FINAL CHAPTER

914 28 4
                                        

Lezlhiana's

"Can you leave us alone?" pakiusap ni Almira sa dalawa at saka naman nila yun sinunod.

Nilagay ko ang bulaklak na kanina ko pa hawak sa lapida ni Ona. It was a moment a silence for us hanggang sa nagsalita si Almira.

"She used my name." she said in a low tone at doon nako napaluha.

Napapikit ako sa lungkot na nararamdaman ko. "...And she used my face."

It must have been so hard for her. She went through ups and downs magaya lang ang mukha ko just to avenge my father. But now, she went down just to go back. Napahawak ako sa dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Hinayaan lang ako ni Almira na umiyak ng umiyak.

"Kasalanan ko---"

Pinutol ni Almira ang sasabihin ko. "No. It's entirely my fault. If I didn't come up with a plan to destroy you, she wouldn't have known and she will not go through this surgery. I'm already paying for the price of what I've done and that is, my uncurable pain. But still, nagpapasalamat ako. If it's not because of her, hindi ko madidiscover na yung pangalang dala niya ay ang totoong pangalan ko pala. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya. She must be resting now in peace." she said in a soft voice. Napatingin ako sa kanya at nakita kong napapaiyak na rin siya.

Napatingin ako kay Ona nang may tumulo ulit mula sa mata ko. Thank you. Thank you for doing everything you can. Kung hindi dahil sayo, wala sana ako sa kalagayan na mapapangiti ulit ako. Hinding hindi kita makakalimutan. Buong buhay kitang tatandaan. Hanggang sa mamamatay ako, buong buhay kitang pasasalamatan. Thank you so much for everything, Ona Nedez.

Magmula ng dumating kami ng hospital, buong oras lang ako nakatunganga. Nakaupo ako ngayon sa higaan ko habang si Ian naman ay kinukumotan ako. Nagayos siya ng mga gamot ko sa side table pati na rin ng ibang gamit ko.

"Wala na bang ligtas si Almira sa sakit niya?" basag ko sa katahimikan na namamagitan samin.

"We don't know. Nakadepende na ata sa kung paano niya labanan ang sakit niya." nakangiti niyang sabi.

Napayuko ako. "I want her to live. Ayoko yung kaming tatlong babae na naging parte ng buhay niyo ay sabay na mawawala. Atleast one of us should remain."

Napaangat ako ng tingin nang hawakan niya ang kamay ko. "You will still remain. You still have Lilyana."

After niyang sabihin yon, niyakap niya ako ng mahigpit. Napahawak ako ng mahigpit sa damit niya at saka ko siniksik ang sarili ko sa dibdib. I'm scared. I'm so scared to death. Why is fate so cruel to us?

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan at ito na ang buwan kung kailan ilalabas ko na sa mundo si Lilyana. They have been taking care of me so preciously. Magmula noong araw na nawala si Ona, mas pinili ko na ang hindi nalang lumabas at kumulong ng hospital. Tanging si Almira lang ang nakakabisita sakin dahil aaminin ko, may mga trabaho din sila Ian at Eljon. I have already expected na hindi sila lagi nandyan para sakin. Honestly, naaawa nako kanila Tito Ray. Halos milyon na ang nagagastos nila sakin tapos dagdag pa yung mga big projects na isinasagawa nila sa Emilia at Rominita.

Habang busy ako manood ng TV, biglang may bumisita sakin at hindi ko siya inasahan na bibisita sakin.

"Tita Vel?"

"Hello anak." may halong kaba na sabi niya. Naglakad siya papalapit sakin at may inabot sakin na paper bag. "I bought foods. I'm sorry and I know na busy si Ian for now so ako muna ang magaasikaso."

Naglapag siya ng dalawang paper bag sa side table at inangat niya ang bed table ko. Naglapag siya ng isang food na nakalagay sa isang food container. Halos mapaluha ako sa pagkain na nilapag niya. I grab the fork at sumundot ako ng isa. While chewing the food she brought, napaluha ako and look at her.

ENDLESS JOURNEY OF LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon