pagod nako, Ate Yani."

Nilagpasan ko siya at saka ako lumabas ng pinto. Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ako.

"Allen!" I turned my face. "Don't be so disappointed to the people around you. You should be disappointed to her."

Hindi ko nalang siya pinansin at saka ko tinuloy ang paglalakad. Nakakapanibago lang. How come na nagbago ang tingin ni Ate Yani kay Marie? She almost treated Marie as a sister. Why is that everyone is so against Marie? Wala naman siyang ginagawa. Nakakainis lang.

-

"I'm sorry, sir pero wala po siya. She received a call an hour ago kaya umalis siya."

"Are you allowed to tell me where she's going?"

"No."

"Can't I just check her office?"

"Yes, sir."

Pumasok ako sa office ni Lez at saka nagikot. Saan kaya pupunta yun? These days, lagi na siyang wala at nawawala. Saan ba laging nagpupupunta yun? I even tried Kei and others pero wala naman daw binabanggit sa kanila. Napansin kong may tao sa baba at nagulat ako kung sino yun.

"What are you doing here?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Oh, Christian. Nandito ka pala." he said as if I wasn't asking.

"Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito." ulit kong tanong.

"Wala lang. Nagiikot lang ako."

"Eljon, alam ba ni Lez na nandito ka?"

"Si Lez?" He said as he was taking the upstairs. "Hindi nga niya napansin na pumasok ako eh."

"You should have told her. Are you peeking on her?" halong galit na sabi ko. Who knows that he's capable of doing that.

"Woah, Mr. Largado. There's no way na gagawin ko yan sa kanya. Hindi nako makakabalik dito ng buhay if ever." He said at naggesture pa siya na hindi niya gagawin yun.

Bigla kaming nakarinig ng pop ringtone sa monitor ni Lez. Nilapitan namin yun at biglang nagbukas. Isang location ang nakita namin at...

"Louellia Hotel? Ano kayang gagawin ni Little Marie doon?" narinig kong sabi ni Eljon na agad akong napatingin sa kanya.

ENDLESS JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon